The third is the Scriptwriter. This person does not only watch, and she doesn't only act, but she actually creates
the entire movie from her mind. She determines what she will say, what she will do, and how the movie will end. She
realizes she has enormous control over her lite, and sees to it that the movie of her life will turn out beautiful.***
"Ikaw ang nagsulat nito?" Napatingin ako sa nagsalita mula sa aking likuran at nakita ang isang batang babae. Hawak nito ang isang libro na sa tingin ko ay nasa apat na daang pahina ang laman nito. Nakasulat doon ang pamagat ng nobela.
'Jardin de Rosas.'
"Isa ka ng ganap na abogado?" Dagdag pa nito nang mapansin niya ang aking lisensya na nagpapatunay bilang isang abogado ang tulad ko.
"Woah, napakaganda ng mga gawa mong obra," nakangangang sambit nito habang pinagmamasdan ang malalaki at maliliit na obra.
"Aww, ito ba ang oras na naka-graduate ka ng architecture?" Turo niya sa isang litrato sa tabi ng aking kama. Kasama ko sina mama at papa roon habang hawak-hawak ang diploma.
Napangiti ako nang mapagtantong ang nagsasalitang iyon ay ang 'batang ako' sa nakaraan. Na kung saan ito ang kaniyang mga pinangarap noon na natupad na ngayon sapagkat matagal ko na itong nais at pinagplanuhan.
Tumingin ako sa batang babae at ngumiti. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng isang bulaklak. Kulay pula ito at mahalimuyak. Isang rosas ang ibinigay nito sa akin. Makikita ang bungi-bungi nitong ngipin at napakasarap pisilin ng kaniyang pisngi sa tuwing nakangiti ito o tumatawa. Habang nakatitig ako rito ay biglang naging isang ganap na dalaga na ito. "Sa wakas! Tayo'y nagtagumpay! Nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat natupad mo ang ating mga pangarap," sambit nito habang hawak-hawak ang aking kanang kamay.
"Ako dapat ang magpasalamat sa iyo..." pagbitin ko sa aking pagsasalita. "Sapagkat ikaw ang nagsimula ng ating pinatunguhan ngayon. Ikaw ang nagplano. Ikaw ang nagsulat ng mga bagay na nais mong marating. Hindi ka sumuko at ikaw ay naniniwala sa iyong sarili. Dahil sa iyo kaya nandito ako." Naramdaman ko ang pagpatak ng aking mga luha habang nakatingin sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poetry#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories