Kabanata 10

90 3 1
                                    


Namamawis na tuhod

Heart Pov.

DIKO alam kung natatanga ako habang nakatingin sa kanilang lahat. Peste kinakabahan ako. Nakatingin nga kasi sila lahat sa'kin at kung makatingin pa. Parang kakainin akong buhay. Maliban lang kay Zach kung may ano binabasa. Nagre-review yata samantalang...yung mga classmates niya pinapaihi ako sa sarili kong salwal.

"Guys, would you mind to keep quiet?" patahimik sa kanila ni Ma'am Sanchez.

Tumingin sa'kin si Ma'am at tumungo hudyat para magsimula magpakilala sa kanilang lahat.

"H-hi! I-m H--."

"Oh, shut up.. All of here know about you."

Napagawi ang tingin ko kay Fayle habang nakatingin sa kuko niya at sarkastikong nakatingin sa'kin. Nainis ako sa pambabara niya at kung makatingin sa'kin ay para lang ako salot sa paningin niya.

Di ko tuloy mapigilan yumuko.

"Ma'am siguro ka ba talagang nakapasa yan? Baka sumisipsip lang sa guro kaya tumaas ang grade?" dagdag niya pa.

Tumingin siya sa mga classmate niya at sabay silang lahat nagtawanan. Kinagat ko ang labi ko ng samo't sari ang narinig ko mula sa kanila. Nangatog ang binto ko ng mapagawi ang paningin ko kay Zach na walang pakialam sa nangyayari.

Please, Zach. Tingin ka naman dito. Kanina hinila-hila mo'ko kay Niko tas hahayaan mo lang ako?

Kumirot ang dibdib ko ng hindi siya tumingin sa gawi ko.

"Quiet please! " sigaw ni ma'am at hinampas ang lamesa niya para mapatahimik ang lahat.

"Huwag kayo mapaghusga. Di lang pwede kayo-kayo lang ang narito sa classroom. Understand?"

Huminga ako ng malalim.

"Umupo ka na Hija. Don't mind them." bulong sa'kin ni Ma'am.

Tumungo nalang ako at nakayukong pumunta sa dulo kung saan tapat ko ang upuan ni Zach. Actually, magkatabi lang si Fayle kaya di ko sinasadya mapadaan ang tingin sa kanya at huling-huli ko kung papaano niya ako inirapan.

Di ko alam kung mapapadali ba ang pag-stay ko pero hopefully di ganoon ang kalalabasan. Tamang-tama ang unang subject namin ay general biology kaya kahit papaano active ako sa lesson namin. Paborito ko ang science kaya siguro yan ang dahilan kung bakit tumaas pa ang grade ko.

Minsan nga. Diko matiis na sumulyap kay Zach na seryoso nakikinig. Side view palang kitang-kita ko ang kagandahan ng mukha niya. Mas lalo ako nahuhulog kapag ganyan siya ka seryoso.

Habang tumatagal na nandito ako sa classroom na ito. Habang nakikita ko halos lahat sila nakakasagot, pakiramdam ko ang baba-baba ko tignan kumpara sa kanila lahat.

" Miss Dela cruz!"

Napalundag ako sa sariling upuan ng bigla ako tawagin. Sa sobrang pagkagulat ko ay biglaan ako napatayo.

"Kabago-bago mo palang dito. Di ka na nakikinig. Nakatitig ka kay Mr. Zachary. Ano pa bang silbi mo narito ka kung di ka nakikinig sa'kin."

Napapikit ako sa sinambit ni Ma'am Halas sa sermon niya. Gumawi ang paningin ko kay Zach na saktong tumingin sa'kin pero nang makita niyang sumulyap ako ay mabilis niya ako inirapan. Halos kumirot ang dibdib ko sa ginawa niya.

Uminit ang gilid ng mata ko pero mariin kong pinigilan. Gosh, umayos ka Heart! Huwag kang iyakin.

"What is Cell?" tanong ni ma'am sa'kin.

"I'm pretty sure di niya alam." parinig ni Fayle sa'kin.

Pumikit ako ng mariin at mariin na kinuyom ang kamao.

Kasabay ang namamawis na tuhod ko at ang pag-usbong ng pagkairita ko sa kanilang lahat.

"C-cell...is..basic u-nit structure of life."

Mataray na tumungo si Ma'am. " More." sambit niya.

Napalunok ako at kinabahan ng maiigi pero sa ngayon. Ayokong ihinda ang kaba ko.

" Cell. Uhmm.a small usually microscopic mass of protoplasm bounded externally by a semipermeable  membrane, usually including oneor more nuclei and various other organelles with their products, capable alone or interacting with other cell of performing all the fundamental functions of life, and forming the smallest structural unit of living matter capable of functioning independently."

Natahimik yata sila lahat kasama si Ma'am. Umasim ang mukha niya at tinalikuran ako.

"Hmm. Di na rin masama pero di parin sapat. Tatapatan kita Miss Dela Cruz. You don't deserve here. Di ko alam kung papaano o bakit ka narito. Maybe may ginawa kang kakaiba."

Nagbulungan ang buong classmate ko. Pinagmasdan ko silang lahat habang diring-diri silang nakatingin sa'kin. Parang tulad ni Ma'am. Talagang hindi sila makapaniwalang nandito ako.ngayon.. Sa harapan nila. Pinapahiya ako..

Di ko pa napapatunayan ang sarili ko sa kanilang lahat pero bakit ganito.. Di nila ako gusto.. Pinapakita nilang di ako nabibilang dito. Ang sama nila. Kahit na sinasabi ko sa sarili ko na huwag sila pakingggan pero wala eh. Tagos talaga.

Walang sarili nanginig ang labi ko ng nagkasunod-sunod ang pagpatak ng luha ko.

Narinig ko ang marahas na singhap nila.

"Ma'am.. Still. You should respect her. Sa tingin ko di naman siya mapupunta dito kung di niya deserve."  narinig ko ang boses ni Zach na sumingit.

Di ako tumingin sa gawi niya dahil nakikita ko siya sa gilid ng mata ko. Tumingin ang lahat ng classmate ko pati si Ma'am ng tumayo siya at masungit na nakatingin sa kanila.

"Teacher kayo. You should not say like that to her. Be responsible as a teacher dahil kung lalaitin niyo lang siya. Mag-resign nalang kayo. Di ko kailangan ng ganyan guro."

Umawang ang bibig ni Ma'am sa marahas na sinambit ni Zach. Pati ako ganun din ang reaction ay mali halos lahat kami ay ganun ang reaksyon sa inasta niya. Tumingin siya sa gawi ko at kita ko ang talas ng tingin niya sa'kin pero binaliwala ko lang.

Namangha ako sa sinambit niya. Di ako makapaniwala ipagtatanggol niya ako.

"Punasan mo--"di natuloy ang sinambit niya ng may mariin na humawak sa braso ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang braso na 'yon. Si N-niko!

"Papaanong--"

"You don't deserve this Fucking classroom." sumbat niya.

Tumingin siya sa gawi ni Zach bago tumingin sa harapan kung nasan naroon si Ma'am. Sumilay ang nakakalong ngiti sa labi niya at tinaas niya ang phone niya.

"Ni-record ko ang lahat. Okay lang sa'kin kung sakin mo sinabi ang lahat ng 'yon pero kay Heart.. No fucking way! You pay for this MA'AM!"

Nakita ko ang biglang pagmutla ni Ma'am at pagbabago ng ekspresyon niya.

Hinila ako ni Niko dahilan mapatingin ako sa kanya. Naabutan ko ang matapang niyang mukha pero ng sumulyap ako sa kanya naging malambot ito.

" Sorry sa inasta ko kanina..tara bumalik ka na classroom natin." sambit niya pero bago pa ako makasambit ng salita ay may humila sa kaliwang braso ko hudyat ng pagkalas ng hawak sa'kin ni Niko.

Napangiwi ako ng mapasubsob ako sa matigas na bagay. Napahawak tuloy ako sa laylayan ng damit niya. Inaangat ko ang tingin ako at halos nanlaki ang mata ko ng makita si Zach na madiin din nakatitig kay Niko.

Di ko na alam ang nangyayari. Gumagawa na kami ng eksena sa harapan ng classmate namin.

"You do not have a right to decide that. Dito siya... She deserves here."  sambit ni Zach na mas lalo nagpalaglag ng panty--este ang puso ko.

Di ko pa narinig na sinabi niya ito sa'kin. Nagulat ako. Di lang ako. Pati si Niko na walang nagawa kundi inis na napatitig sa kanya. Narinig ko pa ang reklamo ni Fayle pero di ko ma digest ang sinabi niya.

Tutok na tutok ako kay Zach at Niko na nagpapaligtasan ng titig sa isa't-isa.

Pesteng puso 'toh di matigil-tigil sa bilis ng tibok, akala mo nakikipaglaban.

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon