PanaginipHeart POV
NAGISING ako bigla sa lugar na hindi pamilyar sa'kin. Malakas ang ihip ng hangin at tila naging kanta ang huni ng mga ibon. I was standing here, alone with a complicated situation. Humakbang ako ng isang beses pero mabilis rin natigilan ng lumubog ang kanang paa ko sa tubig.
Bumaba ang tingin ko at mabilis nagpakita ang repleksyon ng mukha ko sa tubig.
Kumunot ang noo ko at kusang nakapahawak sa maiksing buhok na kahit kailan hindi ko matandaan kung kailan ko pinagupitan.
Anong nangyari? Tsaka nasaan ba ako?
Napaisip ako saglit pero nagulat na lang ako ng kusang humakbang ang paa ko patungo sa likod ng gym. I tried to stop myself from walking but I couldn't. Suddenly, I found myself staring at two person who's busy kissing each other.
Kusa akong napahawak sa dibdib ko ng magsimula magnikip ito.
What the hell happening to me?
"H-heart.." isang pamilyar na boses ang nagpa-angat ng tingin ko. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko ng hindi ko makita maigi ang mukha ng lalaki.
His face was blurred. Who is he?
Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari lalo na ng matagpuan ko ang sarili ko umiiyak at umiiling ng kusa sa lalaki.
" D-don't go near me!"
Oh.. That's my voice!
"Babe...H-heart l-let me explain..." his voice was shaking...
"No! I don't want to see you. I hate you!"
Laking gulat ko ng kusang gumalaw ang katawan ko at tinalikuran silang dalawa. Halos sumikip ang dibdib ko habang patuloy sa pagtulo ang luha ko. Napatigil lang ako saglit ng makita ko si Zachary.
Wait, what is he doing here?
I want to ignore the pain inside my chest but I can't help but to stared at him. His anger was obviously evidence that he was really angry. Kitang-kita ko kung papaano kumuyom ang kamao niya at manaliksik sa galit ang mga mata niya.
Nanginig ang buong katawan ko at nakaramdam ng matinding takot.
"Jas, what the hell meaning of this!?" umalingaw-ngaw ang galit na boses ni Zachary sa buong paligid.
Jas?
Napapitlag ako ng biglang sinipa ni Zach ang basurang pinakamalapit sa kanya. Tulad niya ay parehas kaming umiiyak na siyang naging dahilan ng maninikip ng dibdib ko. May tila umagos sa bandang ilong ko at ng tumulo iyon sa damit ko ay natakot ako na dugo ang nakita ko.
Kusa ako napabangon ng biglang bumukas ang bintana ng kwarto ko at umihip ang malakas na hangin. Napatulala pa ako saglit at tsaka ko lang naalala naghahabol ako ng hininga habang pinapawisan ako ng husto.
" What the hell is that?" bulong ko sa sarili ko.
Napayuko ako at napahawak sa dibdib. Bakit ang bigat ng nararamdaman ko ngayon? Napasulyap ulit ako sa bintana at kusa naglakad ang paa ko roon. Napadako ang paningin ko sa orasan at nakita kong alas dos na ng madaling araw.
Ngayon lang nangyari sa'kin ito. Ngayon lang ako nakapanaginip ng ganito. Well, it's normal for me to have a dream with Zach. Pero iba ang lahat ng ito.
Tsaka sino si Jas? At..s-sino yung lalaking iniyakan ko? Hindi ko maintindihan.
Napayakap ako sa sarili ko ng umihip na naman ang malamig na simoy ng hangin. Kinagat ko ang labi ko ng pumasok sa isip ko ang napaginipan ko kanina.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Teen Fiction"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."