Ano ang mga habits o routines na pinapairal mo upang mapanatili ang iyong disiplina sa pag-aaral?
Napa-isip ako sa katanungan na ito, sapagkat ano nga ba ang aking mga habits o routines na ginagawa ko upang mapanatili ang pagiging disiplina sa pag-aaral? Kung tutuusin, mahalaga ang habit na pagbabasa, kahit ano pa yan sapagkat napapanatili doon ang 'spark' upang magpatuloy ka sa pag-aaral. Gayon din sa meditation dahil tinutulungan nito ang utak na mas mag-focus sa isang bagay na makakatulong din pagiging disiplinado. Para naman sa mga routines, ang masasabi ko ay maglagay ka ng mga plano mo para sa school year na ito at maging familiarize ka na sa maaaring maging paksa ng iyong guro sapagkat ang mg bagay na ito ay nag-fu-fuel upang maging isang disiplinadong mag-aaral. Isa pa, lagi mong alalahanin kung bakit ka nag-aaral, ang inspirasyon mo sa buhay. At sa akin, iyon ang aking mga Magulang, aking sarili at ang mga taong naniniwala sa aking kakayahan. Higit sa lahat ay manalangin sa ating Panginoong Diyos.
Paano mo hina-handle ang mga pagkakataon na nawawalan ka ng gana o motivation sa pagtatrabaho o pag-aaral?
Hina-handle ko ito sa pamamagitan ng five minutes rule, titingin lamang ako sa kawalan within five minutes at kusang mag-ru-rush in ang mga thoughts sa isip mo. Isa sa mga maiisip mo ay ang mga dapat mong gawin kahit wala kang gana. Ngayon na ang utak mo ay naghahanap ng maaaring gawin, huwag mong hayaang malunod ka na lamang sa pag-sscroll sa social media o maglaro sapagkat mas ma-gu-guilty ka kapag na-realize mong wala kang nagawa tapos wala ka pang gana. Kung hindi gumagana ang five minutes rule sa'yo, ang ginagawa ko naman ay ang pagtulog, magset kalang ng timer mga 30 - 90 minutes, matulog ka. Pagkagising mo uminom ka ng tubig tapos kahit papano magkakaroon ka ng motibasyon gumawa ng bagay na kailangan mong gawin. Minsan kasi kailangan lang nating magpahinga kaya maaari ding matulog o mag-meditate. Isa pa pala ay lagi mong alalahanin bakit ka nag-aaral, bakit mo ginagawa ang bagay na iyon, worth it ba ang pagkawalan ng gana?
Ano ang mga tips o techniques na ginagamit mo upang mapanatili ang focus mo sa mga tasks na kailangan mong gawin?
Ang lagi kong ginagawa ay nag-se-set talaga ako ng specific time para gawin ang isang bagay at lagi mong itago ang cellphone mo kapag may bagay kang dapat mong gawin. Kung ako, hindi na ako masyadong nahihirapan dito sapagkat sanay na ako sa pagsusulat at tanging nag-ti-timer lamang ako at nag-o-off ng wifi para walang notifications na maaaring magpa-distract sa akin. Maaari ka ring mag-meditate sapagkat nakakatulong ito para makapagfocus.
BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poetry#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories