Closure
Heart Pov.
" Nak alam mo at aware ka na too much emotion ay hindi kaya ng puso mo ihandle. "
Hapon. Kakauwi ko lang sa bahay. Nakaupo ako sa sofa habang nasa harapan ko si Mama at Daddy na galit na ngayon sa'kin.
Napayuko ako ng marinig ang sermon ni Daddy sakin. Hindi ko alam na mahuhuli akong kayakap si Niko ng ihatid niya ako sa bahay.
Nanligaw siya sakin at aware akong di kaya ng puso ko pero sumugal ako. Alam ko naman pero gusto rin kasi si Niko.
" Tsaka ang bata niyo pa para maggirlfriend at boyfriend! Alam ba niyang Nikolai na yan na may sakit ka sa puso ah Heart Myra!?" hinaplos ni mama sa braso si Daddy.
Kumirot pa ang dibdib ko at naginhale at exhale pero sa kabila ngumiti parin ako.
" I like Nikolai Dad..mama. A-aware naman po ako. Sorry po kung di ko na keep ang p-promise ko sainyo ni Mama. "
Di ko na napigilan tumulo ang luha sa pisngi ko. Nagsimula ng sumikip ang dibdib ko at bahagya na ko rin kinukurot ang sariling kamay.
Sa totoo lang sinubukan ko naman pigilan pero masyado yatang pasaway ang puso ko. Gustong-gusto sumugal kahit pinipigilan ako ng isip ko na pigilan na..na tama na.
" I'm so sorry Niko pero pinapauwi na talaga ako ni Mama at Daddy. " Kinagat ko ang labi ko ng makita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Iniwas niya agad ang tingin.
" Kahit kakain lang tayo saglit b-bago ka umuwi? Ihahatid naman kita e."
" G-gusto ko rin. A-ang kaso.." saktong tumunog ring ang cellphone hudyat tumatawag na naman si Daddy.
Napatingin siya roon at bumagsak ang balikat ng makita niya si Dad iyon.
" Di ko na alam Heart. Tayo nga pero ganito naman. " Sambit niya at walang sabi tinalikuran ako.
" Niko t-teka lang!" Tinawag ko ang pangalan niya pero di niya nilingon at tuloy-tuloy naglakad palayo.
Sumikip ang dibdib ko at nangilid ang luha sa mga mata habang pinagmamasdan siya unting-unti nawawala sa paningin ko.
Di ko alam iyon na pala ang dahilan kung bakit nanlamig siya at halos di na siya lumalapit sa'kin.
" Baka...magalit si Zach d.diba nililigawan ka niya?" Tanong ni Niko nagpabalik ng reyalidad sakin.
Papalabas kami ng school at lapit na rin lumunog ang araw.
Napayuko ako at malungkot ako ngumiti sa sarili.
" O-oo pero m-mukhang malabo na y-yata. " bulong ko pero alam kung narinig niya.
Hindi siya nagsalita na. Tahimik namin tinatahak pauwi. Di ko alam kung kailan ko sisimulan ang lahat ng gusto ko sabihin pero siguro nga kailanman hinding-hindi ka magiging handa.
Alam ko nagpapakiramdam kami kung sino mauuna pero...
Pumikit ako ng mariin at ilang beses lumunok bago magsimula.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Teen Fiction"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."