Iba
Heart Pov.
NAWALA ang ngiti sa labi ko ng makasalubong ko si Niko sa daan. Actually hinarangan niya ako. Napapikit na lang ako sa inis dahil sa ginawa niya.
" Pwede ba Niko huwag mo tuluyan sirain ang araw ko?" inis na sambit ko sa kanya. Nasira na nga ang araw ko nang dahil sa Fayle yan tapos tutuldukan niya at tuluyan sirain? Yung totoo? Umiling na lang ako at inirapan siya.
"P-pansinin mo naman ako." sambit niya at halos magkaawa na siya sa harapan ko. Ewan ko ba pero naawa agad ako sa kanya. Umiwas ako ng tingin at napanguso. Walang sabi sabi inabot ko sa kanya ang dala kong libro.
Tumingin siya roon at alinlangan na kinuha iyon. " I don't want to ruin my day." tumawa ako ng mahina." Yan napaenglish tuloy ako haha." naiinis ko siyang sinuktok sa braso." Tara na samahan mo ko sa library may sasabunutan ako." nagitgit ang labi ko ng maalala ko ang nangyari kanina.
Naiinis ako kay Ma'am! Alam kong matalino talaga si Zach pero bakit si Fayle pa ang pinili ni Ma'am para maging partner sa quiz bee? Eh, pwede naman ako. Kahit di naman ako matalino, mag-aaral ako ng maigi.
" I'm sorry my short legged."narinig kong tugon ni Niko.
Kunot noo akong bumaling sa kanya. Ilang araw na akong dududa sa kanya. " B-bakit ka ba nagsosorry?" nang hindi ko matiis ay nagtanong ako.
Mabilis siya umiwas sa'kin at hindi umimik. Hindi ko na siya pinansin pa lalo ng makita ko si Zach na kasama si Fayle. Tahimik na nagbabasa si Zach samantalang ang babaeng malandi ay kinakausap si Zach na mukhang hindi interesado. Napangiti ako sa simpleng pang-ismid sa kanya ni Zach. Bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla siya bumaling sa pwesto ko ay lumambot ang mukha niya pero ng makita kong tumingin siya sa likod ko ay umaasim ang mukha at tumalim ang tingin.
Kahit hindi ako tumungin ay alam kong si Niko ang nagpasama ang timpla niya. Napailing na lang ako at tumingin kay Niko at nahuli ko rin masama ang tingin na pinupukol kay Zachary.
" Niko." tawag ko sa atensyon niya. Mabilis siya lumingon sa'kin. Nawala na rin ang talim ng tingin niya at pumungay iyon.
" Heart."
Ngumiti ako ng tipid sa kanya at kinuha ang libro sa kamay niya. " Salamat sa pag-sama sa'kin. " sambit ko. Mabilis ako tumalikod sa kanya pero kaagad niya nahawakan ang braso ko. Takang tumingin ako sa kanya. " B-bakit?" tanong ko. Bumalatay ang lungkot sa mukha niya." Tulungan kita--"
Umiling agad ako at pinutol ang balak niyang sabihin. " Di na." sambit ko. " Kaya ko okay? Umalis ka na tsaka di'ba may practice kayo ngayon sa basketball?" tanong ko at tumingin sa hand watch ko. Mag-aalauna na pala.
" Makakapaghintay parin naman--"
" Kahit na." sumbat ko at mabilis siya nilayasan. Yakap-yakap ko ang libro habang tinatahak ang lugar kung saan nakalagay ang mga libro. Huminga ako ng malalim at hindi tumingin sa gawi nila Zach kahit alam kong nakatingin siya ngayon sa'kin ay pinipilit kong maging mahinahon. Pilit na pinapakalma ang sarili kahit halos manginig na ang binti ng sundan niya ako ng tingin.
Ano ba Heart kalma lang. Kalma ka lang. Maging mahinahahon ka lang. Easy huwag masyadong easy to get.
"Myra."
Nagulat ako at sa sobrang panginginig ng kamay ko ay nahugot ko ang librong hawak ko at nahulog iyon sa paa ko. Halos napadaing ako sa sakit ng tumama iyon.
" Aray-aray aray!" daing ko at napaupo para hawakan ang daliri ng paa ko. Shete kahit nakasuot ako ng sapatos ay masakit parin!
" Tanga ka talaga." imik ni Zach sa'kin. Mabilis ako napaangat ng tingin at sinamaan siya ng tingin. " Malamang ginulat mo ko! Alangan naman sumayaw ako sa harapan mo." inis na sambit ko at pinulot ko ang librong nabitawan ko. Ngumisi siya sa'kin at humakbang palapit.
Halos suminghap ako sa biglaang paglapit niya sa'kin. Nanlalaki ang matang humakbang ako palayo sa kanya pero tumigil rin ng mapasandal ako sa bookshelf. Umangat ang gilid ng labi niya at pinatong ang kamay sa gilid ng ulo ko. Yumuko siya ng konti at alam kong konting galaw ko na lang ay mahahalikan ko na siya.
Sheetttt. Ano bang ginagawa ni Zach sa puso at ganito makareact.
" What?" aniya. Halos nararamdaman ko ang hininga niya sa mukha ko at ako lang na o ang bango talaga ng hininga niya.
" L-layo ng konti." nauutal na sambit ko. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib niya at mahina siyang tinutulak. Umawang ang bibig niya at bumababa ng tingin niya roon. Halos napapaso kong binaba iyon at ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi lko.
" Namumula ka." akusa niya.
Kahit nanghihina ay nagawa ko parin umirap. " M-malamang." umiwas ako ng tingin at napasinghap ko ng maramdaman ko ang labi niya sa pisngi ko. Hindi lang isang beses dumampi iyon kundi dalawa!
" Omyyy" bulong ko.
Narinig kong tumawa siya ng mahina at mas nilapit ang katawan sa'kin. Napahigit ako ng hininga at hindi ako makagalaw. Konting-konti na lang at mali lang ang galaw ko mahahalikan niya ako.
Walang umimik sa aming dalawa at sobrang higpit ang kapit ko sa librong dala ko na para bang nakadipende ang lakas ko roon.
" Heart." isang galit na boses ang napatigil sa'kin at nawala sa isip ko ang lumingon pero hindi pa ko tuluyan napapalingon ng lumapat ang labi ni Zachary sa labi ko. Bilog na bilog ang mata kong nakatitig kay Zach na nakapikit ngayon habang ang labi niya ay na sa'kin. Labis labis ang kabang naramdaman ko lalo ng nawala sa harapan ko si Zach at nakwelyuhan na ni Niko.
Marahas na sinandal ni Niko si Zach sa isang bookshelf at halos gumalaw iyon lalo ng mabilis ang naging kilos ni Niko. Mga ilang minuto akong hindi nakaimik pero ng makita ko ang labis na galit ni Niko dahil namumula na rin ang taenga nito.
" Tang-ina kung gumaganti ka. Itigil mo na!" mahina pero alam kong may diin ang bawat salita niya.
Pasalamat na lang ako at tago ang pwesto namin kundi mapapagalitan kami wala sa oras.
Nang makita kong nakaangat ang kanang kamay ni Niko para suntikin si Zach ay nakakilos na ako.
" Let him do it.. Let him show you how his attitude work." tumingin sa'kin si Zachary at wala akong nabasa na kahit anong emosyon sa mukha niya.
Nakaramdam ako ng takot sa klase ng tingin niya sa'kin. Kinagat ko ang labi ko.
" N-niko." tawag ko sa pangalan niya. Mabilis siya lumingon sa'kin. Lumambot ang ekspresyon sa mukha niya ng makita ang takot sa mukha ko..
" H-heart." sambit niya. Napapikit ako ay nagkinuyom ang kamao. Pagmulat ko ay alam kong tumalim ang tingin ko sa kanya dahil sa galit na nararamdaman.
Umawang ang bibig niya at mabilis na binitawan si Zach. Napatingin ako kay Zach ng inayos niya ang kanyang polo at walang emosyon nakatingin sa'kin.
Plain..cold. I hate seeing it.
Napaiwas ako ng hindi ko makayanan makita ang lamig sa mga titig niya na para bang bumalik ang dating Zachary na walang pakialam.Muli nakikiusap akong tumingin kay Niko.
" P-pakiusap ko sa'yo huwag ka muna manggulo." tugon ko. Humakbang siya palapit sa'kin pero mabilis ako lumayo sa kanya. " H-huwag kang lalapit. " ilang beses akong umiling. " H-hindi kita maintindihan..nag-dududa na ako sa mga naging kilos mo..."
Kinagat ko ang labi ko ng dumaan ang sakit sa dibdib ko ng mapagawa ang tingin ko kay Zach. Tulad kanina ay wala paring pinagbago at....nasasaktan ko.
" Huwag ka ng lalapit sa'kin simula ngayon. I hate you Nikolai." inis na sambit ko at walang sabi-sabing tinalikuran silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Novela Juvenil"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."