Kabanata 23

48 2 0
                                    

Hiking

Heart Pov.

KUNG wala lang nakakakita sa amin ay mas tinagalan ko sana ang paghawak sa mukha niya. Napaseryoso pa naman siya. Bumalot ang katahimikan sa amin dalawa. Halos itikom ko ang bunganga ko sa sobrang hiya ko. Nakaupo ako sa tabi niya habang malayo ang tingin. Sila mama hindi parin nagsasawa sa kakaligo at halos liparin na ng hangi  ang buhok. Minsan tumatawa ako kapag nakikita kong umasta sila Mama at Papa na parang bata.

Pero kusa naglaho ang ngiti sa labi ko ng may biglang pumasok na imahe sa isip ko. Napahawak ako ng konti sa laylayan ng damit ko ng kumirot ng ulo ko.

May isang lalaki at babae. Masayang naghaharutan at naghahabulan sa tabi ng dalampasigan.

Naningkit ang mga mata ko ng saglit lamang nagpakita iyon. Samahan pa na sobrang labo ng mga mukha nila. Nawiwirduhan ako kung bakit may naalala ko na alam kong hindi ko pa naman ginagawa o nangyayari sa buhay ko.

Napahawak ako sa batok at inalog ng konti ang ulo. Ano naman ba nangyayari sa'kin?

"There's something wrong?"

Nagulantang ako na lumingon kay Zachary. Hindi ko lang inaasahan na siya magbubukas ng topic sa amin dalawa. Napangiti ako sa kanya at mabilis na umiling.

" Huwag ka mag-alala kaya ko naman i-handle. May naalala lang ako n-na hindi sigurado kung nangyari ba sa'kin o hindi."

Para kasing totoo eh.

Tahimik siya tumungo. Nang muli akong lumingon sa kanya ay naabutan ko pa itong nakatingin sa'kin. Napakurap ako ng ilang beses sa harapan niya. May dumi ba ako sa mukha niya?

Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi ko.

"Ang ganda ko noh?" asar ko sa kanya.

He raised his eye brow and he did not remove his eyes on me. Napalunok ako ng hindi man lang siya nagsalita. Uminit ang pisngi ko sa malaman nakatitig siya sa'kin.

My..my..my.. Nakatitig talaga siya sa'kin! Dapat naglagay man lang ako ng liptint para halikan niya ako.

Napanguso ako sa naisip.

" You're beautiful enough and he should be contented but he still cheated you." makahulugan na sambit niya.

Bigla ako naguluhan. Cheated? Him? Sino yung tinutukoy niya.

" Ano?" ulit ko sa kanya.

"Psh. Ang panget mo."

Napaawang ang bibig ko ng simulay muli ang ngisi sa labi niya pero imbes na pagpantasyahan ko siya ay may narinig akong hindi kaaya-aya sa pandinig ko.

Panget ako? Wow. Wala kayang panget sa mundo. God created us and he knows the best kaya ganito ang binigay niya sa'tin. But there's a people still not contented for what they are.

Kung iisipin mabuti. May mga tao rin judgemental kaya hindi talaga maiiwasan iyon.

Inirapan ko na lang siya at lumingon sa likod ko. " Gusto ko maghiking ngayon." sambit ko. " Pero gusto kita kasama." paki-usap ko sa kanya. Hindi na siya nakatingin sa'kin.

Nakatitig ang mga mata niya kung saan-saan tulad ng paglipad na naman ng isip niya. Swear. He was thinking about her again. Malungkot na naman kasi ang mga mata niya.

Hudyat na bumigat ang dibdib ko. Kailan kaya siya makakaahon? Alam kong mahirap makabangon mula sa pagdurusa but he deserve to be happy!

"Zach..."

"Let's go."

Napatingala ako sa kanya ng bigla siya tumayo. Bahagyang nakatigilid siya sa'kin pero nagawa niyang ilahad ang kamay sa harapan ko. Napatitig ako roon na halos hindi ko inaasahan gagawin niya!

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon