Back
Heart Pov
SOBRANG laki ng ngiti ko sa labi habang tinitignan ang sariling repleksyon sa salamin. Sobrang espesyal ngayon araw. Birthday kasi ni Zachary ko tapos yung puso ko ay nagsasaya rin tulad ko.
Nakasuot kasi ako ng yellow dress na hanggang tuhod at sleeveless siya. Naglip tint rin ako para naman gumanda ang mukha ko. Ang putla kasi. Nakalugay rin ang buhok ko.
Napunta ang tingin ko sa kama. Lumaki lalo ang ngiti ko dahil nakita ko ang nakabalot na regalo ko sa kanya.
Lumapit ako roon at kinuha. Wala sariling niyakap ko ito.
" Sorry Baby Zach ah. Kasi sinadya talagang di kita binati. Hihi. " Bulong ko sa sarili.
Sinadya ko talaga. Ba naman ngayon araw ko rin siya sasagutin. Iniisip ko palang na kami na bukas e kinikilig na ako ng sobra.
Hinayaan ko ang sarili ko humiga muna sa kama ko at napatitig sa kawalan. Hapon. Papalubog na ang araw. Ang handaan kasi ni Zach ay pangdinner at request niya iyon. Buong hapon yata akong di nagpakita sakanya at kanina ko pa tinatanong ang sarili ko kung hinahanap niya ba ako.
Pwede rin kasing hindi pwede rin oo.
Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Di sinasadyang nahawakan ko ang peklat ko sa gitna ng dibdib. Natigilan ako at bigla ako bumangon. Lumapit agad ako sa harapan ng salamin.
Umawang ang labi ko ng bakas na bakas rin yung peklat. Minsan nagpapasalamat ako kasi may mabait na tao nagdonate ng puso niya para sakin.
Hindi ko nga kilala kung sino ang mangyayari ito. K..kung..masaya ba siya nasa akin ang puso niya na...Gusto ko rin kasi magpasalamat kahit sa pamilya niya.
They give me second life. Gusto ko mabuhay ng maayos para naman di ko sila madisappoint.
Kung sino man ang may ari ng puso ay ipapangako ko sakanya na aalagaan ko ang puso niya.
" Heart halika na! Aalis na tayo!" sigaw ni mama sa baba.
" Sige ma susunod na. "
Ngumuso ako sa salamin bago ako nakontento sa itsura mukhang tao.
Kinuha ko na ang ireregalo kay Zach tsaka bumaba. Nagtaas agad ng kilay si Mama pero may multo na ng ngiti sa labi.
" Ayos anak. Mas maganda kang tignan ngayon. "
" Nge. Ngayon lang?" Tumawa ako at pinulot ang braso sa baywang niya. " Mama..dapat lagi niyo sinasabi na maganda ang anak niyo kasi maganda rin yung nanay. " lambing ko.
" Aysus palusot. "
Natatawa kaming lumabas at napansin na ang dami ng sasakyan sa tapat ng bahay nila Zach. Tahimik rin mula sa loob pero sa tingin ko ganyan naman lagi ang pamilya nila. Di ko rin alam kung nagimbita si Zach ng classmate namin e. Iniisip ko palang si Fayle sa loob ay napapairap nalang ako.
Kumatok muna kami kaya ilang minuto lang bumukas. Si Isabella ang nagbukas ng pintuan.
Imbes na ngiti ay malungkot na mukha ang sumalubong pero mabilis rin ngumiti pagkakita samin. Lalo ng dumapo ang mga mata sa'kin." Good evening tita."
" Magandang gabi rin nak at kumare..halika p-pasok kayo. " aniya.
Ayaw ko sana pansinin pero nakita ko naman sa loob na may tao at kumakain na rin. Basta handaan talaga walang hintayan.. first come first serve a.
" Tita si Zach po?"
Nalibot ko yata lahat di ko makita si birthday boy.
" Ah...may kausap lang nak. B-babalik rin iyon. " Sabi ni Tita at dinala kami sa lamesa.
May tao rin doon at mag-asawa. Kahit din sila ay may bakas na lungkot pero nang makakita ng tao ay ngumiti rin.
Kumirot ang dibdib ko. Parang pamilyar kasi sila.
" Kumare. " boses ni mama iyon. Nilingon ni Tita Isabella at nagtaka na ako ng nagtinginan nilang lahat.
Weird.
Binalewala ko nalang ang nararamdaman ko at ngumiti ng malaki.
" Diba birthday naman ngayon ni Zach bat parang ang lungkot lungkot ngayon?" bulong ko pero alam ko narinig nila.
" Heart. " Babala ni Mama.
" D-di naman hija. S-sige na kain ka muna babalik rin si Zachary mamaya. "
Pumait ang pakiramdam ko sa word ng babalik parang may mali kasi. Baka di na ako balikan ni Zach kasi sobrany ganda ko ngayon. Charot. Haha
Makapal na sumandok ako ng ulam na kaldereta, pancit at kain. Alam ko nakamasid silang lahat sa'kin pero hiyaan ko na kahit may mali nagaganap ngayon. Ang kaba rin sa dibdib ko ay hindi kaba dahil sa saya kundi kaba dahil may hindi maganda nangyayari sa loob ng bahay na ito.
" Y-you are really grown up pretty hija. "
Nag-angat ako ng tingin at alanganin ngumiti.
" Salamat po m-ma'am. "
Nakatitig pala silang dalawa sa'kin.
" H-hija--"
" M-mom. " may tumawag sa atensyon nila.
Tumigil ako sa pagsubo at nilingon ang nagsalita. Siguro anak nila ito at... Nanginig ang buong katawan ko sa pagpakita sa taong iyon. Para akong nakakita ng multo. Imposible kasi kasi tegi na siya pero bakit n-nandito siya ngayon sa harapan ko.
" J-jasmine. " Sambit ng ginang sa pangalan niya.
Mas lalo umawang ang labi ko at naging mabigat ang dibdib ko ng makita ko sumunod na si Zach na kanina pa hinahanap ng puso.
" Z-zachary. " tawag ko sa pangalan niya at doon lang yata napansin narito.
K-kapag yata di ko pa siya tinawag ay hinding-hindi niya ako mamapansin dahil ang buong atensyon niya ay nasa babaeng nasa harapan niya at umiiyak mula sa bisig ng mga parents niya.
Nagtama ang paningin namin dalawa. Isa..dalawa..tatlong segundo bago niya iniwas ang tingin sa'kin. Walang irap kundi ang namumula at pagod na mata niya ang kusa umiwas bago ito tumingin sa taong di parin ako makapaniwala nandito.
Parang naghahati ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Kasi...yung mga mata ni Zach ay kusang lumalambot ng wala ginagawa ang taong iyon. Hindi lang iyon.
I saw how his eyes longing because of her. She's back.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Teen Fiction"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."