Kabanata 5

108 1 0
                                    


Picture

Heart Pov.

HINDI maalis ang tingin ko sa kanya. Nasa hapag kainan na kami pero eto ako hindi maalis ang ngiti ko sa labi at ang tingin ko sa kanya.

Masaya ako.. Lalo na nalaman ko na magkalapit lang ang bahay namin sa isa't-isa. Di ko alam kung nagkataon lang ba o sadyang maswerte lang ako. Maswerte ako ngayon dahil hindi lang ako nanaginip kundi nasa harapan ko siya ang kaso ang nakakalungkot lang dahil hindi niya ako tinatapunan ng tingin kahit isang sulyap lang.

Ganoon ba kahirapan tumingin sa isang katulad ko?

Ngumuso ako sa naiisip ko.

"Huwag ka na mahiya hija. Kumain ka lang ng kahit anong gusto mo."

Napasulyap ako kay tita Isabelle ng sitahin niya ako. Naiilang tuloy ako ngumiti dahil nakakahiya hindi ko pa nauubos ang meryenda nakahanda para sa amin.

Napa-angat ng tingin si Zach at umirap sa'kin.

Waaahhh! Bakit ganyan ka Zach sa'kin? Ang bad mo!

"Matanong ko nga hija, magkaclassmate ba kayo ni Zach?"

"H-hindi po.."

"Ah.." bulalas niya. Bahagya tumingin siya sa anak niya at nahuli ko ang palihim niyang ngiti.

" Mare tara muna pala sa labas. Nakalimutan ko may ipapakita pala ako sa'yo."

Napasunod ang tingin sa biglaan kilos ni tita Isabelle. Natataranta siya tumago at hinawakan si mother sa braso. Mabilis niya ito hinala palabas pero bago pa sila makalayo ay may sinabi pa siya kay Zach.

"Zachy anak... Ikaw muna bahala sa bisita." sambit ni tita.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tita.

"Naku, tita! Okay lang po ako."

"Tsk."

Kumunot ang noo ko ng tumingin ako kay Zach. Nahuli ko siya nakatingin sa'kin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang mapang-insulto na tingin.

"Oh sige, kayo muna bahala dyan!" sigaw ni tita bago sila lumabas.

Binigyan pa ako ni Mama ng masama ng tingin bago tuluyan lumabas kasama si Tita.

Napahugot ako ng hininga ng nilamot kami ng katahimikan. Ang kabog sa dibdib ko hindi matigi-tigil. Kinakabahan rin ako sa tuwing sumasanggi sa isip ko kaming dalawa nalang ang nasa loob ng bahay.

Sumulyap ako saglit sa kanya. Nakita ko siya tahimik na kumakain ng sand which. Hindi ko maiwasan mamangha sa kanya. Sa simpleng naging kilos niy ang lakas ng epekto sa'kin. Nanginginig pa ang kamay ko ng kumuha ako ng sandwhich at mabilis na sinubo.

Ilang beses ang naging nakaw sulyaw ko sa kanya kaya ng makita ko siya umiinom at nakatingin sa'kin ay nabulunan ako sa sobrang gulat ko.

"Ugh! Ugm..ehem."

Inabot ko ang baso ko pero nanlumo ako ng makitang walang laman na juice. Halos nagmamadali ako sa pag-abot ng pitchel. Dahil malayo ay natagalan pa ako sa pag-abot hanggang sa siya na mismo ang kumuha at sinalinan ng juice ang baso ko.

Halos kiligin ako sa ginawa niya pero bago 'yun ay mas pinili ko uminom muna ng juice kaysa kiligin!

Omy! Mamatay yata ako ng maaga nito.

" Tsk."

Hindi nakaligtas sa taenga ko ang sarkastiko sa tugon niya. Naging maingay ang pagtayo niya dahil sa mabigat na upuan kaya rinig na rinig ko 'yon.

Nataranta agad ako ng makitang aalis siya.

" Teka, saan ka pupunta?"

"Wala kang pakialam." malamig na sagot niya.

Natigilan ako pero mabilis rin nawala ng makita siya umaakyat pataas. Inubos ko ang kinakain na sandwhich dahil nakakahiya naman. Lalo nasa bahay ako ng lalaking gusto ko! Sa tuwing pumapasok sa isip ko na kasama ko siya ngayon, kinikilig ako!

Ilang hakbang palang ang ginagawa ko ay nawala na siya sa paningin ko. Ang bilis niya nawala. Nagpalinga-linga ako kung makikita ko sila Mama pero kahit saan sulok ng bahay ay hindi ko sila makita.

Hindi naman magagalit siguro sila magagalit kung sakaling umakyat ako sa pangawalang palapag, diba?

Dala ng kuryusidad ay walang alinlangan umakyat ako sa pangawalang palapag. Napanganga ako sa bawat hakbang na ginagawa ko. Ang ganda ng bahay. Mula sa pababa ay ngayon ko lang napansin ang mga paintings nakapaskil sa bawat dinding ng bahay. Halatang galing sa pinakamagaling na artist pero isa ang nakaagaw ng atensyon ko. Tinigil ko ang paghakbang sa gitna ng hagdan.

That painting, it is amazing and makes me stunned for a mean time. Glamorous. I'm speechless. Hindi ako makahanap ng tamang salita para sa painting na ito. Nakakamangha. Gusto ko matawa at magsalita pero hindi ko magawa.

Ang larawang ng isang babae habang walang tigil sa pagtulo ng luha niya at kapansin pansin ang kamay niya nakahawak dibdib niya pero ang makitang kalahati ng bahagi ng puso niya ang nawawala. Isa napakalaking palaisipan sa'kin. Siguro ang gusto ipahiwatig ang nasa larawan naibigay niya ang puso niya sa taong mahal niya pero hindi kayang suklian. Diko alam kung tama observation ko sa painting.

Mula sa kinatatayuan ko ay narinig ko ang pagsarado ng pintuan sa taas. Kaya bago pa ako malunod sariling pagkamangha sa painting ay pinilit ko umakyat. Nalito ako ng makitang ang limang pintuan. Never ko pa napasok ang bahay kaya nalilito ako kung alin ang kwarto ni Zach pero siguro naman malalaman ko rin agad diba?

Naging tahimik ang paghakbang ko. Natatakot ako na baka may makita sa'kin kahit medyo malabo mangyari iyon. Wala naman silang maid at mukhang silang dalawa lang ng mama niya ang nandito. Nasan kaya ang daddy niya?

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang hindi masyadong nakasarado ang isang kwarto.

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon