Ika-labing anim na Pahina ng Nakaraan: Second male lead's point of view
August 16, 2022
Mabilis akong naglakad patungo sa lalaking nanakit sa aking kaibigan. Tinawag ko ang pangalan nito at humarap naman ito sa akin. Malakas kong sinuntok ang aking kamao sa kaniyang mukha dahilan upang tingnan niya ako ng masama.
"Ano bang problema mo?!" Sigaw nito sa akin at akmang susuntukin ako nang pumagitna ang aking kaibigang babae.
"Ikaw ang problema, Miguel!" Tugon ko sa tonong galit habang masamang nakatingin dito. Tiningnan ko si Pia na ngayon ay umiiyak dahil sa nangyari.
"Ikaw ang pinili niya keysa sa akin. Ikaw ang pinili niyang mahalin keysa sa akin. Ngunit sa tuwing sinasaktan mo siya sa akin siya pumupunta dahil sa mga pinag-gagagawa mo! Mahal mo ba talaga si Pia kung sinasaktan mo siya? Paki-usap lang, huwag mong saktan ang babaeng mahal ko. Ni hindi ko matiis na nakikita kayong dalawang magkasama, ngunit tinatanggap ko at nirerespeto ang kaniyang desisyon na piliin ka
"Kaya paki-usap lang, Miguel! Alagaan mo siya, suportahan mo siya, at mahalin mo siya. Huwag mo siyang saktan dahil nasasaktan din ako sa tuwing nakikita siyang nasasaktan. Hindi ko ito sinasabi upang maawa ka sa akin, sinasabi ko ito para kay Pia, sa babaeng mahal mo!
Nagsimulang mamuo ang luha sa aking mga mata habang dinuduro siya. Nakatayo lamang ito sa kaniyang kinatatayuan habang hindi makapaniwala sa kaniyang naririnig.
"Dahil sa simula palang, nauna na ako sa iyo. Kaibigan niya ako simula pa ng kabataan kami. Kilala ko na siya nang matagal keysa sa iyo! Alam ko rin ang mga gusto niya at ayaw niya! Mga talento niya na nais niya pang ipakita sa ibang tao! Mga pangarap niya na nais niyang makamit! Mga bagay na sinasabi niya sa akin tungkol sa'yo! Mahal ko rin siya, Miguel, pero pinili ka niya dahil kaibigan lamang ang tingin sa akin ni Pia at mahal ka niya keysa sa akin. Paki-usap lang, huwag mo siyang saktan," mahabang paliwanag ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Pumatak ang luha mula sa aking kanang mata. Yumuko na lamang ako at bumuntong hininga. Akmang tatalikod na ako nang tawagin ako ni Pia.
"Nicholas."
Lumingon ako sa kaniya at nasilayan ko ang kaniyang ngiti. "Maraming Salamat."
Ngumiti ako at sa huling pagkakataon ay lumapit sa kaniya. Tiningnan kong muli si Miguel na hindi makatingin sa akin. "Miguel, para sa prinsesa mo ang sinabi ko." Tinapik ko ang kaniyang balikat at tumango. Tumango na lamang ito sa akin at matipid na ngumiti.
Bumaling ako kay Pia na ngayon ay natuyo na ang mga luha sa kaniyang pisngi. Niyakap ko siya sa huling pagkakataon. "Sabay pa rin sana tayong bumili ng cookies and cream na ice cream," bulong ko at naramdaman ko namang tumango siya.
"Pagkatapos ng sampung taon," sagot naman nito at bumitaw na ako sa aming pagkakayakap. "Mag-iingat ka sa States," dagdag niya pa at tumango na lamang ako.
Mabilis akong tumalikod habang mapait na ngumiti. Kailangan ko ring palayain ang aking sarili sa sakit na nararamdaman ko...
Second Male Lead's Point of View...
Minsan... mas deserve ng babae ang lalaking hindi umalis sa kaniyang tabi simula ng pagkabata nila. Malungkot lang isipin na minsan may mga ganitong Second Male Lead na napakagreen flag HAHAHAHAHA. Para sa mga taong nahulog sa kanilang bestfriend HAHAHAHA pero may ibang gusto yung kaibigan nila, sad:( HINDI AKO NANGAASAR OKAY? HAHAHAHAHA
Alam niyo, naisulat ko ito base sa nararamdaman ko kaya bahala na kayo. Practice practice before sa mga mabibigating eksena sa Jardin de Rosas.
--------------------------------------------
#PahinaNgNakaraan

BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poetry#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories