Susi
Heart PoV
TAHIMIK ang buong paligid habang nag-discuss si Ma'am sa harapan. Nakapatong ang baba ko sa dalawang kamay at nakatuon ang pansin sa harapan.
Lahat kami ay nakikinig sa explanation ni Ma'am sa discussion niya. Kahit napapansin ko na nababagot ang iba sa pakikinig.
Bumuntong hininga at tumingin sa labas ng classroom. Siguro kung tapat lang ng classroom namin ang room ni Zach, paniguradong ang buong atensyon ko ay sa kanya.
Gusto ko na tuloy makita ko siya mamaya. Sigurado nasa bleachers siya mamaya dahil yun ang paboritong spot niya.
"Pst."
Nawala lang ang naiisip ko ng may kumalabit sa likuran ko. Hindi ako lumingon dahil alam ko si Niko lang 'yun. Inikot ko ang mata ko ng kalabitin niya na naman ako.
Lumingon ako sa kanya, naabutan ko siyang nakangiti sa'kin kaya kumunot ang noo ko.
"Anong problema mo?" inis na bulong ko sa kanya.
Hindi siya umimik at nagkibit balikat.
Binalik ko ang paningin ko sa harapan pero maya-maya lang ay kinalabit niya na naman ako.
Naku, ano naman ba trip niya sa buhay?
Inis na nilingon ko siya at ayan na naman ang ngiti niya na nakakaloko.
"What?" inis na tanong ko.
Matagal siyang tumitig sakin na para bang kinakabisado ang kabuuan ng mukha ko. Tinagilid ko ang ulo ko para makuha ko ang atensyon niya.
Mas lalo lumaki ang ngiti niya.
"Bakit ang ganda mo?"
Napaawang ang bibig ko at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.
Napakurap pa ako at pilit na tumikhim. Pinilit ko ikunot ang noo ko sa kanya para maalis ang pagkailang na nararadaman ko.
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
Paniguradong niloloko na naman ako nito.
"Are you fooling me around? Wala akong piso ah.."
"Hahahaha.."
Nanlaki ang mata ko ng bigla siya tumawa na siyang dahilan kung bakit nakuha niya ang atensyon ng classroom ko nakikinig kay Ma'am.
Napatigil na rin si Ma'am sa pagliliwanagsa tinuturo niya dahil mismo siya ay nadistract sa tawa ni Niko.
Mabilis ako yumuko at pasimpleng binubuklat ang nakasulat sa notes ko.
Patuloy parin siya sa pagtawa na para bang wala siya pakialam sa paligid niya. Kahit kailan talaga mabatas siya. Wala siyang pakialam kung tignan siya ng ibang tao o kung mapahiya siya, kaya minsan ang hirap makipag-biruan sa kanya dahil agaw atensyon siya.
Kinagat ko labi ko at hindi ako lumingon sa kanya.
Natigilan lang siya ng lapitan siya ni Ma'am. Kahit hindi ako tumingin sa kanya ay alam kong nakangiti ang kupal.
Napailing nalang ako sa naisip ko.
" What's the matter Mr. Ciestro?"
"Nothing Ma'am?" patanong na sagot din niya.
Napahilamos ako ng mukha dahil sa sinagot niya. Ano ba naman problem niya at ganyan siya kung makasagot?
Hindi na naman yata nakainom ng gamot para sa pag-ulol niya. Naku, talaga!
![](https://img.wattpad.com/cover/133157695-288-k650273.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Teen Fiction"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."