019

18 2 0
                                    

Ika-labing siyam na Pahina ng Nakaraan: Parents

August 19, 2022

Minsan mo na bang naisip kung nasa maayos na kalagayan ang iyong mga magulang? Na sa tingin mo ay masaya rin sila sa kanilang buhay? Minsan mo na bang natanong kung ano ang nararamdaman nila? Na ano ang maaaring maitulong sa tuwing sila'y may problema?

Kadalasa'y, maaari tayong maging sandalan ng ating mga magulang sa tuwing kailangan nila ng may mapagsasabihan. Sa kahit anong relasyon, maganda ang open sa isa't isa, mapakuwentuhan o problema man iyan. Parents mo sila for a reason, and anak ka nila for a reason. We should help each other. Hindi 'yung hihilain pababa ang isa't isa para umangat.

Akin namang nababatid na sa kalagayan ng isang anak, mahirap din marinig na pinapagalitan tayo o ano man. Alam ninyo kasi minsan, kailangan lang nating intindihin ang isa't isa at babaan 'yung pride. Kasi hindi naman tayo magkakaaway sa pamilya, nagtutulungan tayo. Mga tao tayo na dapat pakinggan, at dapat ding makinig. Bakit hindi nalang natin gawin ang bagay na makakabuti sa lahat? Ngunit hindi talaga maiiwasan ang mga ganitong bagay, kung may positibo, may negatibo.

Maaari ba nating pakinggan ang isa't isa? Maaari ba tayong magsalita nang nararamdaman ang halaga natin sa isa't isa? Maaari ba nating piliing maging mabuti sa isa't isa at ibaba ang pride natin? Para sa'yo, para sa mga magulang mo, para sa ating lahat.

--------------------------------------------

#PahinaNgNakaraan

Isang Pahina ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon