038

47 1 0
                                    

March 14, 2023

"Makasarili ba kung tawagin?"

Paboritong tao, mapapaisip ka kagaad na ito ay crush, boyfriend girlfriend, bestfriend, kaibigan at pamilya. Hindi ba't iyon din naman ang maaaring kasagutan sa paksa na ito? Bakit ba may tinatawag tayong "paboritong tao" kung maaari naman nating piliin ang lahat? Dahil sila ba ang taong nagbibigay kasiyahan sa atin, nagpapakilig sa atin, nagbibigay ng oras sa atin upang makasama tayo, ang taong nakikita ang halaga natin, hindi ka nito iiwan kahit ano ang mangyari---- ngunit lahat ng nakikita mo ay may hangganan. Sino nga ba ang karapatdapat na tawaging "paboritong tao"?

Nadaanan ko na ang paksang ito noong ako'y junior high school pa lamang. At ngayo'y iisa pa rin ang aking isasagot dito. Hindi ikasasama ng mundo kung pipiliin ko ang "aking sarili" sapagkat siya ang mas nakakakilala sa akin, sapagkat siya ang taong maiintindihan ako na hindi magagawa ng iba, siya ang taong makakagawa ng mga bagay na nais naming marating at higit sa lahat siya ang taong kayang mahalin ang kaniyang sarili na hindi magagawa ng iba. Ang aking sarili lang naman ang maiiwan sa bandang huli. "You only have yourself at the end." Ngunit hindi ko sinasabing huwag ka nang humingi ng tulong sa ibang tao sapagkat sila din ang huhubog sa'yo kung ano ka ngayon. May mga bagay sa mundo na kung saan maaari mong piliin ang iyong sarili. Sa mundong kung saan karapatdapat mong alagaan, pagtuunan ng pansin at mahalin ang iyong sarili.

Ngayon napapaisip ka rin ba kung sino ang paborito mong tao? May iba't iba tayong dahilan kung bakit iyon ang ating kasagutan. Ngunit sa isang katulad ko na binibini, iisa pa rin ang aking kasagutan na kung saan ay "ako". Napakaraming dahilan kung bakit sarili ko ang aking pinili. Sa kabila nito, hindi ko rin makakalimutan ang mga taong humubog sa aking pagkatao.

Isang Pahina ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon