070

12 0 0
                                    

"LIWANAG NG KABUTIHAN AT KATATAGAN"

Sa gitna ng pandemiya mayroong mga kabataang nag-aaral. Katotohanang nararapat  lamang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa kadahilanang makamit ang mga  pangarap sa buhay. Ating nababatid kung gaano kadilim ang kapaligiran nang maransan  ang sakit na nagpapabawi ng buhay. Mga kabataang nagbabasa ngayon ng aking  sanaysay. Nais kong magbigay liwanag sa inyong pag-aaral buhay. Minsan na bang  sumagi sa inyong isipan kung gaano kahalaga ang pagiging tapat sa ating pag-aaral?  Ano ang mangyayari sa isang kabataang tulad kong estudyante kung siya ay tapat sa  pag-aaral? Kung ang pagiging tapat ay masasaksihan sa gitna ng pandemya, ano ang  kahalagahan nito? Nais mo bang malaman ang sagot sa mga katanungan ng manunulat?  Marahil dapat mong matunghayan ang nilalaman ng sanaysay na ito.

Ang pagiging tapat ay nagsasaad ng pagiging totoo sa lahat ng oras at bagay, ganoon  din sa ating pamilya, kaibigan, kapuwa tao, sarili at ang pinakadakila sa lahat ay ang ating  Panginoong Diyos. Kung isasama natin ang pagiging tapat sa ating pag-aaral, marahil  mayroon ng ideya ang mabubuo sa ating isipan. Sa pag-aaral, mayroong mga  estudyanteng hindi tapat sa kanilang pag-aaral, o ang tinatawag na mandaraya. Ang  pagiging mandaraya ay nakakasira sa dignidad ng isang tao, sa kadahilanang hindi mo  nirerespeto ang iyong kapuwa estudyante na pinaghirapan ang kanilang pag-aaral,  maging ang iyong Guro na nagtiyagang tulungan ka sa iyong pag-aaral. 

Ano ang kasalungat ng salitang mandaraya? Ang paksang pinaguusapan natin ang  kasagutan sa tanong na iyan, katapatan. Mahalaga ang pagiging tapat pag-aaral, sa  kadahilanang maaaring maging isang larawan ng mga estudyante ang pagiging mabuti.  Ang pagiging tapat ay matutunghayan sa paksang "Likas na Batas Moral" sapagkat ito  ay tumutukoy sa mga batas na ipinagkaloob sa isang tao bilang tugon sa kaniyang  pakikibahagi sa kabutihan at karunungan ng Diyos. Dahil sa batas moral na iyon,  nagkakaroon ang tao ng kakayahang malaman ang mabuti at masama. Hindi ba't  itinuturo sa ating mga kabataang... piliin ang kabutihan? Sabihin na nating hindi lamang  mga kapuwa tao natin ang nagsasabi ng ganoong pangungusap. Hindi ba't itinuturo din  sa banal na kasulatan ang pagiging tapat. Ang ating Panginoong Diyos mismo ang  nagsabing piliin ang kabutihan sapagkat nagsasaad sa talatang Marcos 10:18 "At sinabi  sa kaniya ni Jesus, Bakit tinatawag mo akong mabuti? walang mabuti kundi isa lamang,  ang Dios." Kung gayon, kawangis natin ang ating Panginoong Diyos sa katangian, kaya  nararapat lamang na piliin natin ang kabutihan. Bakit mo pa pipiliin ang pandarayang  tungo sa kasamaan? Kung maaari mong piliin ang pagiging tapat tungo sa kabutihan?

Kung pipiliin mo ang pagiging tapat tungo sa kabutihan, ikaw ay magbibigay liwanag sa  gitna ng kadilimang pumapaligid sa atin ng kasalukuyan. Ang bagay na nagbibigay

kadiliman sa ating kapaligiran ay ang pandemiya. Sa banal na kasulatang nagsasaad sa  Juan 8:12 "Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng  sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon  ng ilaw ng kabuhayan" Ang ating Panginoong Jesus ay naglalarawan din ng kabutihan,  na nagbibigay liwanag sa ating mundo na kung saan ay ang sumunod sa kaniya ay hindi  lalakad sa kadiliman, na magkakaroon ng ilaw sa kaniyang kabuhayan. Ang pagpili ng  katapatan tungo sa kabutihan ay nagbibigay ng liwanag sa kadiliman, kung saan ang  pagkakaroon ng liwanag sa ating kabuhayan ay nagbibigay katatagan sa gitna ng  pandemyang kasuklam-suklam.

Mahalaga ang katapatan sa pag-aaral sa gitna ng pandemiya. Sa huling pangungusap  na nagsasaad ng "Piliin mo ang katapatan sa pag-aaral tungo sa larawang kabutihan at  katatagan sa gitna ng pandemiya. Kung saan pinili mo ang kabutihan, makakamit mo ang  iyong pangarap sa kabuhayan."

Binibining Jeza Asuncion

Isang Pahina ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon