Kabanata 35

20 0 0
                                    

Holding hands

Heart Pov

ALAM ko namumula ang pisngi ko pero ang isipin na panaginip ito ay hindi ko matanggap.
Tapos bibigay niya ako ng puting bulaklak at sasabihin I'm the purest. Shocks. Yung puso ko di na matigil sa pagtibok ng mabilis.

" Alam mo binabaliw mo ang puso ko Zach. " Nahihiyang turan ko.

" It's okay. I willing to be your antidote." He said and smile sweetly at me.

Umawang ang labi ko at di makapaniwala sa sinambit niya. Binabanatan niya ba ako kasi kung oo ay talagang pinakikilig niya ako ng sobra.

Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Sobrang init ng pisngi ko. Natameme ako. Kaya nang mag-aya siya kumain kami ay di na ako nagreklamo.

Ilang beses siyang sumusulyap sa'kin.

" Why are you quiet?" di napigilan tanungin niya ako.

" K-kinikilig kasi ako Zach.." sagot ko.

" Tsk. Dapat di pala kita pinapakilig. "

Umiling siya sa'kin na para bang disappointed siya sagot. Kumunot ang noo ko at ako na talaga humawak sa kamay niya.

Kapal no? Ako babae pero ako nagfifirst move hahaha.

Bumaba ang tingin niya sa kamay namin dalawa.

" You make my heart happy Zach. Kaya thank you Zachary ko. "

Pumungay ang mga mata niya. Mula sa taenga ay namumula na kaya dali-dali niya binawi ang kamay at iniwas ang tingin.

" Faster Myra. We should enjoy having here."

I nodded my head. Kahit saan niya ako dalhin ay maeenjoy at sasaya ako basta siya ang kasama ko.

Pinanood namin yung peacock na ang gaganda ng buntot at ang iba rin mga hayop. Kaya naaliw kaming dalawa at hindi na bored.

Sumakay pa nga kami sa bangka para maaliw sa mga isda. Sobrang linaw rin ng tubig. Bigla gumewang ang bangka ng sumakaay ako kaya mabilis na umalalay sakin ang mga kamay ni Zach.

Nagtama ang paningin namin dalawa.

" Be carefull. " He said.

Hindi said and let me seat beside him.

Umihip ang malamig na hangin. Maraming tao ngayon dito dahil weekdays. Hindi ko alam kung paano nagtapos ang date namin ni Zach. Kapag talaga masaya ka kaya ang bilis matapos ang lahat.

Bigla nalang ako gigising at sasabihin naghihintay sa'kin si Zachary. This is really first time in my life. Na para bang impossible lahat. Na talagang naliligaw si Zachary ko.

" Anak. Kanina pa si Zach sa labas naghihintay sayo. "

Lumabas agad ako at nilapitan siya. Nag-angat siya ng tingin sa'kin.

" Nako...sorry sorry talaga Zach. Kanina ka pa ba?"

Tumitig siya sa'kin at ngumiti sa'kin.

" Don't worry Myra. I'm willing to wait. " He said.

Putek ng malupit. Tumigil talaga ng literal ang mundo ko. Ang puso ko ay mas lalo nagwawala sa ribs ko na para bang ready lumabas at ialay ang sarili sa taong nasa harapan ko.

" Let's go?"

Bumaba ang paningin ko sa kamay niya ng ilahad sa'kin iyon. I look at Zachary who is waiting for me to come with him and give my hand.

Napapaenglish ba ako dahil sa kaba ko.

Nako nako Heart!

Nanginig ang kamay ko inabot sa kanya. Ang mainit na palad ay sinakop ng buong-buo ang kamay ko. Marahan hinaplos ng thumb niya ang kamay ko. Tahimik na hinila ako at naglakad na papunta sa school.

Ang babata pa namin sa holding hands pero ayoko na talaga magreklamo at sinulit ang mga oras.

Nanunuyo ang lalamunan ko at hindi maalis ang paningin kay Zach na hindi rin maalis ang sensiridad na ngiti. Na masaya siya tulad ko.

" Sobrang extra extra sweet mo ngayon Zach. " Di ko napigilan punahin siya.

" So? Expect from now on that we are always doing this...holding hands, waiting for you. Sabay lagi sa pagpunta at pag-uwi galing school. I'm courting you Heart Myra. So better take care me. "

I nodded my head. Kayang-kaya kita alagan at mahalin ng buong puso ko Zachary.

Namamangha ako pati ang pakikipag-usap sa'kin ay humahaba na.

Alam ko lagi kami tinitignan kapag magkasama. Syempre hindi na kami magkahawak kami dahil PDA na masyado at sawayin pa kami ng principal.

Salubong ang kilay nakamasid sa amin si Fayle. Lumawak ang ngiti sa labi ko.

" Lunch later. " Sabi ni Zach ng papasok sana ako sa kabilang classroom.

" Sige. " nagwawala na ang alaga ko tiyan.

We are smile each other. Mas ngumiti ako Fayle. Tinuro ko si Zach at ako tapos i-heart shape ko ang kamay at tinapat sa puso ko.

" Heartbeat." I mouted.

Labdab. Lab..dab.

Sinuklian niya lang ako ng irap. Naabutan ko ang tingin sa'kin ni Niko pero tipid akong ngumiti sakanya.

" Uy, ano yan? Bat ka hinatid ni Zach dito?" Bulong ni Ivy ng tuluyan ako nakalapit.

Sobrang laki ng labi ko at lumapit sa kanya upang bumulong sa taenga niya.

" Nanliligaw na sa'kin si Zach. "

Lumaki ang mga mata niya at di makapaniwalang tinignan ako.

" Omg!!" Impit na tila niya. Ito..ito ang namiss ko dito na wala sa kabilang classroom.

Unting-unti ako nasasanay na palagi kaming magkasama ni Zach. Marahil ay gustong-gusto ko ang lahat nangyayari. Pangarap ko ito. Pangarap ko si Zach.

Na para bang ayoko ng magising mula sa ganitong panaginip. Ayoko ako lang masaya. Gusto ko tuluyan si Zach na makalaya mula sa nakaraan. Gustong-gusto ko maging masaya si Zach at magmahal muli.

Ambisyosa siguro ako. Nasasanay na kasi ang puso ko kasama siya.

Ilan araw...weeks...hanggang umabot ng isang buwan. Mas lalo ako napalapit kay Zach. Mas lalo ako nahulog. Mas napapadalas ang date namin. Lagi na niya ako tinuturuan sa mga subject na hindi ko magets minsan ang lesson.

Na para bang parehas na kami ng tinatahak na daan papunta sa tamang landas. Tadhana na mismo ang nagpaparaya samin ngayon.

Sobrang laki ng ngiti ko ng makita ko ang hinahanap ko.

Hoodie iyon kulay black at may kalahating puso at pang-couple iyon.

" Uhm..miss dito nga po. "

" For couple ma'am or isa lang bibilhin niyo?"

The way she smile at me. Mas lalo nahihiya pero kinapalan ko na ang mukha ko.

" C-couple po. " Mahinang tugon ko.

Tumungo siya at walang bahid na panghuhusga.

" Size ma'am?"

" Ah..e..large t-tsaka po medium. Color black po. "

Kinuha niya at naghanap ng size. Sinamahan niya ako sa counter. Mabilis ko agad binayaran at nagbili naman ng pambalot.

Sobrang laki ng ngiti ko. Bukas kasi... birthday ni Zach at ito..ang naisipan ko regalo sakanya. Bukas rin ay...sasagutin ko na siya. Gusto ko date ng birthday niya ang anniversary namin.

Iniisip ko palang bukas ay sobrang kilig na ang nararamdaman ko.

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon