"Ibig kong makita ang aking kaibigan," sambit ko at sinubukang tumayo sa kama. Hindi ko batid kung bakit ako nasa ospital ngayon at dalawang araw na ang lumipas simula nang ako'y magising.
"O, sige," sumang-ayon ang aking kaibigan kahit labag sa kaniyang kalooban.
Nang kami'y nasa sementeryo na ay itinulak niya ang wheelchair patungo sa isang puntod. May dala-dala akong bulaklak at isang libro na matagal na niyang nais mabasa.
Nagsimulang mamuo ang luha sa aking mga mata nang makita ko ang ngalan niya. Napatakip ako sa aking bibig habang pinipigilan ang paghikbi.
"Anong nangyari sa iyo?" Halos hindi ko maisambit ang mga salitang iyon. Inilapag ko ang bulaklak sa tabi nito gayon din ang isang libro.
"Jena, wala ka bang naaalala?" Tanong ng aking kaibigan.
"Alam mo ba bakit ka nasa ospital?" Dagdag pa nito at umiling lamang ako. Napatingin ako sa kaniya at hinintay ang kaniyang isasagot.
"Nagkaroon ka ng amnesia habang ikaw ay comatose." Tumango ako sa kaniyang sinambit at akmang ibabalik ang tingin sa aking kaibigan nang magsalitang muli ito.
"Hindi ko inaakalang magagawa mo iyon..." Isa-isang bumalik sa aking memorya ang nangyari ng gabing iyon dahilan upang mapahawak ako sa aking dibdib. Nagsimulang tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadya at napagtanto ang isang bagay na magpapaguho sa aking mundo.

BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poetry#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories