Nakaraan
Heart Pov.
Hindi mapakali habang inaabangan na pumasok sila Zach. Hanggang ngayon kasi hindi parin dumadating sila galing sa guidance. Napasama yata ang away nila at hindi ko alam kung ano problema ni Niko at mainit na ang ulo kay Zachary.
Napasulyap ako sa orasan. Malapit na ang dismissal. Ano kaya sinasabi sa kanila ni Mr. Ramos? Ipapasuspende kaya sila? Nako, sana huwag naman. Kung bakit kasi ang init init ng ulo ni Niko pati si Zachary dinadamay. Naguguluhan rin kasi ako sa mga kinikilos niya. At alam kong may kinalaman ako roon.
Tumunog na ang bell hudyat dismissal na. Sabay-sabay nagsitayuan ang mga classmate ko at masayang nagkwukwentuhan. Nagpakuha ng atensyon namin lahat ng padabog na tumayo si Fayle at pumunta sa harapan ko.
Pinagkrus niya ang dalawang braso at pinagtaasan ako ng kilay.
" Ang epal mo talaga." inis na sambit niya. Napairap na lang ako sa isip ko at hindi na lang siya pinansin. " Look at me." utos niya pero hindi ako tumingin. Bahala ka sa buhay mo.
Napailing na lang ako at pagod na sumandal sa upuan. Napanguso na lang ako habang inaabangan ko si Zach na dumating.
She laughed wickedly. " Tigas din ng bungo mo, ano? Akala mo ang ganda-ganda mo. Ni wala ka ngang maipagmamalaki. Miski talino wala ka."
Kumulo ang dugo ko sa narinig. Gosh, kalma lang Heart. Huwag mo na patulan baka umiyak pa.
Naging tahimik ang buong room dahil halos lahat ay nakalabas na. Naiwan na lang ay ako at ang alagad ni Fayle.
Huminga ako ng malalim. Talagang paboritong libangan ni Fayle ang makipag-away. Hobby niya at walang araw ng hindi niya nagagawang mangbully.
Kaya kaya magsasawa ang babaeng ito?
" I said look at me!" she shouted.
Napaigtad ako ng bigla niya hampasin ang table ko na siyang dahilan kung bakit napatingin ako. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya at bakas sa mukha niya ang galit.
"Salamat naman nakuha ko rin yan atensyon mo babae ka." matalim siya tumingin sa'kin. " Slut. Sobrang landi mo. Siguro naman masaya ka na nasa guidance office ngayon si Zachary."
" Sino naman nagsabi sa'yo niyan? Pakisabi nga ang galing niya manghula. " I asked.
Napaawang ang bibig niya sa naging sagot ko. Nangisi na lang ako at mapang-asar na umiling sa harapan niya.
" Aba't----malandi ka! Hindi ka makontento sa isa. Talagang gusto mo dalawa-dalawa. Anong akala mo porket pinagtanggol ka ni Zachary may feeling siya sa'yo? Asa!"
"Bakit sinabi ko bang magugustuhan niya ako? Ano bang kinagagalit mo? Kung natapakan ang pagkababae mo dahil sa pag-reject sa'yo ni Zach. Aba, labas na ako doon! Ikaw huwag umasa."
Naiinis akong tumayo at kinuha ang bag ko. Tinignan ko siya ng masama at hindi sagabal ang pagiging maliit ko para sadyain na bungguin siya.
"Tsk."
Umawang ang bibig niya sa inasta ko lalo na ng mataray kong pinitik ang buhok sa harapan nila. Naiiling akong lumabas at napagdesisyon na hintayin na lang sa waiting shade si Zach. Tutal magkalapit lang ang mga bahay namin kaya wala naman siguro masama kung sabay kaming umuwi.
Mag-isa akong umupo sa waiting shade at inabangan si Zach. Nakita ko ang inis na inis na mukha ni Fayle habang papalapit sa sundo niya. Napatawa ako mag-isa lalo ng napagawi ang tingin niya sa'kin at inirapan ako.
Papansin talaga.
Binaling ko ang atensyon ko ng makita ko si Zach papalapit. Napangiti ako ng maluwag lalo na patungo siya sa may gawi ko pero tila umatras ang dila ko ng sumalubong sa'kin ang hindi maipinta niyang mukha. Mabilis ako napalunok habang pinipilit kong ibalik ang ngiti sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Teen Fiction"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."