Kabanata 27

52 1 0
                                    

Selos

Heart Pov.

Napapikit ako ng mariin ng pagkatapos ng ilang araw ay nakahiga na ako sa sarili kong kama pero ibang iba parin ang kasiyahan ang naramdaman ko sa mga nagdaang araw na kasama ko si Zach. That's was memorable to me. Hindi ko lubos akalain na hahayaan ako ni Zach na makasama siya. His mother was amazing too. Tita let me to be with her son. 

Minsan pakiramdam ko gusto niya ako para sa anak niya.

I'm so glad.

May ngiti parin sa labi ko ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Wala pa sana akong balak bumangon pero nang marinig ko ang pangalan ay napabalikwas ako.

" Si Niko nandito." malamig na sambit ni Mama.

Anong ginagawa na naman niya dito?

Wala akong nagawa kundi bumangon at bumabab para harapin siya. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa'kin ang ngiti ni Niko.

Tamad ko siyang tinitigan. " Anong ginagawa mo dito?"

" I miss my shortlegged girl. Ilang araw kang wala sa bahay niyo tas absent ka pa ng isang oras. What happened?"

Humakbang siya palapit sa'kin kaya mabilis ako humakbang palayo. Natigilan siya at nagtiim bagang sa inakto ko.

" Umuwi ka muna. Pagod ako."

He smiled wickedly. Tumalim ang tingin niya sa'kin." Tsk. Hindi mo pa sabihin ayaw mo lang ako makita hindi yung tinataboy mo-"

" Alam mo naman pala eh." inis na sambit ko.

Nawala saglit ang iritasyon sa mukha niya pero hindi siya sumuko.

" Look. I don't want to lose our friendship. "

Naningkit ang mata ko at hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi magtiwala sa kanya. Di ko alam pero simula ng mag-iba ang kilos ni Niko nang dahil kay Zach parang hindi ko maiwasan manghinala sa kanya at yung panghihinala kong iyon ay hindi ko maintindihan.

" I doubt you and I don't know why." iniwas ko ang tingin sa kanya.

Hindi ko napigilan tumingin sa gawi ng bahay ni Zachary. Nagulantang ako ng magtagpo ang paningin namin dalawa. His eyes was dark. He looks so pissed. Kusang umawang ang bibig ko ng inirapan niya ako bago tumingin kay Niko.

Napalunok ako sa klase ng tingin niya kay Niko na para bang handa itong suntukin anytime.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Niko ang kamay ko. Mabilis ko hinila iyon pero hindi ako nakawala.

" Look at me Heart." ma-awtoridad na utos sa'kin.

Ayoko sana siya tignan pero wala akong nagawa kundi samaan siya ng tingin. Pinagtaasan ko siya ng kilay at hinigit ang kamay ko pero masyado siyang malakas.

" Ano ba Niko! Hindi ka na nakakatuwa." bulyaw ko.

" Heart huwag ka magtiwala dyan kay Zach. P-please trust me he just using you as his revenge--"

" Let go her hand." may madiin na boses mula sa likod ni Niko.

Kahit hindi ko lingunin iyon ay kilalang-kilala ko ang boses ni Zach. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong nasa likod siya ni Niko.

Nilingunan siya ni Niko at nagulat ako ng bigla sinugod ito ng suntok. Halos napasingkap ako ng mapaupo si Zach sa sahig kaya bago pa masundan ng isa pang suntok si Zach tinulak ko si Niko kaya napaupo rin siya sa sahig.

Inalalayan ko agad si Zach makatayo. Hinawakan ko ang mukha niya at nakita kong pumutok ang gilid ng labi niya dahil may bahid na ito ng dugo.

Nag-alala ko ng maiigi lalo ng walang emosyon nakatitig sa'kin si Zach at tinanggal ang kamay kong nakahawak sa mukha niya.

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon