Kabanata 18

58 1 0
                                    

Complicated

Heart PoV.

SOBRANG gulo! Ano bang problema ni Niko ay sinabi niya yon? Napakamot tuloy ako sa batok habang nakatitig sa kanya.

"A-ano?"

"K-kasalanan ko naman if if..Aish!" inis siya sinabunutan ang sarili at malungkot na tumingin sa'kin. " M-matulog ka na." sambit niya at mabilis ako tinalikuran hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis.

"Huh?" halos tulala kong sambit. Ano ba talagang problema ng lalaking iyon? Ang gulo niya ah?

Umiling -iling na lang ako at napasulyap sa bahay ni Zach. Nagtaka ako ng biglang nagsara ang bintana sa bandang kwarto ni Zach.  May nakakalokong pumasok sa isip ko na baka sinisilip ako ni Zach pero pwepwedeng hindi rin pero bakit gumalaw iyon?

Napaisip ako ng malalim at ngayon lang napansin na masyado ng lumalalim ang gabi. Halos kilabutan ako na baka iba na 'yon! Napasulyap ulit at nahuli ko na naman gumalaw iyon.  Nagsitaasan ang balihibo sa katawan kaya dali-dali ako pumasok sa bahay at litong-lito nilibot ang paningin sa buong paligid.

Jusko inay! Baka m-multo iyon!

Hindi sinasadyang napatingin si Mama sa'kin at halos kumunot ang noo ng makita ang ayos ko.

"Anong nangyayari sa'yo babae ka?"

"M-ma! Kailangan na yata nating magpatawas!"

"Baliw kaya yata eh! Matulog ka nga bata ka!" bulyaw sa'kin ni Mama at umalis sa harapan ko.

Nako naman! Bakit ganoon si Mama? Ayoko akong paniwalaan. Pumikit ako ng mariin at mabilisan tumakbo sa kwarto at nagtalukbong ng kumot. Nanalangin pa ako hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako.

Kinabukasan masaya akong pumasok sa room at unang-una nasilayan ng paningin ko ay si Zach. Sumilay ang malaking ngiti sa labi ko ng makitang nilingunan niya ako.. Instead of na ngitian niya ako ay inirapan niya ako at mas tinuon ang paningin sa libro hawak niya.

Napatawa ako ng mahina at patagong kinilig.. Feeling ko ganyan siya magpakilig sa mga babae. Nako, huwag lang niya subukan magpakilig ng iba at talagang kukurutin ko siya sa singit!

"Hi Zachary!" sambit ko at umupo sa harapan niya.

Tahimik siya nagbasa at hindi ako pinansin. Napanguso ako at naging deadma ako sa kanya. Tumuyo ako ng konti para silipin ang binabasa niya. Nang makita naman iyon ay halos dumugo ang ilong ko ng makita kong chemistry iyon. Ano ba yan! Science na naman. Ba't ba ang hilig niya sa chemistry?

Biglang may dumaan na masamang hangin at inirapan ako. Hays.. Eto na naman tayo.

"Look who's here?" panimula ni Fayle at pinagkrus ang braso. Tumingin pa siya sa mga kasama niya. " Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hanggang ngayon nandito ka parin? Dapat nasa lowest section ka na eh."

Umiling nalang ako. " Tigilan mo nga ako." naiinis na sambit ko.

"Tigilan mo nga ako.." she mockingly saying and laughed.  Tumawa rin ang mga kasama niya.

"Hey guys!" tawag niya sa mga classmate namin. Napakagat ako sa labi ng makuha niya ang atensyon ng lahat.

"Do you believe na kaya tumagal ang babaeng pelingera na ito ay dahil sumisipsip siya sa lahat ng teacher natin?"

Nagtinginan ang lahat at sabay-sabay na umiling. Ang iba ay nagsibulungan pa habang nakataas ang kilay nakatingin sa'kin.

Nakakainis talaga siya! Ang hilig niya gumawa ng gulo! Kapag ako hindi makatimpi sa kanya..naku!!

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon