Kabanata 33

13 0 0
                                    

Naliligaw

Heart Pov

FALL in love s'sakin si Zachary ko? Weh d-di nga? Matagal ako nakatitig kay Zach kaya ng tumaas ang kilay niya sakin ay tsaka lang yata ako nakabawi sa inamin niya. Gusto lumabas ang ngiti sa labi ko pero pinigilan ko rin agad. 

I avoided his stare even my heart beat so fast. Bigla pumasok sa isip ko yung ilang buwan kong kinikimkim sa kanya ito pero tulad ng dati ay hindi nagbago ang nararamdaman ko sakanya kahit na palagi niya ako sinasaktan.

Bumuntong hininga ako at hinarap ang paningin niya sakin.

" O-okay..." sagot ko sa sinabi  niya.

Gusto ko tuloy matawa sa ekspresyon pinapakita niya. Kunot ang noo at umawang ang labi tila di makapaniwala sa sinambit ko.

One..two..three..

" It's a prank!!!" Bawi ko.

Tumawa ako ng malakas at bahagya pa siya hinampas sa braso. Kitang-kita ko napailing siya pero lumalabas rin ang ngiti sa labi ko. Para lang yata di ko makita iyon ay tinalikuran niya ako.

Di parin nawawala ang tawa ko nang habulin ko siya. Pumunta agad ako sa harapan niya.

Mapang-asar ko siya tinitigan.

" Tsk. " namumula na ang pisngi at iniwas ang tingin sa'kin.

" Alam mo ba sobra ang tampo ko sayo!?" panimula ko. " Ilang araw mo na ako di pinapansin tapos aamin ka sa'kin na fafall in love ka na e di ang hilig mo kaya saktan ako. " bungad ko ng harapin niya ako.

Humalukipkip ako at inismidan siya.

I know his eyes softened when he heard it.

He sighed. " I-i'm sorry M-myra. I need space and time to console myself."

" Anong space and time? Di pa naman tayo ah? Tsaka di mo na kailangan yan kasi willing naman ako magpagamit sa'yo."

Bigla siya humarap sa'kin. Kumunot na ang noo at bakas na ang galit sa mga mata niya. Di ko tuloy napigilan napangiti sa loob loob ko.

Kagwapo e!

" No. You don't get it don't you? Ayoko nang gamitin ka.. Gusto ko nang lumaya sa galit ko. I don't want to hurt...y-you." aniya naging dahilan nagpatibok sa puso ko sobra nagwawala.

Wala na. Talong-talo na talaga ang puso ko pagdating sa kanya.

Willing naman ako tulungan siya. Basta tutulungan niya ang sarili lumaya. Then he don't want to hurt me.

Malungkot ako napangiti kay Zach.

" Alam mo inggit na inggit ako kay Jasmine." His forehead furrowed. " k-kasi siya ang first love mo e....kaya kahit nasaktan ka niya...alam kong mahal mo siya kaya sana magawa mo na siyang patawaran kahit na..wala na siya... " humina ang boses ko.

Ang bilis bilis ng tibok ang puso ko.

Inangat ko ang tingin sakanya. Wala na akong mabasa sa ekspresyon binibigay niya pero sa kabila nun nagawa ko parin ngumiti.

" P-pero syempre pakipot ako dapat ligawan mo muna ako Zach, ah?"

I smiled sweetly at him.

Tinalikuran ko na siya at tumakbo dahil nabalot ang buong katawang lupa ko ng kahihiyan.

Ayoko naman ipakita sakanya na easy to get ako.

Di ko nga namalayan nakauwi na pala ako sa bahay. Naabutan ko  pa si mama nanonood ng Tv kaya diret-diresto ako nagtungo sa kwarto ko.

" Anak tanghali na!"

Nagising ako sa katok ni mama. Sa totoo lang napuyat talaga ko kagabi. Di ako pinatulog ng kilig at hiya ko.

Buti nalang talaga walang pasok ngayon at sabado pa kaya malaya akong isipin ang nangyari kahapon.

Walang ayos-ayos akong bumaba mula sa kwarto ko pero nasa kalagitnaan palang ako ay may pamilyar na tao nakaupo sa may sala namin.

Nanlaki ang mata ko nang mag-angat ito ng tingin at nang nagtama ang paningin namin dalawa lalo ng ngumiti siya ay nanghina ang tuhod ko.

Putcha kay gandang titigan na nilalang--

" Good morning Myra. " his white teeth makes me regret everything!

Bat ngayon pa ako tinamad mag-ayos?!

" Zachary!" Wala sa sarili kong tawag sa pangalan niya.

Lumaki lalo ang ngiti sa labi niya.

" Yes, Heart?"

Yes Heart talaga! Yung puso ko!

Nanlalaki ang mata bumalik ako sa kwarto ko at nanlumo nang makita ko ang mukha ko sa salamin.

May muta at pansin na laway pa!

" SHet ka na talaga. Huhu. Ang pangit-pangit ko tapos siya ang gwapo gwapo sa suot na pantalon at sky-blue na colar t-shirt!"

Tao pa ba yun?

Kaya imbes na hilamos at mumug lang ang ginawa ko ay wala sa oras naligo na ako.

Binilisan ko na kasi di ko rin alam ang sadya niya dito samin tsaka sobrang aga pa e halos magkabit-bahay lang kami.

Nandoon parin siya nang bumaba ako. Sobra ang paninibago ko kasi di siya yung tipong nangingiti nalang basta sa'kin.

Tuluyan siya tumayo ng nakalapit ako.

" Anong trip mo? Aga mo mambulabog." Ungot ko sa kanya.

He chuckled.

Saglit ako natulala pero nawala rin agad ng marinig ang sunod na sinabi niya.

" Umaakyat ako ng ligaw." sambit niya

Nabilaukan ako sa sariling laway sa sinabi niya. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ko sa kanya kahapon.

Matagal ako bago nakasagot sakanya.

Lumapit ako sa kanya at mahinang tinapik ang pisngi niya. Nagulantang naman ang mukha niya at nalukot ang mukha.

I smile widely. " Seryoso ka nga.." mangha-mangha titig ko sakanya.

" Tsk. You're stupid. " 

Nameywang ako. " Aba, may nanliligaw bang minumura ang nililigawan niya?"

" Meron. Ako palang. " sagot niya at ngumisi sa'kin.

Putek. Sinaniban ba ito? Si Zach ba nasa harapan ko o iba? 

" Edi lalabas tayo?"

Tumaas ang kilay niya at marahan tumungo.

" Yeah. Where do you want to go?"

Nag-isip ako. Hmmm.

Tumitig ako sa kanya habang hinihintay niya ang sagot ko. Grabe ang kaba sa dibdib ko.

Natigil lang nang lumabas si Mama mula sa kusina.

" Mag-almusal muna kayo. " tawag niya.

" Okay po Tita." sagot pa at nauna pang pumunta sa kusina.

Di ko tuloy napigilan napatawa.

" May nanliligaw ba mas nauna pang pumunta sa kusina kaysa ayain ang nililigawan niya?" Bulong ko pero tila narinig yata nilang dalawa.

Si mama ay bigla naging masama ang tingin sa'kin habang si Zachary ko ay ngumisi sa'kin.

" Meron. Ako palang. " sagot niya nagpaawang sa bibig ko.

Loko to ah!

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon