068

3 0 0
                                    

Author's Note:
Gayong ipinakita ko ang paraaan ng pagsamba ng mga tribo noon, ipinakita ko rin ang side ng literatura sa pamamagitan ng dagli. Sana puwede na 'to as Dagli since interpretasyon na ng reader ang ending nito.

"Mahika ng hinaharap"

"Halina kayo mga kabataan!" Napatingin ang aking mga kasama sa sumigaw. Nagsitakbuhan ang lahat at lumapit sa kaniya. Tumayo rin ang aking katabi at wala akong nagawa kundi ang gayahin sila.

"Buwan na muli ng tag-ulan at baka sa taong ito ay babalik na siya! Kung kaya't huwag kayong titigil sa pagsamba, pananalangin at paghahandog sa kaniya," sambit pa nito at napatulala ako sa angking kagandahan nito. Ngumiti siya sa mga mamamayang bumabati sa kaniya at sumasangayon. Hanggang sa napatingin din siya sa akin habang nakangiti, doon ko napansin ang pagbagal ng ikot ng aking kapaligiran.

Nagsimulang maghandog ng awitin ang mga kababaihan at kalalakihan habang sila'y sumasayaw sa harap ng malaking puno. Magtatakip silim na kung kaya't nagsisimula nang lumamig ang kapaligiran. Natunghayan ko ang iilang mga kabataang nagbibigay ng handog sa tabi ng malaking puno. Mga prutas iyon at kapansin-pansin din ang mga bulaklak roon.

Nagpatuloy sa pag-awit at indayog ang mga tao roon samantalang nakatingin lamang ako sa kanila. "Ibig mo bang makihalubilo sa kanila." Napalingon ako sa aking tabi at nakita ang babaeng nasilayan ko kanina. Nakakabighani ang kagandahan nito at hindi ko magawang magsalita. Tumingin din siya sa akin at dali-dali naman akong umiwas.

"Ngayon pa lamang kita nakita sa tribo na ito." Napakunot ako ng noo at napagdesisyunang tumahimik na lamang.

"Matagal na akong naririto at natunghayan ko kung paano nila ako sambahin." Natigilan ako sa kaniyang sinambit at tumingin muli ako sa kaniya. Umiilaw na ang mga mata nito na kulay berde gaya ng punong nasa harapan namin ngayon.

"Napakaganda nilang pagmasdan, hindi ba? Ang paraan ng kanilang pagmamahal sa isang kagaya kong espiritu ay hindi masisilayan kung sila'y sinakop ng mga karatig na bansa." Doon ko lamang na napagtanto na mayroon siyang kakayahang makita ang hinaharap. At higit sa lahat... hindi lamang siya ordinaryong tao. Dahan-dahan siyang ngumiti at may kung anong luha ang namuo sa kaniyang mga mata.

"Hindi nila batid na sa simula pa lang ay nandidito na ako sa kanilang tabi... At hindi na nila kailangan pang maghintay sa kaniyang pagbabalik." Sa isang iglap lamang ay lumiwanag ang kapaligiran at napansin kong huminto ang kapaligiran. Hindi lamang siya nakakakita ng hinaharap kundi kaya niya ring pahintuin ang oras! Lumulutang ito ngayon habang umiilaw ang mga mata. Malakas na umihip ang hangin at tumayo ako sa aking kinauupuan.

Siya ba ang espiritu ng Acacia na ito?

"Mahal, hinintay kita nang napakatagal... bakit ngayon ka lamang bumalik mula sa hinaharap?"

Isang Pahina ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon