005

37 3 0
                                    

Ika-limangPahina ng Nakaraan: 5 years

August 05, 2022

"Hey!" may tumawag sa akin. "Puro ka nalang aral," dagag niya pa at inakbayan ako. Tiningnan ko siya ng masama at inirapan. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at  kinuha ang aking mga gamit sa lamesa.

"Umalis ka nga sa harapan ko," naiiritang sambit ko at naunang maglakad ngunit  sinundan niya pa ako. 

"Sabi ko naman sa iyo, hindi ako titigil hangga't hindi ka pumapayag makipag-date sa akin," saad niya habang hinahabol ako ng lakad. Mabilis akong naglalakad sa hallway at hindi siya pinapansin.

"I don't have time for that. Can't you see? I'm studying," mahinahong sambit ko upang hindi maapektuhan ang mood ko at baka wala na akong magawang project mamaya.

"You're smart already." iniabot niya sa akin ang isang balot na tsokolate. Hindi pa ito nagagalaw. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Tiningnan ko ang hawak niyang tsokolate habang hinihintay niya ang aking gagawin.

"That's the point, Zed. Where can I use this brain?" turo ko pa sa aking sentido habang nakatingin sa kaniya. "Sa walang kwentang bagay?" dagdag ko pa at tiningnan siya ng masama. "Kaya puwede ba? Tigil-tigilan mo na ako dahil wala akong interes d'yan." Inirapan ko siya bago ako naglakad papalayo.

Tiningnan ko si Mina na papalayong naglalakad habang naiwan sa ere ang aking kamay na may hawak na tsokolate. Ngumiti ako ng dahan dahan habang nakatingin sa kaniya. Kaya ko siya nagustuhan dahil sa pagiging independent niya rin. Hindi siya dumedepende sa iba. Hanga rin ako sa personality niya. Masaya ako dahil kahit sino pang lalaking magtatangkang manligaw sa kaniya ay wala siyang interes. Hindi siya madaling makuha ng sino man. At balang araw, papatunayan ko sa kaniya na gusto ko siya. Kaya kong hintayin ang araw na iyon. Ang makagraduate kaming parehas. Tandaan mo ito, Mina.

4 years later...

"Congrats Mina Lia Velasquez." Maglalakad na sana ako papunta sa aking kotse nang may magsalita mula sa aking likuran. Pamilyar ang boses na iyon at napakatagal ko nang hindi narinig. Dahan dahan akong lumingon at tiningnan ang tao sa aking likuran. 

May hawak siyang bulaklak at iilang mga lobo. Sunflower ang bulaklak na iyon at kulay dilaw ang dalawang lobo. May dala rin siyang cartolina na ang nakasulat ay 'Can I court you?'

"Naghintay ako ng halos limang taon para itanong sa iyo, Lia," seryosong sambit niya habang nakatingin sa aking mga mata. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin dahil sa nakikita at naririnig ko ngayon. 

"Zed..." ngumiti lamang ako at nagsalitang muli ito.

"Makita ko lang 'yang ngiti mo masaya na ako," dagdag niya pa at napatingin pa sa hawak niyang bulaklak. "Iba na ang reaksyon mo sa akin ngayon keysa sa nagdaang taon." Tumingin muli siya sa aking mga mata at naglakad papalapit sa akin. Napalunok ako ng laway at tiningnan din siya sa kaniyang mga mata. Hindi ko mawari ang dapat kong gawin.

"Gusto na kita dati pa, Zed."

"Gusto na kita dati pa, Lia." nagulat ako nang sabay naming sabihin iyon. Mahahalata sa aming mga mata ang gulat at sa aming mga labi na nakaawang. 

"Ano?" sabay naming sambit muli at sabay na tumawa.

"Hindi ko lang sinabi sa iyo dahil hindi ako ready sa relationship at gusto kong malaman kung hihintayin mo ba ako o maghahanap ka ng iba," pagpapaliwanag ko at napangiti naman ito. "You don't need to court me. 5 years is enough to know that you waited for me."

--------------------------------------------

#PahinaNgNakaraan

Isang Pahina ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon