Dakilang kabit bahayHeart POV
NAPABALIKWAS ako sa hinihigaan ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Kumunot ang noo ko at napakamot sa batok ng makita ko ang malaking ngiti ni Mother.
Anong trip niya at ganyan siya makangiti ngayon?
"May nakain ka ba Mother at ganyan ka makangiti?" takang tanong ko sa kanya.
Umiling siya at lumapit sa aparador ko kung nasan ang mga pang-alis na damit ko. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya.
Psh. Kapag ganitong kinikilos niya sabi ni Daddy kailangan daw namin dahil mental hospital. Baka nababaliw na naman.
Napatawa ako sa isip ko. " Ma, need my help? Baka kailangan dalhin kayo sa mental hospital. Alam mo na po baka sinusumpong na---ARAY!"
Napapikit ako sa sakit ng hampasin niya ako ng hanger. Putek! Ano ba talaga ang trip niya sa buhay?
"Mama naman ang sakit kaya." reklamo ko sakanya.
Pinagtaasan niya lang ako ng kilay at nilapag sa kama ang kulang pink na off dress ko. Napanguso ako at tumingin kay Mama. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Ano po gagawin ko dyan? Ipapamigay niyo ba?"
Mabilis na dumapo ang hanger sa ulo ko. Iiwas sana ako kaso ang bilis ng kamay niya. Bilib din ako instinct ni Mother.
Bwahahahaha.
"Magbihis ka pupunta tayo sa kabilang bahay." utos niya.
Pinilig ko ang ulo ko. Sa kabilang bahay? Teka, wala ngang tao doon paano kami makakapasok? Tsaka may nakatira ba doon?
Napasulyap ako kay Mama, bumalik na ang kaninang ngiti sa labi niya. Ang bilis naman niya magbago ng emosyon.
"Ayoko! Wala naman tao doon eh." angal ko.
Bumalik ulit ako sa pagkakahiga sa kama at nagtalukbong ng kamot. Ang aga-aga sisirain niya ang araw ko. Kung gusto niya maki-sismosa sa kabit bahay. Naku, huwag niya ako isama dahil hindi ako active dun.
Lovelife ko nga hirap na hirap ako ibahon mula sa pagkaka-amag eh ang pagiging sismosa pa kaya? Heller. Tsk.
Nagitla ako ng hilain niya ang kumot ko at sangpilitan hinila patayo.
" Ano bang problema mo ma?! Hindi mo ba nakikitang puyat ako? Tsaka, wala naman tao doon."
"Anong wala? Meron Myra! Yung anak niya. Hindi mo lang napapansin dahil hindi ka naman lumalabas ng bahay."
Sapul! Yun na nga eh! Talagang hindi ako lalabas dahil nakakawalang ganang lumabas. Buti sana kung nandyan palagi si Zach na naghihintay sa'kin sa labas eh wala naman diba?
"Ikaw talaga bata ka! Bumangon ka na dyan. Nakakahiya sa kumare ko. Inaasahan pa naman na pupunta ako sa bahay nila ngayon kasama ka kaya dali! Bangon na! Kabata bata mo hindi mo ginagalaw ang buto mo kaya ang laki-laki ng bilbil mo."
Natauhan ako. Mabilis ko pinasadahan ang tingin ang tiyan ko at hinawakan. Kinagat ko ang labi ko. Tama si Mother lumalaki na talaga ang bilbil ko. Kainis naman! Babawasan ko na nga ang pagkain ko.
"Tsk. Babangon na nga." inis na bulong ko.
"Good. "
Napairap nalang ako sa isip ko. Kahit nakaramdam ako ng sobrang antok ay sinikap ko parin maligo at magbihis na pinapabihis niyang damit.
Pinasadahan ko ang tingin ko sa salamin. Napangiti ako ng kumislap ang kaputian ng balat ko. Ano naman kaya sobrang special na okasyon at pinapabihis ako ni Mama. Kahit naman hindi ako magbihis ng maganda ay maganda parin ako. Hihi.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Teen Fiction"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."