Kabanata 25

49 1 0
                                    


Salamat

Heart Pov.

AKALA ko kapag bumalot ang matinding katahimikan sa pagitan namin dalawa ay mababaliw na ako pero mukhang hindi naman kahit paaano. Umihip ang malakas na hangin at ako'y napasulyap sa kanya. Tinangay ng hangin ang buhok niya habang ang kanyang kilay ay bahagyang nakasalubong.

Ang astig niya dun.

Ngumiti ako ng palihim at mabilis na iniwas ang tingin sa kanya. Baka mahuli niya pa akong nakatingin sa kanya. Huminga ako ng malalim at muling umihip ng malamig na hangin. Di ko alam pero pakiramdam ko may gustong iparating ang hangin na iyon.

Sabay namin dalawa pinanood ang araw na unting-unti na lumulubog hanggang sa kusa na lang nawala ang liwanag nang lamunin ito ng madaming ulap.

Pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko ng marinig ko ang sinambit niya.

" Salamat." he said.

I wanted to look at him but my eyes wided when he reached my hand and hold it tightly.

Wala akong nagawa kundi lumingon sa kanya.

" Thank you for making me feel that I deserve person." his eyes was soft that makes my heart pounding hard.

Kusa na lang ako napatingin sa kamay niya ng mas humigpit iyon. Gusto ko magsalita pero naging blanko ang isip ko sa sumunod na sinabi niya.

" I know that I was hard to you before but I-i don't why I feel like...my heart...want to see your face irritated. Natutuwa ako kapag nakikita kitang naasar sa'kin and I don't know why."

Ngumiti siya ng tipid sa'kin. Alam kong totoo iyon kaya ngumiti rin ako pabalik. Pagkatapos ng ngitian namin dalawa ay wala ng umimik sa aming dalawa.

Hanggang sa kusa na lang ako napatingin sa relo at sinabi sa kanyang alasais na ng gabi.

Maglalakad sana ako ng maramdaman ko ang hapdi galing sa tuhod ko.

Napasulyap siya sa'kin at walang salitang lumuhod sa harapan ko.

" Get in." he said.

"Huh?" nagtatakang sambit ko.

Nilingon niya ako mula sa likod at matalim ako tinitigan. " Sakay na bago pa magbago ang isip ko." aniya.

Mabilis ako sumakay sa likod niya at kagat labing pinalibot ang braso sa leeg. Uminit ang pisngi ko ng hawakan niya ang likod ng tuhod ko at maingat akong binuhat.

I heard him cursed. Nahiya agad ako. " Sorry mukhang mabigat yata ako." nahihiyang sambit ko.

Hindi siya nagsalita imbes mas hinigpitan niya ang kapit sa'kin. Ayokong dumikit sa kanya sa takot na baka marinig niya ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi kami dumaan sa pinag-akyatan namin. Nagtaka pa ako sa tinatahak namin daan pero ng makita ko itong mas madali ay hindi na lang ako umangal.

Suminghap ako ng wala akong magawa kundi kumapit sa kanya ng mahigpit. Alam kong nahihirapan siya sa lagay natin but I can feel that he endure everything. Mas lalo akong napangiti ng pumasok sa isip ko ang pagsasakripisyo.

Huminga ako ng malalim ng makaramdam ako ng pagod. Humigpit ang kapit ko kay Zach at sinandal ang ulo sa balikat niya. Madilim na ang buong paligid pero sapat na ang liwanag ng mga bituin at buwan upang makauwi kaming dalawa.

Umihip ang malakas ng hangin kasabay ang bulong ko.

Salamat Jasmine.

Alam kong nararamdaman niya ang bilis ng tibok ng puso ko pero wala na ako magawa ng kusa na lang bumigat ang talukap ng aking mga mata.

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon