042

75 1 0
                                    

Direksyon ng pag-ikot ng Inner Core sa Earth ay nagbabago na nga ba? 

Ang Earth's inner core ay isa sa mga napakamisteryosong lugar sa mga siyentipiko. Bilang karagdagan, ang core ng ating planeta ay matatagpuan sa ilalim ng ating kinatatayuan na ang layo ay 1,8000 miles. Nabalitaan ng mga mananaliksik sa Peking University sa China na ang Earth's Inner core ay bumabagal na. Noong 2009 pa lamang nagsimula nang bumagal ang pag-ikot ng Earth's Inner core at napapansin pa iyon hanggang ngayon. Mula sa paningin ng mg eksperto, Yi Yang, isinambit niya na, "We show surprising observations that indicate the inner core has nearly ceased its rotation in the recent decade." Idinagdag pa ng kasama nito na si Xiaodong Song na, "Our observations suggest not only a pause, but also a turning-back of the rotation by a small amount." Kaalinsabay pa na nito na ang pag-ikot ng Earth's Inner core ay tila nag-iiba sa isang dekada na mahabang yugto ng panahon. Isinaad nila Song at Yang na ang mga pagbabagong ito ay hindi gaanong nakakaapekto sa buhay ng mga tao sa Earth. Bilang pagwawakas, ang maaaring dahilan ng pangyayaring ito ay dahil sa gravitational effect ng Earth's mantle, kasama ng magnetifc field na nabuo ng Earth's Outer Core. Kaugnay nito, sa pagiging misteryoso ng core ng ating planeta, malamang sa malamang marami pang matutuklasan. 

Mula naman sa paningin ng ibang eksperto, Pansangga ng Earth sa Araw, Space Dust.

 Ang mga aktibidad na ginagawa ng mga tao ay responsable sa halos lahat ng dahilan sa pagtaas ng mga greenhouse gas sa atmospera sa nakalipas na 150 taon. Karagdagan dito, isang pag-aaral ukol sa "moon dust" ang maaaring gamitin upang proteksyon ng ating planeta sa araw. Ang sabi ng eksperto na si Scott Kenyon, "It is amazing to contemplate how moon dust -- which took over four billion years to generate -- might help slow the rise in Earth's temperature, a problem that took us less than 300 years to produce," Sa kadahilanang iyon, sinubukan nila itong gawin sa labas ng ating planeta. Ngunit sa kasamaang palad hindi matagumpay ang resulta nito. Higit pa rito, ang pagkatuklas ng bagong sun-shielding trajectories ay nangangahulugan ng paghahatid ng lunar dust sa isang hiwalay na platform sa L1 ay maaaring hindi kinakailangan. Idinagdag ni Bromley na ang pag-aaral na ito ay maaaring maging isang opsyon sa pagtugon sa pagbabago ng klima. Kaya, kung mayroon tayong magagawang aksyon sa pagtugon ng problemang "global warming", tayo't umaksyon na. 

 Sa kabila nito, Panibagong Ring System sa Kalawakan ang natuklasan. 

Natuklasan ng mga siyentipiko ang isang bagong ring system sa paligid ng isang dwarf planet sa gilid ng Solar System. Ang ring system na ito ay umiikot nang higit pa kaysa sa karaniwanng mga ring system. Dahil dito, nagkaroon ng mga katanungan tungkol sa mga kasalukuyang teorya kung paano nabubuo ang ring sa isang planeta. Ang dahilan kung bakit kapansin-pansin ang ring system sa paligid ng Quaoar ay nasa layo itong mahigit pitong planetary radii, dalawang beses na mas malayo kaysa sa dating inaakala na pinakamataas na radius ayon sa tinatawag na 'Roche limit', na siyang limitasyon kung hanggang saan ang mga ring system ay nabubuo. Para sa paghahambing, ang mga pangunahing singsing sa paligid ng Saturn ay nasa loob ng tatlong planetary radii. Ang pagtuklas na ito ay samakatuwid ay pinilit na muling pag-isipan ang mga teorya ng pagbuo ng singsing. 

Isang kamangha-manghang phenomenon naman ang nangyari sa ibang kalawakan, Pagbuo ng mga bituin, Dulot ng Blackhole 

Nakatago ang isang supermassive black hole (SMBH) sa gitna ng malalaking kalawakan tulad ng sa atin. Mula sa namumunong posisyon sa kalawakan, kumakain ito ng gas, dust, stars, at anumang bagay na malapit dito. Lumalaki at mas malaki ang SMBH habang lumilipas ang panahon. Ngunit sa mga pambihirang pagkakataon, ang isang higanteng black hole ay lumilikha ng mga shock wave at nakagawa ng mga bagong bituin. Ang isang SMBH na nadiskonekta mula sa kalawakan nito at gumagala sa circumgalactic medium ay isang kamangha-manghang phenomenon. Nasa mga unang yugto pa lamang tayo ng pag-unawa sa mga SMBH, kung paano sila nauugnay sa paglago ng kalawakan, at kung paano sila nagsasama upang makagawa ng mga gravitational wave.

Isang Pahina ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon