His Eyes.
June 11, 2023 and June 12, 2023
Habang nakatuon ang aking pansin sa papel na aking ginugihutan biglang gumalaw ang lamesang kinalalagyan. Napatingin ako sa aking harapan at napansin ang isang lalaki na napadaan sa aking harapan at natamaan niya ang lamesa kung kaya't gumalaw ito. Nakakunot ang aking noo na tumingin dito at kumunot ang aking noo habang patuloy ang musika sa aking headphones. Hindi man lang ito lumingon at nagpatuloy sa kaniyang paglalakad. Binalewala ko na lamang at nagpatuloy sa aking pag-guguhit.
Ilang minuto ang lumipas at dumaan na naman ito sa aking harapan dahilan upang mapatingin ako rito. May dala itong malaking tumbler na kulay black. Kulay itim din ang kasuotan nito at may dalang twalya na nakasabit sa kaniyang katawan. Iniangat ko ang aking tingin sa kaniyang mukha at nagtama ang aming mga mata. Dalawang segungo lamang iyon ngunit hindi ko makalimutan ang kaniyang itsura. Napalunok ako ng laway at napatulala sa kawalan.
Sino ba iyon?
***
Hindi ko makalimutan ang ekspresyon ng kaniyang mukha lalo na't kapag nakatingin siya sa akin. Parang inaakit ako ng mga mata nito na gusto ko na lamang titigan buong araw. Ngayon ko lamang siya nakitang muli ngunit bakit ako naaakit ng ganito?
***
Humahanga ako sa disiplina niya at ang mga plano niyang gawin para sa kaniyang sarili. Nakikita ko rin ang sarili ko sa kaniya dahil sa kaniyang mga ginagawa kung saan naging interisado ako sa kaniya.
***
"Gusto mo bang kumain?"
;
"Nakakahiya kaya."
;
"Napaka-interisado ng buhay mo."
;
"Hindi ako kumakain nito."
;
"Okay ako kung si Naih lang eh."
;
"Para pagbalik ko may mapag-usapan?"
***
"Patingin nga" sambit nito at ipinakita ko ang aking iginuhit kaninang umaga.
***
Hindi mawala sa aking isipan ang kaniyang mga mata habang kami'y nag-uusap. Sa tagal naming hindi nagkita ganito ang hahantungan?
***
Ang ekspresyon niya sa tuwing ngumiti at ngumisi ay hindi mawala sa aking isipan.
***
"Babalik ka naman dito, di'ba?"
;
"Sige susubukan ko na."
;
"Na-aapply ko naman noh?"
;
"Naiwan mo nga pareho"
***
Natawa na lamang ako sa aking iniisip at dumating ako sa ganitong sitwasyon na hindi ko inaakalang mangyari sa akin.
BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poesia#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories