MisaHeart Pov.
"lalala...ikaw ang laging hanap hanap sa gabi't araw ikaw ang lagi ko iniisip.."
"Jusmiyo marimar!"
Tumigil ako sa pagkembot sa salamin habang naka-undies lang. Dahan-dahan ako ngumisi kay mama ng makita ang itsura ko habang nakangangang nakatingin sa'kin. Sige lang mother nganga pa more baka mamaya pasukan na yan ng langaw! Hahaha.
Bigla may sumipol sa gilid at pinuri pa ang katawan ko. Ngiting-ngiti akong sinagot siya.
"Nice sexy!"
"Oo naman ako pa--omy! Anong ginawa--whaaaaahhh bastos!" sigaw ko.
Si Niko! Nalintikan na ang nanay niyo!
Mabilis ko kinuha ang kumot sa gilid at unan para ibato sa kanya pero bago ko magawa ay mabilis na bumalik sa ulirat si mother at sinara ang pintuan ng kwarto ko..
Uminit ang pisngi ko at inis na sinabutan ang sarili.
"Grrrrgg! Bwisit ka Nikolai!" ungol ko sa sobrang inis.
Mas lalo uminit ang ulo ng marinig ko ang malakas na pagtawa niya.
"Don't worry maganda naman ang katawan mo kahit maliit ka." rinig kong tugon niya at sinamahan pa ng sipol.
"Ewan ko sa'yo bwisit ka!" inis na tugon ko.
Mas lalo nanaig sa taenga ko ang tawa niya pero buti nalang sinaway siya ni mama.
"Hahaha--aray tita!"
"Hijo tama na. Hindi ko nagustuhan nangyari." nafeel ko na seryoso si mama sa sinabi niya kaya tumigil na sa pagtawa si Niko ay marahan na tumikhim.
"Pasensya na po tita."
Napairap ako sa ere. Oh tignan mo 'to bigla nalang bumait ng parang tuta. Umiling nalang ako at napanguso habang nakaharap ulit sa salamin.
Tinaggal ko ang kumot at pinagmasdan ko ang katawan sa salamin.I'm wearing black undies and dahil maputi ako bumagay naman kahit papaano. Well, sexy talaga ako.
Inis akong lumingon sa pintuan ko at dali-dali nagtungo doon para i-lock. Nako, sa susunod ay ilolock ko na talaga ang pinto ng kwarto ko.
Araw ng linggo ngayon kaya alam ko ang pakay ng lalaking iyon dito. Matapos magbihis ng isang peach turtle nech sleeveless dress ay lumabas na ako at pumunta sa kusina para kumain.
Bumusangot ako ng makita ko si Niko sarap na sarap kumain kasama si mama. Mabulunan ka sana. Di ko na siya tinapunan pa ng tingin dahil alam kong aasarin niya lang ako.
"Bilisan mo kumain kanina ka pa hinihintay ni Niko. " tugon ni mama.
Lumingon ako sa kanya at naabutan ko ang sama ng tingin niya sa'kin. Iniwas agad ako at yumuko. Napanguso nalang ako habang sunod-sunod ang naging pagsubo ko. Naiinis nga ako kay Niko kasi sa kabila ng pagiging seryoso ni mama ay kitang-kita ko ang mapangloko niyang ngiti.
Mas nakakabwisit lang ay tumitikhim pa siya sabay buntong-hininga ng malalim. Nako, lagot siya sa'kin kapag nakaalis na kami.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Teen Fiction"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."