BadmintonHeart Pov.
"Zach.." pang ilang beses ko na tinawag ang pangalan niya pero hindi niya pa ako nililingon simula kanina pang umaga.
After kasi nangyari sa flag ceremony. Hindi na niya talaga ako pinansin. Well? Aaminin ko kinikilig talaga ako ng sobra pero anak ng neneng! Tinatawag ko siya, hindi siya lumilingon. Kapag lumalapit ako lumalayo agad o di kaya kapag umupo ako sa harapan niya hindi niya ako pinag-aangatan ng tingin.
Wa epek ang beauty ko teh! Nakakaloka. Tsaka baka nagselos nalang bigla!
Hala!
Isama pa na P.E time na talaga namin at may pina-activity kami ni Sir. Mamamili kami ng sports na gusto namin kaya ang pinili ko ay badminton kasi feeling ko madali lang. I'm not really good in sports. Magaling lang ako umupo sa bleachers at mag-cheers sa mga naglalaro..tapos.. Si Zach naglalaro ngayon ng basketball.
Pawisan na nagpapatingkad ng maskuladong braso at buong katawan niya. Kinakagat ko na nga lang ang labi ko para pigilan ko tumili ang maglaway sa katawan niya.
Ang hot lang niya tignan eh!
"Ms. Dela cruz anong inuupo-upo mo diyan? Maglaro ka nga!" sumigaw ang guro namin.
Nagulantang ako sa isigaw niya ang last name ko. Kaya halos lahat ng classmate ko ay tumingin sa gawi ko at pinagtawanan ako.
Napayuko nga ako dahil sa kahihiyan. Ba naman grabe sila! Kung manlalait, talagang hindi siya mahihiyang asarin ka. Nako! Mas malala pa yata sila sa lower section eh.
Mabagal ang naging lakad ko papuntang badminton court na hindi kalayuan sa basketball court. Bale kapag nandoon na ako ay lilingon ko lang ang kaliwang side ko ay makikita ko na siya. Sinubukan ko pa lumingon kay Zach at naabutan ko siyang umupo sa silya. Naghahabol ng hininga at sobra ang pawis sa mukha.
Umawang pa ang bibig ko sa nakita.
"Ano ba Ms. Dela cruz bilisan mo nga!" sigaw ulit sa'kin ni ma'am.
" Opo Ma'am!" sagot ko.
Halos natataranta ko binilisan maglakad habang nakatingin sa likod ko. Kaso hindi pa ako nakakarating sa court ay napatapid ako.
Napadaing ako sa sakit ng maramdaman ang hapdi sa tuhod ko at muntik ng sumubsob ang mukha ko sa semento kung hindi lang natungkod ng kamay ko.
Narinig ko ang tawanan sa tabi ko kaya mabilis ako lumingon doon. Umiinit agad ang dugo ko ng makita ko si Fayle at ang kaibigan niya. Nakakrus ang braso habang nang-aasar nakatingin sa'kin.
"Ma'am ang lampa naman 'ho si Ms. Dela cruz! Babaan niyo ng grade ma'am!" maarteng sigaw niya kay Ma'am.
Kinuyom ko ang kamao ko ng lumapit sa'kin si Ma'am at galit na pinagalitan ako.
"Ano ba yan! Umayos ka nga Ms. Dela cruz hindi ka pa nagsisimula, nadadapa ka agad!"
Umiinit ang gilid ng mata ko ng narinig ang samo't sariling tawa at panlalait nila. Pumikit ako ng mariin at pinipigilan ang sarili mapaiyak. Sinubukan ko tumayo at hindi iniinda ang hapdi sa tuhod dahil sa pagkakadapa.
Pinagpag ko ang kamay ko at inis na tumingin sa gawi nila Fayle. Ngumisi siya sa'kin at pasimpleng pinagpag ang sapatos niya.
Bumaba ang tingin ko doon.
May duda ako kung bakit ako nadapa. Marahil may kinalaman siya doon.
Kahit gusto kong siya sabunutan ay pinipigilan ko ang sarili ko gawin iyon. Pinilit ko huminahon at palampasin ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Teen Fiction"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."