Ika-labing tatlong Pahina ng Nakaraan: It's always the beginning
August 13, 2022
"Namamaga na iyang mga mata mo," saad ng aking kaibigan habang nakatulala lamang ako.
"Ayos lang," walang ganang sambit ko habang nakatingin pa rin sa kawalan.
"Ayos lang? Ayos? Yna, wake up!" Sigaw ng aking kaibigan at pumunta sa aking direksyon. Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at sapilitang tumingin sa kaniya.
"What happened? Tell me!" Dagdag niya pa kaya pinagtitinginan na kami ng mga customer dito sa cafè.
Nakatulala akong nakatingin sa kaniya at nagsalita, "He left me." And that's when I started to cry. Dahan dahang tumulo ang luha sa aking kaliwang mata habang nakatingin sa aking kaibigan. "After all I did to him," saad ko pa at mabilis na pinunasan ang aking mga luha.
Hindi makapaniwalang nakatingin sa akin si Zana at naiwan ang kaniyang dalawang kamay sa ere. Nakatingin lamang siya sa akin habang nagsasalita alo at umiiyak. "Nag-stay ako para sa kaniya. Sinundan ko siya kahit saan pa siya nag-aral perooo-----"
Hindi ko na natapos ang aking mga sasabihin nang niyakap niya ako. "Yna," usal niya at ibinaon niya ang aking ulo sa kaniyang balikat. Nagsimulang bumuhos ang mga luhang matagal ko ring pinigilan kanina bago siya dumating.
"It's always the beginning,"
--------------------------------------------
#PahinaNgNakaraan
BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poesía#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories