Dalawa
Heart Pov.
Kusang bumaba ang paningin ko sa mga nakahain na pagkain sa lamesa. Ramdam na ramdam ko na talaga ang pangingilid ng luha ko pero pinipigilan ko lang.
Whoo.. Heart kaya mo yan. Lahat naman kinakaya mo diba? Kaya easy lang ito. Liit na bagay lang ito kaya easy lang talaga.
Tsaka di ko naman hate kay Jasmine. Well, nagtataka parin ako kung bakit buhay siya. Eh, sino yun binibisita ni Zach sa sementeryo?
Oo nga pala. Hindi ko pa talaga kilala si Zach. Ang alam ko lang mahal siya ng pusong ito.
" Kain ka na." Boses niya iyon.
Nang mag-angat ako ng tingin ay may inaabot ng plato si Zach sa'kin. Pinilit kong ngumiti kahit parehas kaming hindi umabot ang ngiti sa mata.
Kasi birthday parin ni Zachary ko kaya dapat happy parin ako.
" Salamat!" Pinasaya ko ang boses ko.
Tumungo siya sa'kin at kahit nageexpect ako sakin siya tatabi pero ano pa nga ba. Sinasaktan ko lang talaga sarili ko.
Mas pinili ni Zach tumabi kay Jasmine na ngayon ay mahinahon ng ngumiti sakanya kahit namamaga ang mata nito sa kakaiyak.
Ngayon ko lang talaga napagtanto na kahit anong mangyari o kahit sino man makilala ni Zach na bago ay babalik at babalik parin siya sa kanya. Babalik parin sa dati.
Zach will always found himself go back to his lover. I will never change his heartbeat. He love her and his longing for only to her.
Isa lang din ako sa mga bago niyang kilala na hinding-hindi niya pipiliin.
Nakakatawa dahil naisipan ko pang sagutin siya ngayon.
Nanginginig man ay kumuha ako ng pagkain. Pancit lang kinuha ko para naman humaba pa lalo ang buhay ko kahit sobrang labo.
" Jasmine kain ka muna. Alam ko mahaba rin ang biyahe niyo ng magulang mo. Mamaya na kayo mag-usap ulit ni Zach. " si tita Isabella.
" O-okay lang po tita. S-sobrang namiss ko rin si Zachy. " mahinahon ang boses niya.
May sarili rin din pala siya tawag kay Zach pero ganun rin tawag sa kanya ni tita e.
Her voice is sweet. Bagay na bagay dahil sobrang hinhin din niya. Di ko tuloy napigilan ma conscious sarili ko. Morena lang kasi ako samantalang si Jasmine ay ang puti-puti. Ang ganda ganda niya rin.
Inaamin ko naiinggit ako. Inggit na may positibong motibo.
Nakatatlong subo na yata ako ay tsaka lang nagsalita si Zach.
" Mom. Let h-her be. Mag-uusap kami mamaya. "
Kumirot ang dibdib ko bigla.
" Ay g-ganun ba. " tumawa ng bahagya si Tita Isabella.
Nawala lang atensyon ko doon ng hawakan ako ni mama sa kamay at binaba ito. Tumingin sa'kin si Mama ng may meaning at nang ibaba ko ang paningin ay nanginginig na pala kamay ko.
Bumuntong hininga nalang ako. Pilit na ilagay sa likod ng isip ko na magiging okay rin ako.
" Sa totoo lang talaga last month pa sana kami pupunta dito pero pinakausapan kami ni Jasmine na sa birthday nalang ni Zachary kaya masaya ako para sa kanilang dalawa. " share ng mama ni Jasmine.
Nagpahid rin ng luha sa pisngi at bumaling sa dalawa. Ako. Hindi na ako tumingin pa kasi masasaktan lang talaga ako.
" I know Zach will ease his pain for what happened before. Kailangan lang nila mag-usap ni Jasmine para magkalinawan. " dagdag ulit ng mommy ni Jasmine.
Mahinahon tumungo si Tita Isabella. " O-oo tama kayo kasi mataga ng sinisisi ni Zach sa pagkamatay ni J--"
" Mom." Putol ni Zach sa Mom niya.
Doon ko lang tuluyan tumingin ulit kay Zach na may talim ang tingin sa Mom niya. Dumagsa ang pagtataka sa isip ko. Lalo ng maisip ang pagbisita niya kay Jasmine pero...sino ang Jasmine ngayon kung hindi siya ang nasa sementeryo?
Naputol ang pag-iisip ko ng hawakan ni Jasmine ang kamay ni Zach.
" Zachy. " ang lambing talaga ng boses niya.
Naramdaman yata ni Zach nakamasid ako ngayon sakanya kaya ng magtama ang paningin namin dalawa ay bigla niya tinanggal ang kamay ni Jasmine sakanya.
Bakit mo tinanggal Zach? Diba siya ang mahal mo kaya dapat hindi mo binibitawan ang kamay niya.
" Jasmine Marie." Tawag ni Tita Isabella.
Mas lalo kumunot ang noo ko at bumaling kay Tita. May ngiti ito ng tipid at malambing.
" B-bumisita ka na ba sa kapatid mo?"
Kapatid?
Tumungo si Jasmine. " Opo tita."
" Kahit nasa malayo kami mare di namin nakakalimutan puntahan si Jasmine. Kahit di namin tunay na anak ay minahal namin ang batang iyon." may diin ang pagsambit ng mommy ni Jasmine.
Nalilito ako. Jasmine?
Lumingon si Jasmine sa mommy niya at hinawakan ang kamay nito. Humigpit ang kapit nito at umiling ito.
" Pasensya na gusto ko lang malaman dahil matagal rin kayo wala dito sa Pinas. " Tita Isabella said and excuse herself.
May dumating kasing bisita kaya nang maiwan kami ay sakin naman dumapo sa'kin ang atensyon ng parents ni Jasmine.
Si Zach naman at tahimik nakatingin sa plato niya. Gusto ko siya asarin kasi birthday niya tapos ay nakabusangot ang mukha niya.
Kahit naman nasasaktan ako ngayon gusto ko parin siya maging masaya.
Pero alam ko masaya siya ngayon. Nalilito na nga ako sa mga pangalan binabanggit nila.
" How are you hija?" nanlaki ang mga mata ko ng ako naman kausapin ng mommy ni Jasmine.
" P-po?"
Tumawa naman ito ng mahina. " Baka nga di mo pa kami naalala pero sa nakikita ko naman nasa maayos kang kalagayan. " tumagal ang tingin nito sa mga mata ko bago bumaba patungo sa dibdib ko.
Dumagsa ang kaba sa dibdib ko dahil sa tingin pinupukol niya. Imbes na mailang ako ay para bang nagsasaya muli ang puso ko.
" Maayos naman ang anak ko. Alam ko ilang beses na kami nagpapasalamat sa pamilya niyo lalong-lalo na kay J-jasmine. " Humina ang boses niya sa dulo.
Umawang ang labi ko ng tumingin sa'kin si Mama at ginawaran ako ng mapagmahal na ngiti. Kabadong-kabado ako dahil wala akong alam sa nangyayari. Litong-lito sa mga binabanggit nilang Jasmine. Naguguluhan na nga ako sa Jasmine nasa harapan ko na ngayon ay nakatingin narin sa'kin.
" We are fine. Don't worry, we are really glad that we gave it to your daughter. She deserve it. " Ang asawa niyang lalaki ang sumagot.
Nang mapansin ang tingin ko ay nginitian ako nito.
Pero dahil nalilito ako ay bumaling ako kay mama na hanggang ngayon ay nakatitig sa'kin. Humigpit ang hawak nito sa kamay ko.
" Heart, anak. S-sila ang ang m-magulang ng taong nag-d-donate ng puso mo. They are the adoptive parents of Jasmine Dela torres. "
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Fiksi Remaja"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."