Kabanata 39

24 1 0
                                    

Tangi

Heart Pov.

" When you saw us. Niko tried to run after you and I let him. Then y-you tripped and your head hit in the ground and the d-day a-after tomorrow I asked m-my sister to talk with Zachy for me t-then she met an accident h-habang hinahabol si Zachy..." She cried loud.

" She didn't make it. 50/50 when she arrive at the hospital and the doctor t-tried to revive her b-but s-she died. " Jasmine look at me and I saw how she regret everything before.

Tulala lang ako habang inaalala ang sinabi niya. Di na masaya ang puso ko dahil palagi nalang kirot ang nararamdaman nito.

Pumapasok sa isip ko ang lungkot at sakit sa mga mata ni Zachary. K-kaya ba ganoon nalang ang pagsisidi niya sa sarili dahil sa nangyari kay Jasmine. Na...k-kung sakaling kinausap at pumayag siya makipag-usap sa kapatid nito edi sana..b-buhay parin siya hanggang ngayon.

Pero papaano ako noon? Did I s-survive and have a chance to live o-or I-i died?

Dumating ang lunes. Akala ko pagkalabas ko sa bahay ay naghihintay sakin si Zach pero syempre sino ba niloloko ko.

Walang Zach naghihintay.

Malungkot ako napangiti at kirot sa dibdib ang nararamdaman habang nagsisimula na akong maglakad. Hindi mainit ngayon umaga dahil mas marami ang ulap tumatakip sa araw.

Siguro mamaya lang ay uulan na.

Nawala ako ng gana at nang nakapasok ako sa school. As usual ay nasa akin na naman ang tingin ng lahat. May bulungan ako naririnig na sinasabayan rin ng tawa.

Masyado mahapdi ang puso ko ngayon para isipin pa kung ano ang mali sa'kin at tinatawanan nila ako ngayon pero di na naging bago sakin ito. Pagod ako.. pagod akong magpakaperfect sa kanila.

Maingay sa classroom ng dumating ako pero nang makita ako ay tumahimik rin sila. Magkaiba nga lang dahil hindi nila ako tinatawanan tulad ng iba. Nakatingin sila na may awa at binibigyan ako ng malungkot na ngiti sa labi.

" Okay lang yan Heart. Madalas talaga masasaktan at masasaktan tayo at hindi natin mapipigilan o maiiwasan man lang. We just feel that pain. " Si class President at may tipid na ngiti sa labi.

Kumunot ang noo ko at di ko alam kung bakit niya sinabi iyon.

Pati si Ivy ay lumapit sa'kin at pinisil ang kamay ko.

" Heart, dapat palagi kang handa. Handang masaktan. "

" A-ano ba yan sinasabi n-niyo. D-di ko gets." sinubukan ko pa tumawa pero ang naging sagot lang ng mga classmate ko ay tingin sa kabilang classroom.

Sumunod rin ang mga mata ko at kusa ng gumuho ang pagpipigil ko ng awa para sa sarili ng makita ko si Zach kasama si Jasmine.

Naabutan ko silang nagngitian dalawa at m-magkatabi silang dalawa. Samantalang dating katabi noon na si Fayle ay nasa dati kong upuan at nang mahagip ang tingin ko ay ngumisi lang siya sa'kin.

Mabilis ko iniwas ang tingin sa kanilang dalawa. Doon ko lang napansin tumulo na pala ang luha ko. Matulog ang kirot sa dibdib ko dahilan kung bakit sa bawat minuto lumilipas ay nahihirapan na akong huminga.

Kaya pala...kaya pala ganoon nalang ang tingin nila sakin kanina. Tama lang pala na pagtawanan ako kasi masyado yata ako nangarap nitong mga ilang araw na kasama ko si Zach.

Alam kasi nila nililigawan ako ni Zach pero sa bandang huli ako parin pala ang kawawa.

" H-heart. " Si Niko.

Mariin nakatitig siya sa'kin at nababasa ko ang galit sa mga mata niya pero ako kusang umiling at ngumiti sa kanya habang patuloy na lumuluha.

