Sa huli....
Heart Pov
Siguro nga may mga bagay tayo na gusto natin mangyari pero sadyang di lang nangyayari. Kasi baka hindi pala ito para satin.
Kumbaga lahat nangyayari sa buhay natin para may matutunan tayo. Maramdaman masaktan. Magmahal. Tumawa. Maging masaya at malungkot. Lahat iyon may dahilan. Alam ko sa lahat ng iyon ay may natutunan tayo.
Ang isa sa mga natutunan ko ay maging mapalaya. Ngumiti kahit sa loob-loob mo wasak na wasak ka na.
Di ko alam kung paano ko natutunan ngumiti kay Niko kahit masakit rin para sakin putulin ang lahat ng pinagsamahan namin pero alam kong may dahilan.
" Salamat Niko. " Sambit ko nang mahatid niya ako sa bahay namin.
Napakamot naman siya sa batok at nahihiyang nag-angat ng tingin. Namumula parin ang mga mata niya. Bakas na umiyak siya pero nasasalamin rin ang ekspresyon ko sakanya.
" No, Heart. A-ako dapat ang magpasalamat sayo. " Lumalam ang mga mata niya at lumapit sakin.
Napangiti rin ako at tumitig sa kanya ng maiigi. Inaalala ko kung papaano ko nagustuhan siya noon kung sabagay sino ba hindi siya magugustuhan? Eh, ang sweet sweet ng ngiti niya. Para bang mahuhulog ka agad. Mabait pero sablay nga lang sa pagiging loyal kaya sana di niya na umilit.
" Niko...Huwag ka na magcheat ah?" paalala ko na nagpawala ng ngiti sa labi niya. " Don't repeat the history itself. Dapat aalagaan mo at mamahalin mo siya. "
Naglipat-lipat ang paningin ni Niko sa mga mata ko at ngiti sa labi ko. Bago dahan-dahan bumalik ang ngiti sa labi niya.
" Pangako. " Bulong niya.
Tumungo ako at muli ay niyakap siya. Di ko alam kung nasa loob na ba si Zach kasi kanina pa siya sumusunod samin.
Nagpaalam na rin kami dalawa sa isa't-isa at pumasok ako sa bahay ng hindi na lumilingon pabalik sa likod ko. Kahit papaano gumaan ang dibdib ko pero nandito parin ang bigat pero sa kabila noon ay nagawa ko parin makatulog.
Bukas na bukas ay siya naman kakausapin ko.
" Musta pakiramdam mo anak?"
Nagangat ako ng tingin. " Okay lang ma. "
" Tumawag kanina Daddy mo. Kinakamusta ka at sabi niya malapit ng ma-approve ang mga papeles natin. "
Doon nakuha ang atensyon ko. Ngayon ko lang naalala na inaayos nga pala ni Daddy ang pagtira namin sa Canada.
" A-ah...edi maganda po ma para makasama na natin si Daddy. Miss na miss ko na po siya. "
Dumaan ng matindi pangungulila ko para sa ama ko. Kung di pa banggitin ni mama na doon na kami titira ay never papasok sa isip ko iyon.
Tumaas ang sulok ng labi ko ng magtama ang paningin namin ni Niko na sinuklian rin agad. Okay naman kami pero siguro di ko maalis samin dalawa ang awkward.
Sa kabila noon ay di ko napigilan tumingin sa kabilang room. Ang ngiti ko ay pilit parin nanatili ng naabutan kong ang nga tingin sa'kin ni Zachary.
Walang kupas parin napapabilis niya ang tibok ng puso ko. Halos nagwawala ito ng may dumaan emosyon sa mga mata nawala rin ng pumunta si Jasmine Marie sa harapan niya kaya naputol ang pagtitinginan namin dalawa.
Huminga ako ng malalim at pagod na pagod na sumandal sa upuan. Bumigat ng matindi ang dibdib ko.
Hinding-hindi talaga siya magiging kami.
Ilang araw ang tiniis ko na bago dumating ang weekends. Wala akong lakas ng loob na kausapin si Zach pero ngayon ay nagpasya ako kausapin siya.
Kasi alam ko never akong magiging ready kung di ko pipilitin kausapin siya ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/133157695-288-k650273.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Teen Fiction"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."