023

31 2 0
                                    

Ika-dalawampu't tatlo na Pahina ng Nakaraan: Ulan

August 23, 2022

Malakas na bumubuhos ang ulan habang nakatingin ako sa bintana ng aming sasakyan. Napakaingay ng aking notification sa messenger dahil nagkakagulo ang aking mga kaklase kung may pasok ba o wala dahil sa lakas ng ulan. Napabuntong hininga na lamang ako at ipinatay ang data at isinalpak ang earphones sa aking magkabilang tenga.

Kasalukuyang pinapakinggan ko ang kantang 'Glimpse of Us' by Joji.

Bakit tila ba'y sa tuwing umuulan mas nanaisin ko pang maging malungkot keysa maging masaya? Kadalasa'y ako ay nakikinig sa mga sad music, sa tuwing umuulan. Hindi ko alam bakit. Hindi naman ako heart broken o ano. Siguro gano'n talaga kapag konektado kayo ng panahon.

Nakatulala lamang ako habang nakatingin sa bintana ng aming sasakyan. Nag-iisip ako tungkol sa aking mga gagawin sa susunod na araw. Balik pasukan na at napakaraming gagawin ulit. Sa tingin ko kakayanin ko naman lahat iyon dahil gusto kong maabot yung mga goals ko. Sa tingin ko kakayanin ko naman lahat kapag nagtiwala ako sa sarili ko at sa ating Panginoong Diyos.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na ako sa aming eskwelahan. Tahimik akong bumaba ng sasakyan at naunang naglakad sa mga kasama ko. Pinagmamasdan ko lamang ang kapaligiran habang tinitingnan ang bawat tao. Kasalukuyang nag-pplay ngayon ang 'foreshadow x style" na mashup ng Enhypen at ni Taylor Swift.

Walang emosyong makikita sa aking mga mata habang pinagmamasan ang mga estudyante na may kani-kaniyang buhay. Nakapasok na ako ng gate nang may makatama sa aking balikat dahilan upang mahulog ang mga hawak nitong gamit. Halatang nagmamadali ito sa kaniyang kilos pa lamang. Napahawak ako sa aking balikat at tiningnan ito. Tinulungan ko siyang pulutin ang iilang mga papel na nabasa dahil sa ulan. Mabuti na lamang at may bubong ang tatahakin ko papunta sa aking classroom.

Nagkadikit ang aming kamay nang pupulutin ko ang isang libro na ang title ay, "Our Asymptotic Love Story", nanlaki ang aking mga mata at tiningnan ang taong iyon. Nagtama ang aming mga mata habang mabagal na umiikot ang kapaligiran. Kasabay niyon ang musikang aking ipinapatugtog sa senaryong aking kinalalagyan ngayon. Pawang bumilis ang tibok ng aking puso habang nakatingin sa kulay asul nitong mga mata.

Maayos ang kaniyang buhok at nakasuot siya ng salamin. Nakapolong puti at nakaslacks na itim. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Matangos ang ilong at napakagandang pagmasdan ng kaniyang mata na medyo singkit. Kapansin pansin ang nunal nito sa kaniyang labi at kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat.

"TABEEEE!!!" May malakas na sumigaw sa aming harapan at sabay kaming napatingin kung sino iyon.

"Sorry," sambit ng lalaki at naunang umalis palabas ng gate. Tumingin ako sa aking kaibigan na ngayon ay nakangisi lamang.

"Tsk, sino naman iyon ah?" Pang-aasar nito at inikutan ko na lamang siya ng mata.

----------------------------------------

Wait for the next update. Do you think this is my own point of view?

#PahinaNgNakaraan

Isang Pahina ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon