Kabanata 38

19 1 0
                                    

Alam niya?

Heart Pov.

SOBRA-sobra na yata ang nalalaman ko ngayon. Bigla sumakit ang ulo ko sa dami ng impormasyon nalaman ko sa birthday ni Zach. Di ko nga siya nakausap dahil mismo ako ang lumayo sa kanya ng susubukan niya lumapit sa'kin o baka assuming lang ako.

Kasi pinipigilan din siya ng Jasmine niya e.

Di ko alam kung papaano ako nakaalis at nakaraos ng gabing iyon. Basta nakauwi na ako sa bahay kasama si Mama at natulala na ako.

Litong-lito na talaga ako. Sumasabay pa ang pagkirot ng ulo ko.

Nababaliw na yata ako. Alam ko may parte parin sakin ala-ala na di pa bumabalik. Ang malinaw lang yata sa'kin ang pagchcheat ni Niko tas si Jasmine.

Natigilan ako ng bigla kong naalala na malabo parin ang mukha ng babae sa tuwing inaalala ko pero ang kwento lagi ni Zach at Niko ay nagloko sakanya si Jasmine.

But sino sa kanila dalawa na Jasmine ang tinutukoy ni Zachary?

Alam ba niya tungkol sa heartplant?

" Nak."

Nawala ang ang mga iniisip ko nang tawagin ako ni Mama.

Bakas ang pag-alala niya para sa umaga na ito.

" Ma. " namamaos ang boses ko.

" Hindi ko parin naiibigay ang regalo mo kay Zachary. " Puna niya.

Sabay kami lumingon sa regalo ko para kay Zach sana ibibigay ko kagabi. Nasa sala. Doon ko siya nilagay kagabi pagkauwi namin.

Malungkot ako napangiti.

" D-di ko na alam ma k-kung ibibigay ko pa ba o hindi na. " sumandok na ako ng aalmusalin ko.

Narinig kong buntong-hininga ni mama.

" S-sabagay baka di na niya kailanganin. Dumating na ang girlfriend niya e. "

Natigilan ako ng marinig ko ang huling sinabi ni mama.

" G-girlfriend?" Ulit ko.

Tumungo siya sa'kin. " Oo nak. Narinig ko kagabi. "

" Ang tsismoso mo naman mama. " Sinubukan ko tawanan pero pumiyok ako at kumukirot na ang dibdib ko.

" Pero n-nililigawan niya ako ma e ano yun? Display?" bulong ko pero narinig ni mama.

" Ayoko mangialam anak pero ang masasabi ko lang. Ang babata niyo pa at marami pa kayong pagdadaanan ng butas ng karayom."

Napanguso ako sa narinig.

" Ma..alam n-niya ba ni Zach na naoperahan ako sa p-puso?"

Bahagya kumunot si mama tila may inaalala pero kalaunan ay umiling siya.

" Wala akong nababanggit kay Zach about dyan maliban lang kung sinabi ng magulang niya o magulang ni Jasmine." nagsimula na rin kumain si Mama.

Di na ako nakaimik. Jasmine. Jasmine Marie. Nakakalito. Ang dami kasing ipapangalan bakit pa parehas?

Sorry Jasmine. Tsaka thank you rin.

Sabado ngayon kaya walang pasok at tamad na tamad akong kumilos. Ayoko muna lumabas ng bahay. Baka nasa pintuan pa lang ako ay makita ko si Zach. May pakiramdam ako na once makita niya ay kakausapin niya ako tungkol sa panliligaw niya.

Anytime, pwede niya sabihin ititigil niya at takot ako tumigil siya. May parte rin sakin gusto malaman lahat.

" Heart, anak bumaba ka muna dito. " tumigil ako sa tawag ni Mama.

Binaba ko ang hawak na libro binabasa ko tsaka ako pumunta sa baba ang kaso nasa kalagitnaan pa lang ako ay natigilan ako.

" You're heart, right?"Jasmine asked when she saw me.

Siya lang mag-isa. Di niya kasama ang parents niya kaya nakakagulat kung bakit nandito siya ngayon sa bahay...namin.

" Uhmm. O-oo." Sagot ko at napaayos agad ako ng buhok ko.

Samantalang si Jasmine ay sobrang nakaayos. Nakapusod ng malinis ang buhok niya at nakasuot ng jeans at white t-shirts. Naka tuck in.

While me. Burang. Nakshort short tas sleeveless na baby pink. Walang-wala yata ang ganda niya sakin. Maganda siya samantala ako ay ganda lang meron.

" I just want to talk you about..Zachy. " sambit niya ng tuluyan ako nakalapit.

Bumilis ang tibok ng puso ko. May kasama ng kirot iyon habang matamis nakangiti sa'kin.

" If it's okay with you--"

" A-ano bang tungkol kay Zachary. " Putol ko sakanya.

Bahagya kumunot ang noo ko ng kagatin niya ang labi at tumingin sa likod ko. Nang lingunin ko si mama iyon at may dala ng meryenda ito.

" Oh, mqgmeryenda muna kayo hija. " nilapag ni mama ang pitshel ng strawberry juice at cookies sa coffee table.

" I'm still full but Thank you tita. " aniya kay mama at muli ngumiti ng matamis.

" Ah ganun ba. Aba sayang naman. "

" Ma gutom ako baka ako rin ang kumain lahat niyan. " tinawanan ko nalang at tumingin sa'kin si mama ng may meaning.

" Salamat ma. " tugon ko tsaka siya umalis.

Nang tuluyan nawala sa paningin namin si Mama at hinarap ko na si Jasmine may ngiti parin sa labi.

Ewan ko pero iba ang ngiti niya para sakin.

" S-sige upo ka muna. "

" Thank you. " She said fiercely.

Nailang ako ng bigla niya ako tinitigan. Di ko malaman kung may dumi ba ako sa mukha kaya ganito siya makatitig pero nang marinig ko ang buntong-hininga hininga niya ay doon na siya nagsalita.

" I'm Jasmine Marie dela torres and...still his girlfriend, Zachy. We didn't break up. " panimula niya ng nagpakirot ng dibdib ko.

" Sister ko si Jasmine Dela torres na bestfriend rin ni Zachy. My parents adopted her and I'm older than her. Ganun rin si Zachy. "

bestfriendSi Jasmine at Zachary?

Alam niya ba na....

"Naging matalik silang magkaibigan noon nasa ibang bansa ako nagpapagaling. " she whispered the last one.

" Before I went abroad. I like Zach already and when I came back...niligawan niya ako. " may sumilay na ngiti sa labi niya. " Of course, I answered him and I'm happy with him for the two months. May away pero nilalambing niya agad ako ni Zachy. "

Habang tumatagal ay mas lalo kumikirot ang puso ko sa mga kwento niya.

" Not..until when I feel like...ako lang ang masaya sa relasyon namin ni Zachy..mas nahahati ang atensyon niya sakin sa pagkikipagbest-friend niya kay Jasmine. " nasense ko ang pait sa sinabi niya.

Bakas ang galit ng banggitin niya ang pangalan ni Jasmine na pakiramdam ko wala naman ginawa sakanya. Na kahit hindi ko nakilala o nakita ay pakiramdam ko mabait siya at mapakumbaba.

" So, that I cheated. "

Doon niya nakuha ang atensyon ko. Si Nikolai.

" I cheated with your boyfriend Heart, Niko. " Her tears started forming. " I kept it as a secret but little did I know all the secret revealed...and that day..You and Zach saw as Niko kissing.."

Lumakas ang kabog sa dibdib ko ng maalala ko ang lahat ng iyon. Bigla pumasok sa isip ko ang eksena ng araw na iyon at ang sakit naramdaman ko nang makita ko silang dalawa naghahalikan.

Jasmine Marie and Niko kissing each other while they are in other relationships. Habang kami ni Zach ay nasaksikan iyon at patuloy na nasasaktan.

Then, I remember...now....that before I diagnosed with heart failure.

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon