015

41 1 0
                                    

Ika-labing limang Pahina ng Nakaraan: Overthinking

August 15, 2022

"Sometimes the worst place you can be is in your own head."

"Sleeping is so hard when you can't stop thinking."

"Overthinking: the art of creating new problems out of ones that never existed in the first place."

"While overthinking, you missed everything worth feeling."

Iilan lamang ang aking nabasa tungkol sa labis na pag-iisip. Humiga na lamang ako sa aking higaan at nagplay ng music. Music na chill pero nakakalungkot. Tumingin lamang ako sa kisame habang nag-iisip. Nagsimulang mamuo ang mga luha sa aking mga mata. 

Kay tagal ko nang hindi naramdaman ang kirot na ito sa aking dibdib, sa aking puso. 

Onti-onting bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Kinagat ko ang aking ibabang labi habang nag-iisip ng bagay na kinakatakutan kong mangyari. Minsan napapaisip ako, ako lang ba ang gusto niya? Paano kung may mahanap siyang mas better sa akin?

Umiling ako at pinunasan ang aking mga luha. Umupo ako sa aking higaan at pinagmasdan ang kapaligiran habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng aking mga luha. Hinawakan ko ang aking dibdib kung nasaan naroroon ang kirot sa aking puso. Hindi ko nais maramdaman ang sakit na iyon, hindi ko na nais pang maramdaman ang nangyari noon kung bakit natatakot ako sa maaaring mangyari sa hinaharap.  

Tahimik akong umiyak habang pinagmamasdan ang labas kung saan malakas ang ulan at ihip ng hangin. Madaling araw na ngunit hindi ako makatulog kakaisip sa mga bagay na maaaring mangyari. Kailangang magtiwala rin ako sa kaniya ngunit dahil sa nangyari sa nakaraan, natatakot na ako.

Dahan dahan akong napahiga sa aking higaan habang yakap yakap ang unan. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan kasabay ng pagbuhos ng aking luha. Habang naririnig ko ang mahinang musika na nagmumula sa aking cellphone ay dahan dahang bumigat ang aking mga mata. 

I should not be thinking this way. I don't want to feel the same pain again.

--------------------------------------------

#PahinaNgNakaraan

Isang Pahina ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon