Magsisimula sa Iyong Sarili
Bilang isang mag-aaral, napapaisip ka ba kung ano ang ginagawa ng iyong mga kaklase sa oras na sila'y umuwi ng bahay? Ginagawa ba nila kaagad ang mga gawain na kailangang gawin? O kaya nama'y nagbabasa ng bagong paksa o binabalik tanaw ang ga nakaraang pinag-aralan para sa nalalapit na mga pagsusulit? Iyo na bang naisip kung ano ang magandang paraan o hakbang upang makakamit ng mataas na grado? Ipinapakilala ko ang tekstong naniniwalasa kasabihang "magsisimula sa iyong sarili".
Kung iyong tutuusin, limang sangkap lamang ang kailangan mo upang makamit ang masarap na lutong Mataas de Grado. Ang pagsubok lamang sa putahe na ito ay napakahirap hanapin sapagkat hindi lahat ng mga estudyante ay mayroong ganito. Unang hakbang ay maghanda ng isang kalderong disiplina. Ito ang pinaka-pundasyon ng mga susunod na sangkap. Isang kalderong de disiplina na katamtaman ang laki at bakal na hindi kinakalawang ang katangian nito. Mahirap hanapin ang isang klase ng kaldero na ito sapagkat hindi ito basta basta nagagawa. Pagkatapos niyon ay lagyan mo ng dalawang baso ng tubig de tiyaga ang kalderong disiplina. Kung nais mong dagdagan ang tubig, maganda rin iyon sapagkat kapag maraming tubig, marami ring mahihigop na sabaw. Pakuluan ito ng tatlong minuto (tatlong oras ng pagtitiyaga sap ag-aaral ay makakakuha ka na ng magandang resulta at huwag kalimutang mag-pahinga.) at ilagay ang noodles de oras. Magandang kung mabahang noodles de oras ang gamitin upang magkaroon ng magandang resulta. Hayaan itong kumulo ng limang minute at tingnan kung malambot na ang noodles de oras. Pagkatapos niyon ay ilagay ang sangkap na "pagmamahal sa iyong ginagawa". Ito ang magpapasarap sa putaheng mataas de grado (nakasalalay sa pagmamahal sa iyong ginagawa ang tinatawag na effort sapagkat makakatulong ito sa pagkamit ng mataas ng grado). Haluin ito gamit ng isang malaking kutsara. Iwan ito ng ilang segundo at ay ilagay sa isang mangkok. Maaari mo nang tikman ang mataas de grado ngunit huwag kalimutan ang "manalangin" (kahit sap ag-aaral kailangan natin ang gabay ng ating panginoong diyos.)
Disiplina, tiyaga, oras, pagmamahal sa iyong ginagawa at pananalangin. Lahat nang iyon ay magsisimula sa iyong sarili. Kailangan mong kumilos at gawin ang dapat mong gawin. Walang mahika ang mangyayari upang makamit mo ang sangkap na mataas de grado. Sa kahit anong sangkap kagaya ng pagkamit ng iyong pangarap ay magagamit din ang sangkap na ito. Kaya kung ano sa'yo, simula mo na ngayon din.
BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poetry#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories