AlaalaHeart Pov.
ALAM niyo ba yung pakiramdam na para bang may kulang sa pagkatao mo? Yung bigla bigla ka na lang malulungkot sa hindi malaman dahilan? That there's a part of your life is missing? Hindi ko maipaliwanag pero habang tumatagal nagdududa na ako sa nararamdaman ko lalo na ang hindi normal na tibok ng puso ko.
Napahugot ako ng hininga at napatigil sa pagbotones ng blouse ko. Malungkot ako ng napalapit sa salamin at pinagmasdan ang peklat sa dibdib ko. My heart is weak. Really really weak. Kapag konting pagod lang at konting emosyon lang ay talagang sasakit na ang puso ko kaya sa talaan ng buhay ko. I'd never experienced my childhood life dahil nasa bahay lang ako kaya ingat-ingat sila Mommy sa'kin. Pero hindi ko maalala kung umibig na ba ako o hindi. Kasi may parte ng highschool life ko ang hindi ko maalala pero dahil nandyan lagi sa tabi ko si Niko ay binalewala ko na lang.
Not until now. My heart is strong and amazing. Enough to handle pain.
Hinawakan ko at sinundan ang hiwa ng peklat ko. Nasa gitnang bahagi siya ng didbib ko at kung titignan mabuti ay hindi na masyado itong halata at unting-unti na naglalaho. More than one year na simula ng maoperahan ako sa puso at hindi ko kilala kung sino man ang nagdonate ng puso sa'kin but who ever she or he is. I must be thankful because s/he let me to take care of her or his heart. Hindi man sakin ang puso kong ito ay iingatan ko parin dahil hiram ko lang ito.
Umiling na lang ako at mabilis na tinapos ang pagbibihis. Kumain ako at nagpaalam na. Pagkabukas ko ng gate ay saktong paglabas rin ni Zach. Sumulyap siya sa gawi ko kaya mabilis ko siyang ngitian pero halos manlamig ako ng dinaanan niya lang ako ng tingin at tumalikod sa'kin. Halos nanghina ako ng dumaan ang matinding kirot sa dibdib ko. Napahawak ako roon at alam ko ang pakiramdam na ito.
Nasasaktan ako at di ko alam kung bakit ganito ang epekto sa'kin ni Zach. Tsaka naiinis ako na maisip na bumalik na naman siya sa dati. He ignore me like I'm nothing to him. Bumagsak ang balikat ko at sumunod na rin sa paglalakad niya. Malayo siya sa'kin tulad ng unting-unti paglayo niya sa'kin at nasasaktan ako.
Nilalayo na naman niya ang sarili sa'kin. Ewan ko kung bakit nag-iba ang emosyon sa mukha simula yung nagyari kahapon. Simula ng muntik na naman siya masuntok ni Niko then boom! Nag-iba ang ihip ng hangin tulad ng pag-iba ng kinikilos niya ngayon. Lalo ng maalala kong hinalikan niya ako kahapon!
Napasabunot ako sa sariling buhok." Grrh! Mababaliw na talaga ako sa'yo!" bulong ko sa hangin. Umiling na lang ako at mas piniling hindi titigan ang likod niya.
Nakatingin lang ako sa kalsada ng hindi nagtagal ay tumama ang ulo sa matigas na pader--nope. Hindi pader kundi likod ni Zach. Nakabulsa ang dalawang kamay nito at di nagtagal ay bigla itong humarap. Mabilis akong mapaatras ng makita kong sobrang lapit ko sa kanya but thanks to my height. Hanggang dibdib niya lang ako.
Ang liit ko kasi haha.
" Tsk." asik niya.
Napairap ako sa wala. " Tsk-tsk mo mukha mo. Sungit." inis na sambit ko at nilampasan siya pero tulad na nangyayari sa teleserye at sa nababasa wattpad ay hinawakan ang braso ko.
Nakakunot ang noo niya habang sinusuri ang mukha ko. Nang mapansin kong matagal na nakatitig siya sa'kin ay peste. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.
" S-sorry."
" Ano?" ulit ko.
"I'm s-sorry." sambit niya.
Hinigit ko ang braso ko tsaka pinagkrus ang braso sa harapan niya. Napangisi ako at umiling sa harapan niya. " Himala at alam mong huminga ng tawad?" tanong ko. Napaiwas siya tingin sa'kin tsaka pilit na pinapakunot ang noo. Umaling na rin ako tsaka lumapit sa kanya. Nakita kong nagulat siya sa nagawa ko pero pinigilan niyang huwag suminghap. Huminga ako ng malalim at minasahe ang ang noo niyang nakakunot.
" Nakakasawa na yang noo mong palagi nakakunot." sita ko at pilit na minamasahe ang noo niya matagal bago ko iyon natanggal.
Lumayo ako sa kanya at nakangiting lumayo sa kanya. " Now, the apology accepted."
Matagal bago siya hindi umimik kaya nagkibit balikat ako at nauna ng naglakad sa kanya. " Tara na baka malate pa tayo."
Nang maramdaman kong hindi parin siya sumusunod ay lumingon ako sa kanya. Naabutan kong ito nakahawak sa dibdib niya habang makahulugan nakatitig sa'kin.
" Ano na? Okay ka lang?" tanong ko.
He unconsciously nodded and took a step. Mabilis siya nakalapit at hinaplos ang pisngi ko. Ilang beses ako napakurap dahil sa lapit ng mukha niya.
" Thank you." he said and hold my hand. Hinila niya ako at hawak niya ang kamay ko hanggang sa nakarating kami sa school. Binitawan niya lang ng may studyanteng pumapasok.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa kusa na rin ako tumigil sa paglalakad. Pinagmasdan ko lang siya kung papaano nilagay ang kamay niya sa bulsa at swabeng tumungin sa'kin. Ngumiti ako sa kanya habang siya ay pinagkunutan ako ng noo.
Umiiling akong naglakad patungo sa kanya pero natigilan rin ng kumirot ang puso ko at di sinasadyang napahawak ako roon. Tumingin ako sa kanya at isang ala-ala dumaan sa isip ko. Naging mabigat ang pakiramdam ko ng bumalik ang panaginip na iyon.
I was stunned like I was in my dream. Nakatayo habang sunod-sunod na nagsipatakan ang luha sa aking mata. Malakas ang simoy ng hangin at sa isang kislap mata natagpuan ko ang sarili kong nakatitig sa dalawang taong naghahalikan. Nakatakip ang kamay ko sa labi habang pinipigilan kong huwag mapahikbi habang pinagmamasdan sila until there's someone spoke from their moment.
Mabilis sila naghiwalay at parang nabuhusan ako ng malamig na tubig ng makita ko ang mukha nila.
Niko..
Tumingin ako sa taong nagsalita at ganun din ang laking gulat ko ng makita ko si Zach na ang sama ng tingin sa kanila at kitang-kita ko ang matinding galit sa mga mata nita. Muli kumirot ang puso ko at mariin akong napahawak roon.
B-bakit sobrang sakit?
Nang muling lumingon ako kay Niko at sa babaeng malabo parin ang mukha pero kitang-kita ko ang gulat sa kanilang mata.
" Z-zachary.."
"H-heart!"
Naging sunod sunuran ako sa aking katawan at umiling sa kanilang dalawa. Napaatras ako at lumayo sa kanila pero sa pagatras kong iyon ay may isang bahagi na katawan ang yumakap ng mahigpit sa'kin na siyang nagpabalik sa reyalidad. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang sakit sa braso ko at natagpuan ko ang sariling nakahiga sa simento. Maraming beses ako napakurap at huminga ng malalim lalo ng makita ko si Zachary nasa ibabaw ko at dumudugo ang ulo.
" Z-zachary anong--"naputol ang sasabihin ko ng marahan siya umiling sa'kin.
" A-are you okay?" tanong niya.
Mabilis ako umiling at namuo ang pag-alala sa mukha ko lalo ng walang pakialam na dumadaloy ang dugo sa kanyang mukha.
" M-masakit ang braso ko." sambit ko.
Nanlaki ang mata niya at kahit kita ko ang sakit ay pinilit niyang bumangon at tinignan ang braso ko. Doon ko lang din napansin na nagkakagulo ang mga studyante. Sinundan ko ng tingin ang pinagkakaguluhan nila at ganun na lang ang takot ko ng makita kong may kotseng nakasalpok sa puno at malapit sa amin iyon.
" Shit may sugat ka!"
Napatingin din ako sa braso ko at halos nawalan ako ng dugo sa mukha ng may nakabaon na bubog.
" Damn that car trying to hit you! Kung hindi pa kita hinala palapit sa'kin. I'm fucking sure that I will regret it again!" bulalas niya at mahigpit akong niyakap sa kabila ng sakit na nararamdaman niya.
" I'm worried! What the hell happened to you? Bakit bigla ka na lang napapatulala at umiiyak roon?" aniya.
Suminghap ako at umiling sa kanya. Humigpit akong napayakap sa kanya habang tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha mula saking mata.
" D-di ko alam...d-di ko alam." hagulhol ko.
Ang sakit puso ko. Para akong sinasakal na di ko malaman dahilan.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Teen Fiction"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."