TagoHeart Pov
HINDI ako mapakali habang nakasilip sa kwarto ni Zach. Nagtatago ako mula sa likod ng kurtina, sa bintana ng kwarto ko. Kinakabahan ako. Malinaw na malinaw sa'kin na mag-isa lang siya sa bahay nila at lingid sa kaalaman ko ngayon gabi nila gagawin ang project na sinasabi niya!
Naku! Kilalang-kilala ko ang katulad ni Fayle. Naku, naku, huwag niya ako subukan kapag makita ko lang akitin niya si Zach at ang project niya ay ang gumawa ng baby--ay! Sinasabi ko ipapangudngod ko siya sa napkin ko!
Huwag niya lang subukan akitin ang crush ko!
Marahas ako huminga ng malalim. Naiinis ako dahil kahit saan anggulo ako ay hindi ko makita sila! Ayokong maghintay lang dito. Dapat may gawin ako.
Mabilis ko kinuha ang tsinelas ko sa ilalim ng kama at natahimik na lumabas ng bahay. Ganitong oras ay alam ko tulog na sila Mama kaya sana huwag nila ako mahuli.
Pinagkrus ko ang daliri ko at tahimik na nagdasal.
Sa bawat hakbang ko sa hagdan ay sinusubukan ko huwag gumawa ng ingay dahil kung sakaling mahuli ako nila Mama.. Ay talagang hindi matatahimik ang kaluluwa ko.
Napatili ako ng mahina ng nalagpasan ko ang isang baitang kaya halos mapasubsob ako sa sahig.
Naku naman! Kung minamalas ka naman talaga.
Pumikit ako ng mariin ng maramdaman ang sakit nagmumula sa tuhod ko. Sa ganoon paraan, sinubukan ko parin tumayo.
Kailangan ko isalba ang crush ko! Kaya kahit masakit.. Hala! Sige lang. Push lang. Pero hinihiling ko lang sana huwag ako marinig nila Mama. Mamatay ako ng wala sa oras.
Tinukod ko ang palad ko sa sahig para makatayo at kahit paano nakayanan ko naman at unting-unti nawala ang sakit sa tuhod ko.
Nasisigurado kong may sugat ako sa parteng 'yon!
Humakbang ako ng marahan at maingat na lumabas ng bahay. Halos napasandal ako sa pintuan at nakahinga ng maluwag.
Huminga ako ng malalim at lumingon sa bahay nila Zach. Mabilis ko nilakad ang pagitan doon at nagtago sa halaman nila. Sinugurado ko na makikita ko ang sala nila.
Nanigas ako sa pwesto ko ng makita ko si Zach at Fayle nag-uusap habang nakaharap sa kanila ang laptop.
Napatawa ako sa sarili ko ng makita ko ang hindi maipintang mukha ni Zach. Halatang naiirita siya kay Fayle. Alam ko pa naman sa kanya na ayaw niyang may kasamang nag-aaral o gumagawa ng project.
Kinuha ni Fayle ang iniinom niya na kulay blue ang kulay. Diko alam kung ano 'yon at wala akong idea kung may ganoon ba dito. Kung ano man iyon sana mabulunan sana siya!
Ang landi kasi! Tsaka, naiinis ako sa pangiti ngiti niya sa Zach ko! Baka kapag hindi ako makatiis at tahiin ko ang bunganga niya eh!
Natigilan ako at marahas na suminghap ng sinadya niya itapon ang iniinom niya sa damit ni Zach.
Kinuyom ko ang kamao ko nang makita ko kung paano lumandas ang kamay niya sa dibdib ni Zach. Mga paraan din niya ano? Ang kapal talaga! Sarap putulin ang kamay eh.
Mayayari ka sa'kin punyeta kang babae ka!
Sinusubukan niya pa tulungan si Zach pero itong si Zach ay tumayo at may sinabi kay Fayle. Malamang, baka sinabi niya magpapalit siya. Nang umalis si Zach at umakyat ay nakita ko kung paano ngumiti siya ng nakakaloko.
Aba! Wala na ako sinayang na oras at tumayo mula sa pinagtataguan ko. Maglalakad palang sana ako ng bumukas ang ilaw sa kwarto ko. Nakagat ko ang labi ko ng marinig ko ang boses ni Mama.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Fiksi Remaja"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."