Kabanata 12

75 0 0
                                    

Lagnat

Heart Pov.

NANG iminulat ko ang mata ko ay hindi ko napigilan ngumiti. Today is holiday! Kidding! Hahha. Sabado ngayon kaya as usual walang pasok. Buti nalang para makapagpahinga ng maigi ang utak ko. Syempre, kapag nasa section A ka kailangan din naman ng break ano?! Hindi puro libro ang kaharap mo buong araw.

Nakakaloka kaya!

Mabilis ako bumangon at ginawa ang morning routine ko. Nag-exercise bago nagligo, kumakanta pa ako habang naliligo ako. Ang gaan kasi ng pakiramdaman ko at di ko alam kung ano ang dahilan.

Naging mabilis ang hakbang ko ng bumababa ako. Sa kaligitnaan pa lang ako ay mas lalo lumaki ang ngiti ko. My favorite ulam ay nanuot ang amoy sa ilong ko. Ang aga-aga pa nagluluto na si Mama para sa pangtanghalian.

Palihim akong humagikhik nang sumanggi sa imahinasyon ko na si Zach yung nagluluto para sa'kin dahil pinagod niya kunyari ako. Hihi. O my gosh! I almost feel my cheeks burned.

Kenekeleg se akeh! Hahaha.

Binilisan ko ang paghakbang ko at nang makita ko si Mama nakatalikod habang nagluluto ay tahimik kong hinakbang ang mga paa ko at kaagad ko sinalubong ng isang mahigpit na yakap!

"Ay punyetang bata ka!"

Sinakop ng buong kwarto ang tawa ko. Hindi ko napigilan mapatawa sa biglaan reaction ni Mama. Nakakatawa ang reaksyon niya! Mabilis na nilipat niya ang paningin niya sa'kin at pinukpok ako ng sandok.

"Ouch! Ano ba Ma! Ang sakit ah!" angal ko.

Sinamaan ko rin siya ng tingin. Grabe kasi makapukpok! Alam na nga maliit na ang anak niya tas ganyan pa siya makabatok sa'kin.

Nako! Nako.. Huwag ako.

"Ang aga-aga nagbwibwisit ka! Oh, siya pagkaluto nito pumunta ka kila Zach at ibigay mo ito."

Awtomatikong kumunot ang noo ko. Hala ka! Bakit, anong problema kay Zach ko?

"What happen to my baby Zach?"

Wala pang ilang minuto ay dumako ang paningin ni Mama sa'kin at pinukpok ako ng sandok. Halos nanlumo ako sa sakit. Ang sama niya talaga! Nanay ko ba talaga siya?

" Tigilan mo nga akong bata ka! Assuming ka at talagang nag-eenglish ka pa, ano?"

Napanguso at hindi nalang pinansin ang mapang-asar na ngiti ni Mama. Imbis na suportahan niya ang anak niya, ganyan pa ang trato niya sa'kin.

But wait! Teka nga. Anong nangyari kay Zach? May sakit kaya siya? Hmm. Baka ganoon nga. Nasobrahan sa pag-aaral.

Kaya habang tinitikman ni mama yung luto niya ay napasilip ako sa kabilang bahay. I wonder kung ano ginagawa niya. I hope he's fine. Kawawa naman siya kung walang nag-aalaga sa kanya. Balita ko nasa ibang bansa parin ang parents niya.

Business trip?

"Oh, luto na. Dalhin mo na ito kay Zach at doon ka rin kumain para may kasama siya."

Lumaki ang ngiti ko sa sinambit ni mama. Atleast binigyan niya ako ng chance hahaha.

Hindi pa nga nagbibigay ng komento sa'kin si mama eh mabilis ko kinuha ang baunan at tumakbo sa bahay nila Zach. Dinapo agad ako ng kaba ng nasa tapat ako ng bahay nila habang pinipindot ang doorbell. Naku, ang stupid ko talaga! May sakit nga diba, Heart? Baka hindi kayang tumayo.

Huminga ako ang malalim at matapang na binuksan ang pintuan. Ang swerte ko lang dahil bukas! Hahaha, pero mamaya pasukin siya ng magnanakaw o di kaya rapist? Nako, may iba ng makikinabang ng katawan ni Zach ko.

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon