071

22 0 0
                                    

"Salamin ng Nakaraan at Kasalukuyan"

Ibig kong isarado ang kabanatang dumaan sa aking buhay. Bago iyon, isusulat ko ang nilalaman ng aking isip at nararamdaman ng aking puso. Sino man ang nagbabasa nito ay nais kong makisabay kayo sa paglalakbay ng isang estudyanteng gaya ko mula sa RSHS III. Kung ikaw ang tatanongin, magbabalik-tanaw ka nga ba sa mga alaalang hindi mo na mararanasang muli?

Grade 7: 2018 - 2019
LAGING nakikihalubilo sa aking mga kaklase. Ganiyan ako noon, extroverted, maingay sa halos lahat ng pagkakataon. Maingay pa rin ngayon ngunit ang pinagka-iba lamang ay mas may makabuluhanang lumalabas sa aking labi.

Ang paaralang Regional Science High School III ang pinapangarap na eskwelahan ng aking Nanay para sa akin. Bilang anak, ako nama'y susunod sapagkat nang makapagtapos ako sa ika-6 na baitang, wala pa akong pinapangarap na eskwelahan.

Ngunit isang pagsubok ang aking kinaharap, hindi ako nakapasa sa unang entrance exam nito. Tunay ngang nadismaya ang aking mga Magulang at hindi ko rin mapigilang umiyak noon. Hindi ako umiyak sa kadahilanang bumagsak ako, kundi dahil sa naging reaksiyon ng aking Nanay at Tatay. Sa kadahilanang ibig kong makita ang ngiti sa kanilang mga labi sa tuwing ako'y may ginagawa para sa kanila.

Sa hindi inaasahan, nagkaroon ng WILD CARD, kung saan lahat ng mga hindi nakapasa sa entrance exam ay maaaring sumubok muli. Nabuhay ang aking loob sapagkat nabigyan ako ng pagkakataon upang ipakita sa aking mga Magulang na makakapasok ako sa paaralang ibig nila para sa akin. Kung saan napagtanto kong hindi lang dahil gusto nila roon, kundi dahil... mas matuto pala ako roon.

Ibig kong tumawa ang sino mang nagbabasa nito sapagkat... hindi muli ako nakapasa sa wild card na iyon. Ngayong isinusulat ko ito, napapangiti ako habang may bahid ng luha sa aking mata.

Nawalan ba ako ng pag-asa?

Hindi sumuko sila Mama at Papa.

Sa unang araw ng pagpunta namin sa RSHS III, nabatid naming nasa waiting list lamang ako kung saan lagpas na iyon sa apatnapung mga estudyante. Hindi ka ba mawawalan ng pag-asa sa oras na iyon? Malabong mangyari na ang isang tulad ko ay makapasok sa paraalan na ito. Kung saan dalawang beses akong hindi nakapasa sa entrance exam. Ngayong nagbabalik-tanaw ako sa alaala na iyon, sinabi pa sa akin ni Mama noon na kapag hindi ako nakapasok sa paaralan na ito ay kung saan na lamang mayroon.

Araw-araw kaming nagtutungo sa paaralan na iyon upang maghintay dahil nga 'waiting list' ako. Hanggang sa may nakausap kaming Head Teacher na hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin. May personal akong dahilan kung bakit lumayo ang interaksiyon namin sa isa't isa ngunit ang masasbi ko lamang ay nasa kapayapaan na ang aking puso sa aming kahalalan.

Hanggang sa... nabuo ang seksiyon na 7-GARNET, lahat ng mga mula sa wild card. Kung saan iyon lamang ang pagkakataon na nagkaroon ng limang seksiyon ang grade 7.

Bago ako pumasok sa paaralang ito ay kaba ang namumutawi sa aking puso. Sapagkat marami ang nagsasabi na mahihirapan ka raw mag-aaral dito pawang kolehiyo na raw. Mayroong maintaining grade at kapag bumagsak ka ay aalisin ka na sa kanilang eskwelahan.

Freshmen. Marami akong naging kaibigan sa oras na ito sapagkat extroverted nga ako. Napakarami kong ibig ikwento sa pagkakataon na ito sapagkat ngayong isinusulat ko ito... napakaraming pumapasok sa aking isipan. Ito ang masasabi kong PINAKA-MASAYANG SEKSIYON para sa akin, dama iyon ng aking puso. Hindi ko na kailangan pang isulat buo rito ngunit ang mga vlogs na mayroon ako sa YouTube ay isa sa mga nagpapatunay na pinaka-masayang seksiyon ko ito noong High School ako.

Isa pa pala sa mga hindi ko makalimutan ay noong 1st grading at nagkaroon ako ng grado sa Mathematics na 83. Sobra akong kinabahan sapagkat paano ko papatunayan sa Head Teacher na nakausap ko na worth it ako para papasukin sa eskwelahan na iyon? Ang nakakatuwa naman ay nabawi ko ito noong 2nd grading. Kung saan nakakuha ako ng 92 sa mathematics, kapalit ng dati kong naging kaibigan.

Isang Pahina ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon