TabiHeart Pov.
MALOLOKA na yata ako! Kasi kinikilig ako na nalulungkot...yung nangyari kasi nakaraan na araw ay hindi ako tinigilan hanggang ngayon. Kaya pagkagising ko kanina para pumasok ay halos nagulantang ako sa itsura ko.
Ang panget ko na! Baka bigla maturn off sa'kin si Zach ko! Huhu.
Oo nga pala. About naman sa kanya ay maayos na ang pakiramdam niya. Naalala ko tuloy nangyari nung inalaagaan ko si Zach nung may lagnat siya.
Bigla uminit ang pisngi ko.
Hindi ko naman inaasahan na hihilain niya ako kaya hindi sinasadyang napahiga ako sa tabi niya tapos yung saya at kilig na naramdaman ko nung mga oras na iyon ay mabilis rin nawala.
May binanggit kasi siyang pangalan.
Kasi naman...sino ba kasi si Jasmine?
Bigla kumirot ang dibdib ko ng maalala ko ang pangalan niya. Siguro siya yung babae sa picture sa kwarto niya. Pagkatapos kasi banggitin niya ang pangalan na iyon ay bumalik ulit siya sa pagtulog kaya kahit gugustuhin ko yakapin siya at hayaan ang sarili na katabi siya sa iisang kama katulad ng pangarap ko lagi ay hindi ko nagawa pa. Lalo na nung nahagip ng paningin ko ang larawan ng babae kasama siya.
Hindi ko nga pinigilan ang sarili ko lumapit doon at titigan mabuti.
Ngumiti ako ng mapakla nang makita ko ang picture nilang dalawa. Sobrang saya kasi nila at....halatang masaya si Zach sa piling niya. Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ko ang sarili na huwag mainggit para sa kanilang dalawa. Ang nakakainis pa yung puso ko nakikisabay...sa bawat pagtibok niya may akibat na kirot kaya mabilis ako napahawak sa dibdib ko.
Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Omy, I'm not still okay..
Pagkapasok ko sa classroom namin ay nakita ko ang ibang kaklase ko ay busy sa pagbabasa. Marahil nagbabalik tanaw sa nakaraan na ni-lesson namin. Sinubukan ko ngumiti sa kanila pero sinuklian lang niya ako ng irap at pagsimangot.
Napabuntong-hininga. Until now, hindi parin nila ako gusto at hindi ko alam ang dahilan.
Wednesday ngayon at tulad ng nakagawian ay nagsusuot kami ng P.E uniform.
Hinanda ko ang sarili ko ng pagawi ang paningin ko sa upuan ni Zach. Maaga siya ngayon. Ngumiti ako ng matamis ng maabutan ko ang tingin niya sa'kin pero kumunot lang ang noo niya bago bumalik sa pagbabasa niya.
Sumimangot ako sa ginagawa niya. Nilagay ko saglit ang bag ko sa upuan ko bago ako kumuha ng upuan at tumabi sa kanya. Nilingunan niya ako at tila nagtataka sa ginawa ko.
Sinundan niya ang tingin ko kaya uminit agad ang pisngi ko sa ginagawa niya.
Gosh! Bakit ganyan ka makatingin sa'kin Zach ko?
"Goodmorning mahal na hari!" masiglang sambit ko.
"Tsk." imik niya bago bumalik sa ginagawa niya.
Ngumiwi ako ng hindi niya ako pinansin.
"Ang snob--"
"Morning." tipid na sambit niya. Awtomatikong napangiti agad ako sa sinambit niya.
Sumilip ako sa binabasa niya kaya pasimpleng nilingunan niya ako pero hindi ko nabigyan pansin iyon ng makita ang binabasa niya. Halos masuka ako ng makitang general chemistry iyon.
"Ano ba yan binabasa mo nakakasuka ng dugo." sambit ko sa kanya.
Tinungkod ko ang siko sa lamesa tsaka pinatong ang baba ko at tumitig sa kanya. Napanguso ako ng makita ang pagseseryoso niya sa pag-aaral. Kung ako sa kanya dahil hayaan niya din ang sarili na magliwaliw.
![](https://img.wattpad.com/cover/133157695-288-k650273.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Fiksi Remaja"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."