March 15, 2023
"Ang lugar na puno ng mga bilog"
Hindi ninyo aasahan ang aking paboritong lugar sapagkat napaka-imposible nitong marating. Ngunit mayroon akong mga dahilan bakit ito ang nais kong mapuntahan. Ang lugar na ito ay hindi mo na maisusukat pa dahil napakalawak nito. Kung ito'y iisipin, hindi na rin ito mararating ng ibang tao sa layo nito. Kailangan mong lumakbay gamit ang "speed of light" o kaya nama'y ang tawag nilang "wormhole". Nais kong ipakilala sa inyo ang lugar kung saan ikaw ay mapapatanong kung tayo ba'y nag-iisa, ang universe.
Base sa aking nabasang libro, kung ilalagay sa poe chart ang nalalaman natin tungkol sa ating kalawakan o "universe", 5% pa lamang ang nalalaman natin tungkol dito. Samantalang ang kasunod ay tinatawag na "Dark Matter" kung saan naglalaman ng 27% sa ating unknown university. At higit sa lahat, mayroong matitirang 67% na hindi alam ng mga tao. Ngayon, sasabihin ko naman sa inyo ang aking nalalaman dahil sa aking panonood at pagbabasa. Kung ating iisipin, maraming mga bituin sa kalawakan na ating nakikita at mayroon naman tayong tinatawag na "solar system" kung saan may mga kasama tayong ibang planeta kagaya nila Venus, Saturn, Mars, Mercury, Neptune, Jupiter at Uranus. Isa pang bagay na hinahangaan ko ay ang oras sa kawalakan dahil naiiba ito sa ating planeta, kung ikaw ay nakatingin sa isang bituin mula sa ating kinatatayuan, maaaring ang bituin na iyon ay patay na sapagkat naglalakbay ang liwanag sa atin ng ilang taon, thousand light years away o kaya nama'y million light years away. Nais kong ipakilala sa inyo ang tinatawag na "black hole", kung madadaan mo ito sa kawalakan, kakainin ka nito dahil sa lakas ng gravity nito at wala pang nakakaalam kung saan ka mapupunta kapag kinain ka nito. Ang tinatawag nilang "wormhole" ay maaari kang makakakbay sa ibang kawalakan kung papasok ka roon. Napakarami pang bagay sa kawalakan ang nais kong sabihin ngunit iilan ang mga dahilan na iyan kung bakit hanggang tingin lamang ako sa lugar na nais kong marating.
Bilang pagtatapos, may mga bagay lamang na nais natin na hanggang tingin lamang. Ngunit kung ikaw ay gagawa ng aksyon makakamit mo ito. Dito sa ating mundo, kung hindi ka kikilos wala kang matatapos. Kung nais kong makapunta sa kawalakan balang araw, gagawa na ba ako ng aksyon ngayong upang matupad ito? Kailan ba dapat ako umaksyon kung kailan huli na? Ikaw ang makakasagot sa mga katanungan iyong nais marating sa buhay.
BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poesía#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories