Ika-dalawampu't anim na Pahina ng Nakaraan: Zyndaria Palace
August 26, 2022
XIARALEI'S POINTOF VIEW
TINANAW KO ang Kuya ni Caspian na si Nicholas, hindi maitatanggi na interisado ako sa pagkatao niya. Tumingin ako muli kila Kuya Liam and Caspian na nag-aaway.
"Kuyaaaaa!" malakas na tawag ko at natahimik naman ang dalawa. Tumingin sa akin si Caspian at lumapit. Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat.
"Halika, Xia, ako ang magtotour sa'yo sa buong Disvermes Palace hehehehe," agad akong pinalakad ni Caspian at tiningnan ko lang siya ng nagtataka.
"Woi! Caspian! Ako ang magtotour sa kapatid ko! Wag kang ano!" pigil sa kaniya ni Kuya Liam.
Bwisit naman 'tong dalawa parang bata!!!
"Hehehehe, pagbigyan mo na ako, Liam. Crush ko kase 'tong kapatid mo hehehe," natatawang tumingin ako kay Caspian at tumingin naman siya sa akin.
"O b-baket tumatawa ka?" nagtatakang tanong niya.
"Shhhh! Bading ka ba, Caspian?!" mas lalo akong natawa sa tinanong ni Kuya Liam at inagaw ang aking magkabilang balikat kay Caspian.
"H-hah?! Anong sinasabi mo?! Baka Prince Caspian 'to ng Disvermes?!" pagmamayabang ni Caspian at nagsalita naman agad si Kuya Liam.
"Tsk! Wala ng prince prince dito sa Disvermes, Caspian!" bulyaw ni Kuya Liam sa kaniya.
"Kahit pa! May top ten pa din sa buong Disvermes!"
"Wala ka naman don!"
"Bakit ikaw nandon ka sa top ten?!"
"Malamang wala pa! Hindi pa nagsisimula ang pasukan!"
"Nagsisimula na nga nagyon!"
"Anak ka ng----!!"
Naririndi na ako sa ingay ng dalawang 'to!
"TEKA NGA!!!" sigaw ko ng malakas. Pinagtinginan kami ng ibang estudyante at nagbubulong bulungan.
"Baka kayong dalawa 'yung bading e noh?" mataray na sagot ko at inalis ang kamay ni Kuya Liam sa aking dalawang balikat.
"Mabuti pa itour niyo na lang ako parehas, hehehehe," pacute na sabi ko dahil naiinis na talaga sila sa isa't.
"Woi, Xia! Hehehehe!" tawag sa akin ni Caspian nong umalis ako papunta sa malaking hagdanan ng Disvermes. Grabe pala ang ganda dito! Parang palasyo na e! Sabagay palasyo pala ito dati.
"Alam mo ba na may kani-aniyang kapangyarihan ang lahat ng mga estudyante dito?" tanong sa akin ni Caspian nang makarating siya sa akin. Nasa kabila naman si Kuya Liam.
"Oh? Weh?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yesss!! At isa ako don! Tsaka si Kuya Liam mo!" masayang sambit niya.
"Patingen nga ng kapangyarihan mo!" tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.
"Hindi 'yun pwede, Xia dahil walang pahintulot. Tuwing training lang puwedeng gamitin ang power ng isang Zyndiris sa bawat unibersidad," paliwanag ni Kuya Liam kaya napatingin naman ako sa kaniya.
"Ahhh ganon ba. E ilan ba ang unibersidad sa Zyndaria? Dati rin ba silang mga Palace?" interisadong tanong ko.
"Apat ang unibersidad ng Zyndaria!" si Caspian naman ang sumagot at tumango lang ako.
BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poesía#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories