Regret
Heart Pov.
ABALA ang lahat sa pag-asikaso sa amin dalawa ni Zachary. Nakaupo ako sa emergency room habang si Zach ay nakahiga sa kama at ini-ispeksyon ng doktor. Labis ang kaba ang nararamdaman ko lalo ng nawalan ng malay si Zachary kanina. Huminga ako ng malalim at napatingin sa oras. Kinagat ko ang labi ko at wala sa sariling pinahid ang luha sa pingi. Pinipigilan kong huwag manginig sa takot lalo ng bumukas ang pinto at pumasok si Mama kasama si tita Isabelle.
Napayuko agad ako lalo ng makita ko ang takot at pagaalala sa mukha niya. Hindi siya nagsayang ng oras at nagtungo sa anak niya..
" A-anak."
Nawala lang atensyon ko kay Tita lalo ng makita ko si mama umiiyak habang nakatingin sa'kin. " M-mama." nanginig ang labi ko at di ko alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari. Tatayo na sana ako ng salubungin niya ako ng isang mahigpit na yakap.
Kusa akong napayakap kay Mama. " S-sorry ma."
" D-di ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag may mangyari na naman sa'yo. H-hindi ko kakayanin anak. A-ayokong tuluyan kang mawala sa amin ng Papa mo."
Tumungo ako at di na nagsalita pa. Para akong pinagkaitan ng salita lalo ng walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko. Nakaupo lang ako habang umiiyak sa bisig ni mama. Nalilito ako. Mas nagpagulo sa'kin ang nangyari kanina. Kakaiba ang kutob ko sa nakitang eksena sa isip ko. Hindi lang simpleng imahinasyon iyon. I know that's a part of my life. I can't explain properly..but isang alaala iyon nalimot ko sa dalawang taon pagkagising ko sa hospital.
Then memories splashed. Nagising ako sa hospital at hindi na bago sa pakiramdam ko iyon pero mas nagpabago sakin ang sakit sa bandang dibdib ko at sa bandang ulo. Sinubukan kong tumayo pero napadaing ako sa sakit. Madami rin nakakabit sa kamay ko at halos mahilo ako sa sakit. Pilit kong inaalala ang nangyari pero tila isang linya ng lubid at isang blanko ng papel dahil wala akong kahit anong maalaala.
Naging sunod sunod ang pagtulo ng aking luha dahil hindi ko na maintindihan ang lahat. Hanggang sa bumukas ang pintuan at niluwa doon ang nagalalang mukha ni mama at papa.
" Jusko! Anak gising ka na!" natatarantang sambit ni mama at lumapit sakin para hawakan at halikan ang kamay ko.
Binuka ko ang bibig ko at doon ko lang napagtanto na tuyong tuyo ang lalamunan ko. Napapikit ako at sinubukan kong magsalita.
"T-tubbbig..." mahina kong sambit pero nakuha agad ni mama. Kukuha sana siya ng tubig ng pigilin siya ni Papa.
" M-mas mabuting tawagin muna natin ang doktor kung pwede na siyang painumin." narinig ko ang pagkabasag sa boses ni Papa pero sinusubukan niyang huwag tuluyan mapaluha.
Nang sulyapan ako ni Papa ay ngumiti siya sa'kin. Mabilis na tumungo si mama at lumabas ng kwarto habang si papa ay lumapit sa'kin at siya na mismo ang nagpahid ng luha ko.
Napapikit ako ng haplusin niya ang pingi ko at nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya. Tuluyan siyang umiyak at mabilis na pinahid iyon.
" I'm so thankful for God. Binigyan ka niya ng pangalawang buhay anak. Sana huwag mo sayangin."
Dumating ang doktor at nakita ko kung papaano siya humanga lalo ng makita niya akong gising at nakatitig siya.
Lumapit siya at agad na sinuri ako. Nakamasid lang ako lahat sa kanila habang may nakaukit na saya sa mga mukha nila.
"Her vital is stable and I could say that heart transplant is successful and do you remember anything hija?"
Heart transplant?
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
أدب المراهقين"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."