Paghihiganti
Heart Pov
PINAUWI ko na si Niko dahil naguguluhan rin ako. Ang sakit pa ang dibdib ko. K-kasi kung iisipin ko edi totoo pala yung mga panaginip ko.
Niko said that we are in relationship and he cheated on me...k-kay Jasmine pa ni Z-zachary ko.
May parte talaga sakin na hindi kayang gawin ni Jasmine iyon kay Zach.
I got the feeling talaga!
Napatulala tuloy ako sa kisame. Paulit-ulit rin pumapasok sa isip ko yung galit na galit na mukha ni Zach at may possible rin nga naghihiganti at ginagamit ako.
Humaba ang nguso ko. S-sa totoo lang o-okay lang sakin gamitin niya ako upang maghiganti para di na lumungkot pa.
"Ugh!!" Inis bumangon ako.
Mababaliw na yata ako! W-wala akong maalala pa. Gusto ko na b-bumalik lahat ng ala-ala ko para maintindihan. Kasi nga bakit hindi ko maramdaman na minahal ko si Niko kung dinidikta ng puso ko si Zachary myloves?!
Bumalik ulit ako sa pagkakahiga at pinilit kong matulog. Paikot-ikot pa ako sa higaan hanggang sa nakita kong umaga na.
Busangot ako bumaba at naabot ko si Mama naghahanda ng aalmusalin.
" Morning mama. " bati ko
Siguro maaga umalis si Papa.
" Maayos na pakiramdam mo anak?"
Tumungo ako. " Yes po mama. " bumuntong hininga ako at kumain nalang pero saglit lang iyon ng nagtaas ako ng tingin kay mama.
" Ma. H-huwag niyo sana mamasamain pero gusto ko po sana puntahan yung pamilyang nagbigay sakin ng puso. "
Bahagya tumigil si Mama at napatingin sa'kin. Kumunot ang noo niya pero nahuli ko rin ang kaba at takot roon.
" B-bakit anak?"
" Gusto ko lang po magpasalamat. "
" Tapos na tayo nagpasalamat sa kanina tsaka wala sila dito sa Pilipinas. " tugon ni mama at tumuloy rin kumain.
Kumunot ang noo ko. " Wala naman kayo tinatago sa'kin diba mama?"
Lumunok muna siya tsaka ako tinignan ng masama. " Aba! Pinagdududahan mo ba sinasabi ko at pinapalabas na sinungaling?!" Bulyaw niya.
Napangiwi naman ako tsaka napatawa.
" Nako mama joke lang po hehe." Uminom na ako ng tubig. " Sige ma una na ako. "
" Anong mauna ka na? Di ka pa nga naliligo!"
Bumaba ang tingin ko sa damit ko. Ay, oo nga. Di pa ako naliligo. Nababaliw na yata ako.
Bigla ako tumawa. " Joke ulit ma!"
" Nako bata ka!" Nanigaw ulit si mama at lumalabas na ang ugat sa leeg niya.
Mabilis na ako tumakbo dahil baka mabato niya pa ako. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Naligo at nagbihis. Kating-kati na rin ako pumasok parehas kami ni Zach na hindi muna pumasok dahil sa nanyari. Wala rin ako ideya kung pumasok na siya.
Nang nakalabas na ako ng bahay ay saktong lumabas rin si Zach. Gumawi ang tingin niya sa'kin at bago pa umangat ang kamay ko upang batiin siya ay inirapan na niya ako at tinalikuran.
Aba! Tampo na naman yata ang bebe ko.
Lumapad ang ngiti sa labi ko at malalaki ang hakbang upang habulin siya pero napatigil rin nang maalala ko ang sinabi ni Niko.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Teen Fiction"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."