" N-naalala na k-kita lai..." I said between my sobs.

Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang labi.

" H-heart I will explain--"

" S-sige. " Putol ko sa kanya.

Mas lalo siya natigilan sa sunod kong sinabi.

" S-sabay nalang tayo umuwi mamaya, okay?" sambit ko ng marahan.

Matagal niya pa ako tinitigan bago dahan-dahan tumungo sa'kin. Walang imik akong pumunta sa upuan ko at marahan na pinunasan ang pisngi. Ilang beses akong huminga ng malalim at pinapawala ang bigat sa dibdib.

Alam ko naman mahina ako pero tama na nakita nila ako ngayon umiiyak.

Nagsimula ang klase ay di parin ako lumilingon sa kabilang classroom kung nasaan ngayon sila Jasmine at Zach. B-baka dito siguro mag-aaral na si Jasmine pero okay na rin d-dahil siya lang magpapasaya kay Zachary muli.

Tangi si Jasmine lang ang magpapangiti at magpapagaan ng loob ni Zach.

Recess, lunch time at vacant di ako iniwan ni Ivy. Nasa tabi ko lang siya habang si Niko ay nasa likod lang din at pinapakiramdam ako. Ewan ko pati din mga classmate ko nasa room rin nagsila lunch at madalas binibiro pa ako.

Syempre sinusubukan ko naman makisaya at tumawa pero sa tuwing wala sakin ang atensyon nila ay nawawala ang ngiti ko. Nasa dibdib ko parin ang bigat at pait sa lalamunan ko ang mga naramdaman ko buong maghapon.

Nang matapos ang subject namin sa Research ay nagsitayuan na kaming lahat. Sa bigat at dami kong naiisip ay nakalimutan ko pang cleaners pala ako.

" Heart una na talaga ako. M-may pupuntahan kasi kami nila mama ngayon. " paalam sakin ni Ivy at mahigpit ang hawak sa'kin kamay.

" A-ano ka ba o-okay lang t-tsaka sabay kami ni N-niko. " sabay kami lumingon kay Niko na kanina pa naglalampaso sa gilid..

" Lutang kaya siya. " Bulong sakin ni Ivy.

Tumawa naman ako at di na sumagot. Kasi kanina pa talaga si Niko dyan. Di umaalis.

" Basta mag-iingat ka Heart ah." aniya.

" Oo naman. Sige na baka hinihintay ka pa ng mama mo. "

Tumagal pa ang titig sakin ni Ivy kaya tinulak ko na paalis.  Saktong 4:30 ay natapos na kami maglinis.

Lumapit na rin sa'kin si Niko at inabot pa ang bag ko.

" A-ako na magbubuhat ng bag mo. "

" O-okay. "

Di na lang ako umangal kasi mabigat ang dibdib ko at kung magbubuhat pa ako ng bag ko ay baka mas lalo lang ako mahirapan.

Tila napapagod na ako. Pagod mula emosyon, sa pisikal pati yata utak ko nawala na rin yata.

Sabay na kami lumabas ng pintuan pero nahigit ko ang hininga ko ng may humawak sa braso ko.

Bilib rin ako sa puso ko kasi nagawa niya parin tumibok ng mabilis sa kanila kahit nasasaktan na.

" Z-zach. " bulong ko sa pangalan niya.

Saglit nasa akin ang paningin niya pero lumipat rin sa likod kung alam ko nandoon si Niko.

Kumunot ang noo ko ng makita kong wala siya kasama kundi siya lang.

" N-nasan si J-jasmine?" Tanong ko sakanya.

" She left already. I really waited for you so that we could go home together. So, let's go. " He said.

Hihilain niya sana ako paaalis pero ako na kusa pumigil sa kanya.

Di ko alam kung bakit nandito siya ngayon pero  umiling ako ng makita ang pagtataka sa mukha niya.

" D-di na Zach. Nagsabi na ako kay Niko na sasabay kaming u-umuwi. "

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon