Kabanata 34

15 0 0
                                    

Date

Heart Pov

MALAKI ang ngiti ko nang lumabas na kami ng bahay at nakapagpaalam na kay mama.

Sobrang saya ng puso ko ngayon. Lalo ng iniisip na mag-date kami ni Zachary ko.

Napahigikhik ako kaya nilingon niya ako at inirapan.

" Tsk."

Pero masyado akong masaya.

" Saan tayo pupunta baby Zachary?"

Tuloy-tuloy lang ang lakad niya at di ako sinagot.

" Ang sungit pero mag-d-date ba tayo?"

Bigla siya tumigil kaya napauntog ako sa likod niya. Lumayo ako ng konti ng humarap siya sa'kin.

" No. " sagot niya.

" Huh?" bigla ako naguluhan sa sinabi niya.

" This is not a date. I just want to somewhere. "

Bumagsak ang balikat at ngiti sa labi ko. Kinagat ko ang labi ko ng nanuot ang sakit sa dibdib ko. Umiwas ako ng tingin sakanya ng mapansin ang paninitig niya.

" A-ah...ganun ba. S-so s-saan tayo pupunta?" tanong ko.

Sabi niya kanina lalabas kami pero di niya rin sinabi na mag-dadate kami. Assuming talaga ako.

Nako Heart! Kaya ka nasasaktan e..

" Tsk."

Binalik ko ang tingin sa kanya dahil may halong tawa iyon. Namangha ako ng makita ang ngiti sa labi niya abot sa mata niya. Umawang ang labi ko ng basta-basta niya nalang pinisil ang pisngi ko at tinitigan ako.

" Kidding. This is our first date Myra. " he said and wink.

T-teka yung puso ko. Baliw na baliw na yata dahil halos magwala rito sa ribs ko.

" A-ano pakiulit Zach." Di makapaniwalang nakatitig ako sa kanya.

" Nah." Iling niya at tinalikuran ako.

Walang-wala ako sa sariling sumunod sa kanya. Nang makita niya yatang sobrang bagal ko maglakad ay nilingon niya ako at binagalan rin ang lakad niya hanggang sa magpantay na kami.

Gusto ko punain ang ginawa niya pero mas nanaig sa'kin yung kilig at saya na muling bumalik.

Akala ko maglalakad lang kami pero pumara siya ng tricycle.

"Kuya Salcedo po. Sa Leisure Park. " sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. " Talagang pupunta tayo roon?!" labis ang tuwa ko tanong sa kanya..

May ngiti sa labi tumungo siya at pinauna akong pumasok sa loob ng tricycle. Di nakaligtas sa'kin ang pag-alalay niya sa ulo ko pero katulad ko ng kanina ay hinayaan ko lang.

Di mawala sa labi ko ang ngiti dahil dikit na dikit kami sa loob. Kaya di na matanggal ang tingin ko sakanya. Side view pero gwapo parin. Ang tangos-tangos ng ilong niya. Siguro isa sa mga ito ang dahilan kung bakit nainlove sakanya si Jasmine.

She is actually lucky to have him. Kaya naniniwala akong may dahilan kung bakit niya ginawa kay Zachary.

Tinigil ko na ang paninitig kay Zach at bumuntong hininga. May kalayuan ang pupuntahan namin pero naging mabilis lang iyon.

" Hati tayo sa b-bayad Zach. "

" No. " pigil niya sa'kin at nagbayad agad.

" Thanks kuya. "

Napanguso ako ng humarap sa'kin kaya saglit siya napatitig bago nilipat sa likod ko.

" Sa may entrance ka nalang bumawi." sambit niya.

Mabilis naman ako tumungo. " Aba dapat lang!" natutuwang turan ko at nilingon ang likod ko.

Umawang ang labi ko ng sumalubong sakin ang malawak na ilog at iba't ibang hayop. May mga magagandang statue like sila Barney at Disney princess.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung kanta ni Barney.

Hinarap ko si Zach. " I love you, you love me. "  natigilan siya pero kitang-kita ko naman pamumula ng taengi niya. Cute.

We're a happy family With a great big hug " nanlaki ang mata niya ng bigla ko siya niyakap.

" And a kiss from me to you Won't you say you love me too? "

Pinatulis ko ang nguso ko at nilapitan. Mas lalo lumaki ang mata niya lalo na ang ilong at walang sabi-sabi lumayo sa'kin.

Tumawa ako ng malakas ng nauna na siyang naglakad habang pulang-pula ang taenga niya.

" Huy, baby Zachary wait for me!" sigaw ko kaya naagaw ko ang atensyon ng ibang tao.

Asar na asar talaga siya dahil di na lakad ang ginagawa niya kundi takbo. Buti nalang di siya hinabol ng nagbabantay sa entrace kaya nagbayad na ako para samin dalawa.

Kaso natagalan ako gawa ng sinuklian oa ako.

Luminga-linga ako sa paligid. Nagbabakasakaling makita si Zach pero sa dami ng tao di ko siya makita. Natataranta na ang sistema sa loob ko pero pinigilan ko.

Tumingin-tingin nalang ako sa hayop nandito. May cottages din at wooden cabin na pwede pagstay kung gusto pero di yata kayang mag-enjoy kung di ko makita si Zach.

Eh siya yung kasama ko. Tapos iiwan niya ako?

Umupo nalang ako sa bench at binasa ang nakasulat sa bato.

Life must be go on.

Aba dapat lang!

"Tsk. You really look stupid. "

Napasimangot ako tinuran niya. Kahit nasa harapan ko ay di ako tumingin sakanya.

" Kausapin mo damo. " inirapan ko siya.

Kanina ko pa siya kaya hinahanap tapos babanatan niya ako ng stupid? Eh, kung baby kaya itawag niya sa'kin ay willing na willing ako humarap sa kanya..

Tumabi siya sa'kin. " Here. "

Nilingon ko ang inabot niya. Umawang ang labi ko at halos nagwala ang puso ko sa ribs.

He gave me a white roses.

Natigil agad ang saya sa nanuot sa dibdib ko dahil bakit puting bulaklak.

" Alam mo Zach wala ka talagang sweet sa katawan. Bakit puti! Mukha ba akong patay sa'yo?"

" Bakit hindi ba?"

He got me there. Napangiti ako.

" Obvious ba?" tanong ko pero tumungo siya. " Pero Zach! Puti parin yung bulaklak mo!" ungot ko.

Napansin ko tumitig siya sa'kin sa mukha ko. Unting-unti nawala ang ngiti sa labi ko at wala ibang narinig kundi ang malakas na pintig ng puso ko. Tila ba may sarili kaming mundo habang nagtitigan sa isa't-isa. Kitang-kita ko tuloy pagkislap ng mga mata niya at di ko alam kung ganoon rin ako. Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at tuluyan ako binigyan ng matamis na ngiti sa kanyang labi na nagpalundag ng puso.

" Whites flowers is remind me of you. You're the purest person that I ever met and willing to meet again in another life. So, don't you ever change Mrya, kay?" aniya.

Kinilig ang buong katawan ko at hinaplos ng sinabi niya ang puso ko.

Gulat na gulat ako nakatitig talaga sakanya lalo ang sinambit niya. Hinaplos niya ang pisngi ko at marahan na pinisil iyon.

Kumunot ulit ang noo ko at isink in sa utak ko ang sinabi niya.. Purest? Eh, di niya alam pinagnanasahan ko rin siya pag may time ako?

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon