kabanata 16

83 2 0
                                    


Grave

Heart Pov.

Tahimik lang ako habang hindi naalis ang ngiti sa labi ko.  Ngiting tagumpay! Di ko alam pero ang tahimik niya sobra siguro bukod tangi lang ang maingay sa pagitan namin dalawa eh ung tunog ng tricycle. 

Sumulyap ako sa kanya pero umurong ang dila ko ng maabutan kong nakakunot ang noo niya tapos bigla saktong tumigil yung tricycle. Kaya tumingin ako sa labas at nagtaka ako ng makitang nasa simenteryo kami.

Sino naman ang dadalawin niya dito? May kamag-anak ba siyang namatay? Bakit wala man lang ako balita.

"Zach sino ang binisita natin dito?" tanong ko ng bumababa ako.

Hindi niya ako pinansin kasi nag-abot siya ng bayad kay manong tapos diretsyong naglakad papunta sa gate. Di ako sinagot sa sarili kong tanong at nilagpasan lang ako.

Imbis na tumunganga lang ako ay mabilis ko siya hinabol.

"Uy, bakit nga?" tanong ko ulit.

"Umuwi ka nalang." malamig na sambit niya.

Tumaas naman ang kilay ko. Bakit naman ako uuwi eh gusto naman kita makasama eh.

Umiling ako." Ayoko nga." sambit ko. Tinignan ko ang reaksyon niya pero walang pinagbago. " Magkabit bahay naman tayo kaya dapat magkasabay tayo umuwi."

Nilibot ko ang buong paningin ko sa paligid ng bigla siya tumigil sa paglalakad. Napatitig ako sa likod niya. Anong problema naman nito at bigla tumigil?

"Iniwan mo ang kasama mo para lang sumama sa'kin alam mo ba ang kung gaano mo tinapakan ang ego niya?" inis na sambit niya.

"Huh?"

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Hindi siya sumagot kaya mabilis ako pumunta sa harapan niya at nameywang.

"Pinagtatabuyan mo ba ako?"

"What do you think?" tanong niya pabalik.

Tumingin siya ng matalim sa'kin kaya halos napalunok ako doon. Gosh, bakit ang sama ng tingin sa'kin? Kinalibutan ako ng humakbang siya ng palapit sa'kin. Kaya humakbang ako paatras pero maya-maya lang ay tumigil din siya.

"Tsk. Manhid." pabalang na sambit niya at nilagpasan ako.

Halos nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at sinundan siya ng tingin.

Ang hirap naman basahin nun! May topak yata eh. Umiling nalang ako at mabilis na sumunod sa kanya. Nang makalapit ako ay pinag-krus ko ang braso ko.

"Bahala ka dyan di ako uuwi." sambit ko.

"Tsk."

Napangiti ako ng hindi na niya ako pinigilan pa. Hindi nagtagal ay tumigil kami. Nasa tapat lang kami ng isang punong mangga kaya hindi masyadong mainit sa pwesto. Napatingin ako kay Zach ng may kinuha siya sa bag niya. Nilabas niya ang isang paso ng pulang rosas at mga pagkain. Naglapag din si Zach ng kumot at umupo roon.

Napatitig ako sa kanya habang nagsisindi ng kandila. Nakatayo lang ako sa gilid niya. Bigla niya ako tiningala at pinagkunot ang noo.

"Seat." inis na sambt niya.

Halos nataranta ako sa sinabi niya kaya mabilis ako umupo sa tabi niya. Bigla siya umusod ng konti para bigyan ng konting espasyo sa pagitan namin dalawa.

" S-salamat." nahihiyang sambit ko.

Napayuko ako at napatitig sa nakaukit ng pangalan sa lapida. Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang pangalan.

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon