Love letter
Heart Myra Dela Cruz Pov.
TUMINGIN ako sa buong paligid at siniguradong walang makakakita sakin kung sakaling buksan ko ang locker ni Zachary my loves! Nang masigurado kong wala at mabilis akong tumakbo sa pinakadulo. Nasa dulo kasi ang locker niya kaya kailangan ko magtungo ng mabilis.
Doble-doble ang kaba ko nang nakarating ako. Nagpalinga ako sa buong paligid bago siniksik sa ilalim ng locker ang love letter na ginawa ko para sa kanya. Sobrang excited akong mabasa niya! Kaya sana mabasa niya talaga!
Isa..dalawa. tatlo.-shoot pasok!
Nakahinga ako ng maluwag ng mailusot ko ng wala nakakakita sakin. Sobrang saya ko! Nang makontento na ako ay pasimple akong naglakad patungo sa classroom. Pero hindi ako nakakalayo ng makita ko siyang patungo sa pinang-galingan ko.
Kinabahan ako dahil alam kong sa locker ang tungo niya. Tumingin ako sa gilid ko kung may pagtataguhan ako pero nang makita kong wala ay mas nakaramdam ako ng pagtaranta.
Pumikit ako saglit at inayos ko ang sarili ko. Nang maramdaman ko ang confident sa sarili ko ay taas noo akong naglakad.
Pasimple akong tumingin sa kanya pero nang makita kong hindi siya nakatingin sakin ay halos sumimangot ako. Kahit kailan talaga! Wala man lang siya pakialam sa paligid niya. Pero sa kabila ng lahat n'un ay hindi ko maiwasang humanga sa pagiging seryoso ng personality niya.
Huhu! Ang gwapo-gwapo talaga niya! Ang sarap angkinin!
Nang makasalubungan kami ay nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Suminghap ako ng irapan niya ako. Ngumuso ako.
Pati ba naman yun ang gwapo niya tignan. Ayannn...
"Tsk."
Natigilan ako sa paglalakad at bahagya pang nakatunganga sa harapan. Napahawak ako sa dibdib ko ng tumibok ng mabilis ang puso ko. Grabe, simpleng ekspresyon lang ng binibigay niya, ganito agad ang epekto niya sakin.
Abnormal yata 'tong puso na ito eh!
Pinipigilan ko ngumiti ng lingunin ko siya. Saktong kakabukas palang ng locker niya nang tumingin ako sa kanya. Nahulog yung love letter na inilagay ko sa locker niya. Kitang-kita ko kung papaano kumunot ang noo niya kaya hindi ko napigilan ngumiti.
Dahan-dahan niya pinulot at tinignan ang sulat sa likod. Syempre hindi ko nilagay ang pangalan ko sa likod. Saka niya lang makikita kapag binasa niya ang sulat ko para sa kanya.
Whaaaa! Ang galing ko talaga!
Maya-maya lang ay napawi ang ngiti ko ng itapon niya basta-basta iyon. Parang dinurog ang puso ko dahil sa ginawa niya!
Nakaramdam ako ng inis at galit sa ginawa niya! Kaya hindi ko nawalan napasigaw ako sa kanya.
"Hoy!"
Taka siyang tumingin sakin. Nakunot ang noo niya pero alam kong sinusuri niya ako. Naging blangko ang ekspresyon niya ng makilala niya ako.
Dapat lang talaga na makilala niya ako! Bakit ba siya ang sama niya! Ang tagal-tagal ko ng nagbibigay sa kanya ng love letter at ngayon ko lang nakita na ganito pala ang ginagawa niya sa dati kong love letter. Huhu, hindi katanggap -tanggap ang ginagawa niya!
"Sino ka ba?" ramdam ko ang lamig sa boses niya. Nanlumo ang damdamin ko sa paraan ng tingin niya.
Ang lamig talaga, kulang nalang magyelo ang buong katawan ko!
"B-bakit mo naman tinapon basta-basta yung sulat ko para sayo?"
Nandidiri siyang tumingin ulit sa love letter ko bago matalim na tumingin sakin.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Teen Fiction"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."