Kabanata 7

99 1 0
                                    


Friends

Heart Pov.

"Bakit malungkot ka?"

" Nalulungkot lang ako."

Inangat ko ang paningin ko ng padabog niya nilapag sa lamesa ang kutsura hawak niya.

"Ano nga? Ang gulo mo rin. Ayaw mo rin sabihin kung anong problema mo."

Napairap nalang ako at sumubo ng isang beses.

Napayuko ako ng maramdaman ko ang mabigat sa dibdib ko.

" Paano ko sasabihin kung naguguluhan rin ako."

Huminga ako  ng malalim at tumingin sa gawi niya. Di ko talaga maintindihan si Zach, pati sarili ko di ko rin maintindihan. Ang hirap basahin. Nakakaloka! Crush ko siya pero bakit ganito.. Gusto umiyak.

Ang hirap kaya umasa! Bwisit. Well, wala pa naman siya binibigay na signal sa'kin pero paano ko ipapaliwanag yung nangyari kanina sa library?

"Lapitan mo kaya para matapos na."

" Gusto ko pero natatakot ako.."

Kinagat ko ang labi ko ng matagal hindi nakasagot si Ivy. Pagtingin ko sa kanya ay naabutan ko rin siya nakatitig sa mag-isang Zach.

"Walang mangyayari sa lovelife mo kung mahihiya ka."

"Sa tingin mo?"

Nilungunan niya ako at mabilis na tumungo. Uminom siya ng tubig at sumilip sa relo niya.

"Bakit may problema ba?"

Nagulat ako ng tumayo siya at lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang balikat ko at pinatayo. Bahagya niya ako tinulak patungo sa kinaroonan ni Zach. Hindi agad napansin ni Zach ang presensya ko kaya busy pa siya sa binabasa niya.

"Bibigyan kita ng Twenty minutes bago matapos ang recess. Kaya go. Goodluck."

Marahas niya ako tinulak kaya halos masubsob ako sa lamesa niya. Walang minuto ang pinalipas niya ng inangat niya ang paningin sa'kin.

Nakita ko kung paano nagbago ang emosyon niya ng makita ako. Bakit ba sa tuwing makikita niya ako ay badtrip agad siya?

"H-hi?"

Inipit ko ang takas na buhok ko sa taenga ko at tahimik na umupo sa tapat niya. Nakatitig parin siya kaya medyo naiilang ako sa kinikilos ko. Pakiramdam ko binabantayan niya ang bawat kilos ko. 

"Ano ginagawa mo dito." sambit niya gamit ang napakalamig ng boses niya.

Ngumiti ako ng malaki at kibit balikat.

"Gusto lang kita makita." sambit ko.

Sa kabila ng kaba ay binabaliwala ko lang ang lahat habang kaharap ko siya ngayon. Walang salita sinunod pero ang mga titig niya. Nakakatindig balihibo. Matatalim ang titig niya sa'kin.

" Bakit, may dumi ba sa mukha ko?"

Mabilis niya iniwas ang tingin sa'kin.

"Tsk."

Tinuon niya ulit ang atensyon niya sa librong binabasa niya. Ang ngiti sa labi ko. Hindi parin maalis-alis amg ngiti sa labi ko. Ang sarap pala..ang sarap palang nasa harapan mo lang ang taong gusto mo. Ganito pala ang feeling.

Kung titigan ko siya buong araw o magdamag. Okay na sa'kin at talagang okay na okay. Naalala ko tuloy ang sinabi niya sa'kin kanina. Hindi nga ako makapaniwala nag-sorry siya sa'kin, wala kasi sa mukha niya ng huminga ng tawad sa ibang tao.

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon