Library.
Heart Pov
HUMALUKIPKIP ako sa isang tabi, nasa kwarto na ako pero hanggang ngayon hindi ko parin nagagawang magpalit ng damit. Hindi ko kasi kayang itanggi na hindi ako nasaktan sa sinabi niya. I swear, wala yatang makakatumbas ng kahit anong ano sa lahat ng sinabi niya.
Bakit ganoon siya magsalita sa'kin? Para bang napakalaking kasalanan ang ginawa ko sa kanya. Sa totoo lang, ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito.
Bumuntong-hininga ako para lakasan ang loob ko. Lumapit ako sa bintana at dahan-dahan ko binuksan para makita ang kabilang bahay. Sa tingin ko kasi katapat ng kwarto niya ang kwarto ko.
Napasimangot ako kasabay ang pagsinghot ko. Nakakainis! Sa kabila ng mga sinabi niya sa'kin at eto parin ako, umaasa makikita ko siya.
Ang tanga ko talaga kahit kailan!
Saglit ako natigilan ng may maalala ako. Kanina kasi, nang time hindi ko sinasadyang nabasag yung picture.. Galit na galit siya ng makitang hawak ko ang picture frame. Siguro napakaimportante ng babae sa buhay niya. Gusto ko tuloy malaman kung sino yun.
Pagod ako sumandal sa dingding at nagpalipas ng oras sa pag-iisip.
Mabilis lang natapos ang araw dahil oras lang bibilangin bago dumating ang lunes. Sa pagdating ng lunes, pagkatapos ng dalawang subject ay wala ako sinayang na oras at nagtungo agad ako sa library. Kapag ganitong oras, maraming studyante ang pumupunta doon kaya kailangan ng tulong ko.
Syempre bago ako nagtungo, hindi muna kukumpleto ang araw ko ng hindi ko nasisilayan ang gwapo niyang mukha! Kahit na konti lang naman....nagtatampo ako sa kanya ay hindi magbabago ang pag-gusto ko sa kanya.
Kinagat ko ang labi ko habang dahan-dahan humahakbang sa tapat ng classroom nila. Tinignan ko maigi sa gilid ng mata ko ang presensya niya pero bigo ako. Wala akong nakitang Zach sa paligid!
Gusto ko tuloy umiyak! Waaah.. Saan naman kaya siya pumunta? Kahit kabit bahay ko siya, namimiss ko parin siya! Eh, hindi naman kasi lumalabas ng bahay. Daig pa si Maria Clara kung lumabas.
Bumagsak ang balikat ko ng marating ko ang library. Napansin ako ni Ma'am kaya mabilis niya ako tinawag.
"Buti dumating ka! Maraming nagbalik ng libro ngayon kaya kailangan na ibalik agad. Oh, sige na. Ibalik mo sa sariling serial number nila, siguraduhin mong nasa tamang lugar ah!" sambit niya at sunod-sunod ang mga binigay niyang libro sa harapan ko.
Mas lalo ako nanghina sa nakita. Kailangan ko ng lakas. I need Zach! Kailangan ko kumuha ng lakas sa kanya! Nasan na ba kasi siya?
Gusto ko mangiyak sa dami.
"S-sige po."
Ngumuso ako at kinuha sa gilid ang cart. Kung bubuhatin ko kasi kailangan ko rin ibaba dahil hahanapin ko ang nga serial number ng bawat libro at counter nila.
May kalawakan pa naman ang library.
Hanggang kaya ay hindi ko sinusubukan kong huwag gumawa ng ingay dahil masyadong tutok ang bawat studyante sa binabasa nila. Nagsimula muna ako sa unang counter kung nasaan ang mga history book. Nakakataba ng puso dahil kahit papaano hindi pari nakakalimutan ng mga kabataan ang mga libro katulad ko.
Sa panahon kasi ngayon puro gadgets nalang. Kapag may hahanapin lang tungkol sa assignment. Kukunin lang ang phone sa gilid, hahanapin ang google at i-click lang kung ano ang hahanapin. Ang high quality lang di'ba?
Ang astig ng henerasyon ngayon. Grade 5 palang gumagamit na ng lip balm..samantalang ako.. Bumili pa ako ng lips na candy para lang ipakulay sa labi ko.
Hindi naging madali ang naging trabaho ko. Lalo na ngayon pinagkaitan ako ng height at may hindi pa ako maabot na palapag ng nga libro. Napapasimangot nalang ako habang kumukuha ako ng upuan para lang pagtungtungan.
Nakakatawa di'ba? Sige, tawa lang. Libre naman eh.
Nakahinga ako ng maluwag nang huli na ang ilalagay kong libro pero nasa dulo pa ng mga book shelf iyon. Last naman na kaya binalik ko nalang ang cart sa dati.
Kadalasan sa dulo, walang masyadong pumupunta dahil tinatamad ang studyante magtungo dito. Talaga ano? Ayaw nilang magbawas ng fats eh.
Hindi pa ako tuluyan nakakapasok ng matigilan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang nakaupo at nababasa ng libro habang nakasuksok sa taenga ang earphone. Nakakunot pa ang noon na para bang may hindi siya maintindihan. Ewan ko ba kung ako lang. Pakiramdam ko nanumbalik ang lakas ko ng masilayan ko ang mukha niya.
Isang araw ko siyang hindi nakita kaya hindi ko maiwasan makaramdaman na.. Parang hindi ko na ulit siya kilala? Nasa point ako na kailangan ko pa alalahanin ang lahat para lang makilala siya. Bakit ganito?
Sa sobrang seryoso niya sa pagbabasa. Nakalimutan ko kung ano ba ang ginagawa ko. Hindi nakaligtas sa isip ko ang mga sinabi niya sa'kin nung huling nagkita kami. Siguro hindi niya intensyon sabihin sa'kin ang lahat ng iyon. Baka nadala lang siya ng emosyon niya tsaka baka ayaw niya lang talaga pakialam ko ang gamit niya.
Kating-kati ako kung sino ba talaga siya at parang pamilyar siya sa'kin pero bago ang lahat. Halos suminghap ako ng bumaling siya sa'kin.
Dali-dali ko iniwas ang tingin at tinuon ang pansin sa librong hawak ko. Nainis ako bigla dahil sa sobrang taranta ko ay nabitawan ko ang hawak kong libro kaya mabilis ko pinulot at hinanap ang kasunod na number niya.
Nanlumo ako! Kung minamalas ka nga naman ay nasa taas pa kung saan hindi ko maabot.
"Bwisit, ang malas ko ngayon." bulong ko.
Sinubukan ko abutin pero hindi kaya ng powers ko! Bwisit talaga!
No choice ako kundi kumuha ulit ng upuan pero bago ko pa magawa ay hinawakan niya ang braso ko. Sa sobrang gulat ko ay natigilan ako at ngumiwi sa nangyari.
Umawang ang labi ko ng pinaharap niya ako at sinalubong ng isang malapad ng dibdib niya. Hanggang balikat lang ako sa kanya kaya kailangan ko pa tingngalain siya para makita ng maigi ang mukha niya.
Tumambad sa'kin ang nakasimangot ng mukha niya at kung makatingin siya sa'kin parang may nakagawa akong kasalanan sa kanya.
Napalunok ako sa wala sa oras.
Humakbang siya papalapit sa'kin dahil hindi sa inaasahan kilos niya ay napasandal ako sa book shelf. Humigpit ang pagkakahawak ko sa libro pero nang sundan niya ng tingin ang ginawa ko at kinuha mula sa'kin.
May kung ano siya tinignan. Akala ko titignan niy tungkol saan iyon pero nang siya na mismo ang nagbalik sa pwesto ay tsaka ko lang nagets.
Bumaba ang tingin niya sa'kin at ilang saglit ako tinitigan.
" I-im sorry." sambit niya.
Nanlaki ang mata ko sa unang sinabi niya. What? Nagsorry ba talaga siya sa'kin? Pinilit ko ikunot ang noo ko pero nang uminit ang pisngi ko ay gusto ko iuntog ang sarili sa dingding.
"But you looks dwarf." mapang-asar niyang sinabi at iniwan akong nakakanganga sa sinabi niya.
Teka nga! Saan ba siya parte ba siya nag-sorry?
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Teen Fiction"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."